Dating namamalimos lamang sa kalsada, Negosyante na ngayon.

Sa video na ibinahagi ng YouTube Channel ni Jose Hallorina, makikita kung paano nabago ang buhay ng isang namamalimos lamang dati sa kalsada matapos s

Larawan ay mula sa Youtube Video


Sa video na ibinahagi ng YouTube Channel ni Jose Hallorina, makikita kung paano nabago ang buhay ng isang namamalimos lamang dati sa kalsada matapos siyang mabigyan ng tulong at nakapagpundar na kanyang negosyo sa pamamagitan ng pagtitinda ng balot.

Larawan ay mula sa Google


Kung babalikan ang unang bahagi ng naturang video, napukaw ang kanilang pansin sa isang dalagang may bitbit na sanggol sa gilid ng kalsada. Sa bawat paghinto ng mga sasakyan, nilalapitan niya ang mga ito upang manghingi ng kaunting pera habang ipinapakita ang maliit niyang placard kung saan nakasulat ang mga sumusunod na pahayag: “Ma’am. Sir hihingi lang Po Sana ng konting Barya. Pangkain lang Po… Maraming Salamat Po.. God Bless Po.”

Larawan ay mula sa Youtube Video


Napag-alamang isang taon pa lamang ang sanggol na kinilala bilang si Joseph. Ang dalagang nakabitbit sa kanya ay nagngangalan namang Mary Grace. Hindi nagtagal, habang kinakapanayam si Mary Grace ay dumating ang kanyang ate na kinilala bilang si Melody.

Napag-alamang si Melody pala ang ina ng bata at iniwan niya lamang ito sa kanyang kapatid na si Mary Grace dahil bumili siya ng kanilang makakain matapos makahingi ng kaunting pera mula sa mga motorista.

Bukod sa maaaring banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kalusugan nila, lalo na ang bata, napag-alaman din nilang may problema rin daw sa pandinig si Mary Grace.
Wala raw talaga siyang mapag-iiwanan sa kanyang anak, ayon kay Melody, sapagkat hindi nila kapiling ngayon ang kanyang asawa dahil nakakulong daw ito matapos mahuling gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Dalawang buwan na rin daw nilang nailalabas sa kalsada ang bata simula pa noong nawalan ng trabaho si Melody.

At dahil nga raw nais nilang tumigil ang tatlong ito sa pamamalimos, binigyan nila ito ng isang “challenge.”
“Ikaw ba, ‘pag nabigyan ng negosyo, anong gusto mong gawin ‘pag may kapital ka?” tanong ng nag-interview sa kanila.

“No’ng namamalimos po ako tapos may sumusobra po, iniipon ko po. Ngayon po, nakaipon po ako, binili ko po ng kariton,” pagbabahagi naman ni Melody.
Nang tinanong kung ano ang ginawa niya sa nabiling kariton, tugon ni Melody, “Pinagawan ko po ng tindahan ng balot.”
Subalit naka-stuck pa lamang daw ito sapagkat wala pa siyang magagamit upang ipuhunan sa kanyang binabalak na munting negosyo.

“‘Pag ‘yon binigay ko sa’yo, may pera kang gano’n kalaki, kailan ka magsisimula?” pag-uusisa ng lumapit sa kanila.
Dagliang sagot ni Melody, “Magsisimula po ako kaagad.”

“Pwede ko ba i-check? Pwede ba balik kami bukas agad?”

“Ok lang po.”

Saka mapapanood sa naturang video ang pagbigay nila ng P5,000 bilang tulong pinansiyal kay Melody upang gawing kapital sa pagsisimula ng kanyang balot at penoy business.

“Tandaan mo ‘yong challenge ko sa’yo. Ang challenge ko sa ‘yo, Ate Melody, babalik kami bukas, bukas ng hapon, siguro mga alas kuwatro…”

Singit ni Melody, “Opo, nakagayak na po ‘yon.”

Pagpapatuloy ng tumulong sa kanila, “‘Pag nandito na, dadagdagan ko pa ‘yan.”

At pagbalik nga nila kinabukasan, na mapapanood na sa ikalawang bahagi ng naturang video blog, hinanap ng “Team Jose” sina Melody.

At masayang-masaya nga nilang natagpuan ang puwesto ng balot at penoy stand nina Melody sa ilalim ng waiting shed malapit sa paradahan ng mga tricycle.

“Wow, nakakatuwa! So, hindi na kayo namamalimos?” tugon ng tumulong sa kanila.

Sagot naman ni Melody, “Hindi na po.”

Maging si Mary Grace ay hindi na raw namalimos sa araw na iyon. Kinumpirma rin nila na iyon ang unang araw na tumigil na sila sa paghihingi ng kaunting barya mula sa mga nagdadaang sasakyan sa kalsada.

“Uy, congratulations!” bati naman ng kumapanayam sa kanila.

Pagbabahagi ni Melody, halos maubos na raw ang paninda niyang penoy at halos kakaunti na lamang din ang natirang balot na itinitinda niya. Alas tres daw siyang nagsimulang magtinda at tila malakas nga raw ang benta nito.

Tinanong muli si Melody tungkol sa kanyang kariton. Ibinahagi niyang ipagagawa niya raw ito dahil nabulok na raw ang ilang bahagi nito dahil nabasa ng ulan.

“Alam mo ang pinakanakakatuwa,” ani ng tumulong sa kanila, “‘yong determinasyon, ‘yong kagustuhang magbagong buhay. 

Kasi sa totoo lang, mayr’on kaming natutulungan na ayaw tulungan ang kanilang sarili. Ikaw, iba ka, ha? Sinabi mong alas kuwatro magsisimulang mag-business…”

Paglalahad muli ni Melody, alas sais pa lamang daw ng umaga ay gising na siya. Naglakad daw siya papuntang Balintawak para lamang daw makahabol sa mga ititindang balot.

Sunod na mapapanood sa video ang pagtawag sa mga taong nakapila sa mga tricycle upang kumuha ng “libreng balot at penoy.” Tila dinagsa nga ito ng mga tao dahil agad silang pumila sa puwesto nina Melody.

Habang nakapila ang mga customer, ibinahagi ni Melody na matagal niya na raw talagang pangarap na magkaroon ng puhunan para sa kanyang itatayong negosyo.

Nang halos maubos na ang kanilang paninda, inanyayahan muli si Melody upang kapanayamin. Nang tinanong kung naiisip ba niya kung gaano “kalaki” ang negosyo niyang iyon, pagbabahagi ni Melody....

“Masaya po kasi nakabili rin po ako ng gamot ng anak ko. Tapos po, ngayon po, natutuwa po ako lalo kasi hindi na po sila sasala sa paglimos.”

“Sana magtuloy-tuloy,” ani ng tumulong sa kanila.

Sumang-ayon dito si Melody subalit hiling niya na sana’y hindi sila mahuli.

Subalit paano raw nila itatago ang karitong ginagamit nila sa pagtitinda kung nakatira lamang sila sa ilalim ng tulay? Tugon ni Melody, itatabi niya raw muna ito sa paradahan ng mga tricycle dahil ayos lang naman daw ito sa kanila. Dito rin daw kasi sila tumutuloy kapag nababaha na ang kanilang lugar.

At gaya ng ipinangako nila sa unang bahagi ng kanilang vlog, nagbigay muli sila kina Melody ng dagdag puhunan nito para sa kanyang negosyo.




Source: Jose Hallorina - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Dating namamalimos lamang sa kalsada, Negosyante na ngayon.
Dating namamalimos lamang sa kalsada, Negosyante na ngayon.
Sa video na ibinahagi ng YouTube Channel ni Jose Hallorina, makikita kung paano nabago ang buhay ng isang namamalimos lamang dati sa kalsada matapos s
https://1.bp.blogspot.com/-usucvhOOlrQ/XwH4Vm137RI/AAAAAAAAM8U/vaJpGUFAV9gZhyDZWj7wuxQ_LsDRaElKQCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252814%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-usucvhOOlrQ/XwH4Vm137RI/AAAAAAAAM8U/vaJpGUFAV9gZhyDZWj7wuxQ_LsDRaElKQCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252814%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/dating-namamalimos-lamang-sa-kalsada.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/dating-namamalimos-lamang-sa-kalsada.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy