General Bantag, biglang tumayo at umalis na emosyonal sa panayam ng GMA News.

Nag-imbestiga na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkam@tay sa C0VID-19 ng siyam na high-profile inmates sa New Bilibid Prison, kabilang

Larawan ay mula sa Google


Nag-imbestiga na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkam@tay sa C0VID-19 ng siyam na high-profile inmates sa New Bilibid Prison, kabilang na si Jaybee Sebastian. Subalit lumalabas na ang isa sa kanila ay negatibo pala sa naturang sakit.

Sa programang “24 Oras” ng GMA News, iniulat ng reporter na si Marisol Abdurahman ang pag-iimbestigang ginawa ng NBI sa Bilibid.

Isang team ng Deȃth Investigation Division ang dumating sa Bilibid noong Miyerkules, Hulyo 22. Mismong si General Gerald Bantag, ang Director General ng Bureau of Corrections (BuCor), ang humarap sa kanila. Agad namang pinulong ang matataas na opisyal ng BuCor.

Sa paggulong ng imbestigasyon ng NBI, nais nilang malaman kung C0VID-19 nga ba ang ikinamatay ng mga nasabing inmates na pawang mga d r u g lords.

Mga medical records, investigation report, mga litrato ng mga bangkay at iba pa ang hiningi ng NBI sa BuCor na handa naman daw sa imbestigasyon. Sa katunayan, sinabi ni Bantag na inaasahan na raw nila ito.

“…Sa mga doubts na kumakalat, mga rumors na hindi naman totoo dahil mayroon naman tayong na-present na mga evidences. Hindi naman magsisinungaling ‘yong record.”

Handa naman daw ang lahat ng mga dokumento, mga tao, o anumang kailangan para sa imbestigasyon.

Nito lamang Martes, Hulyo 21, ekslusibong ipinakita sa GMA News ang mga deȃth certificates at C0VID-19 test results ng walo sa siyam na mga namatay na high-profile inmates. Narito ang kanilang listahan:

1. Fracis Go – convicted d r u g lord
Date of Deȃth: May 28
Cause of Deȃth:
a. Immediate Cause – Hypoxia (Kakulangan ng oxygen supply sa katawan)
b. Antecedent cause – Pnuemonia
C0VID-19 Test Result: Negative

Subalit ayon sa BuCor, ito na raw ang ikalawang result kay Go matapos niyang mamatay. May nauna raw na isinagawang test sa kanya kung saan siya nagpositibo, ngunit hindi raw ito kasama sa mga ipinakitang dokumento sa medya.

2. Shuli Zhang – d ru g lord
Date of Deȃth: May 30
Cause of Deȃth:
a. Immediate Cause – DOA: To consider C0VID-19
C0VID-19 Test Result (May 28): Positive

3. Eugene Chua – maximum prisón inmate
Date of Deȃth: June 02
Cause of Deȃth:
a. Immediate cause – Cardio pulmonary arrest
b. Underlying cause – C0VID-19 disease
C0VID-19 Test Result (May 28): Positive

4. Benjamin Marcelo – maximum pris0n inmate
Date of Deȃth: June 02
Cause of Deȃth:
a. Immediate cause – C0VID-19 confirmed case
b. Other conditions contributing to deȃth: Acute gastroenteritis with moderate dehydration
C0VID-19 Test Result (May 28): Positive

5. Sherwin Sanchez
Date of Deȃth: June 04
Cause of Deȃth:
a. Immediate cause – Cardio respiratory arrest
b. Antecedent cause – C0VID-19
c. Underlying cause – Acute gastroenteritis
C0VID-19 Test Result (May 28): Positive

6. Amin Imam Boratong – operator ng sh@bu tyangge sa Pasig
Date of Deȃth: June 05
Cause of Deȃth:
a. Immediate cause – Cardio respiratory arrest
b. Antecedent cause – Acute myocardial infarction (atake sa puso)
c. Underlying cause – Confirmed C0VID-19
C0VID-19 Test Result (May 28): Positive

7. Willy Yang – d ru g lord
Date of Deȃth: June 17
Cause of Deȃth:
a. Immediate cause: Acute respiratory distress syndrome
b. Antecedent cause: C0VID-19 severe
C0VID-19 Test Result (May 28) Positive

8. Jaybee Niño Sebastian
Date of Deȃth: July 18
Cause of Deȃth:
a. Immediate cause- To consider myocardial infraction (atake sa puso)
b. Other significant conditions contributing to deȃth: C0VID-19
C0VID-19 Test Result (June 17): Positive

Kapuna-puna raw na sa mga namatay na inmates ay walang senior citizen, na sinasabing pinaka-vulnerable sa sakit. Pinakabata si Sebastian na 40 years old habang pinakamatanada naman si Marcelo na 53 years old. Wala namang naipakitang record sa isa pang namatay na high profile inmate na si Jimmy Hang.

Sa ngayon ay mayroon na raw 258 na mga person deprived of liberty (PDL) ang nagpositibo sa C0VID-19; 86 naman sa mga personnel.

Emosyonal daw na inihayag ni Bantag sa GMA News ang hirap na dinaranas nila upang masugpo ang C0VID-19. Hindi na raw nila alam kung paano magtatarabaho upang matiyak na ligtas ang higit 29,000 na mga préso sa New Bilibid Príson. Ilang beses na rin daw silang tinaggihan ng mga ospital.

Ani Bantag, “Ang NBP Hospital na sinasabi, hindi naman talaga hospital ‘yan. Hindi, dahil kulang-kulang eh. Tatakbo kami sa labas.”

Kinuwestiyon naman ni Senator Leila de Lima ang dami ng mga nam@tay sa Building 14 ng Bilibid kung saan nakalagak ang mga conv¡cted dr u g lords, kumpara sa mga maximum and medium security compounds na mas maraming bilang ng mga nakakulong  at siksikan pa nga raw ang mga ito.

Ayon sa kanya, “Yet, an unusually high percentage of Bldg. 14 residents have been supposedly struck down by C0VID-19 compared to the percentage of those in maximum and medium security compounds where inmates live and sleep beside each other in crowded conditions because most do not have the luxury of having separate kubols.”

Dagdag pa ng Senadora, “It is incredible that those in Bldg. 14 have an unusually higher infection and deȃth rate than ordinary prisoners in maximum and medium security compounds.”

Nag-file na rin ng resolusyon si Senator Risa Hontiveros upang imbestigahan ang pagkam@tay sa bilibid.

Ayon kay Hontiveros, “The lack of reliable information on the deȃths of the inmates, the track record of some officials within the BuCor, and the improbability of the fatality rate, creates enough doubt in the mind of a reasonable person on the truthfulness of these deȃths.”

Sabi naman ni Senator Richard Gordon, dapat daw magsumite ng full report si Bantag at mag-file na muna ng temporarily leave habang isinasagawa ang imbestigasyon.

“Take him out and out someone who knows… who knows how to run a príson. Dapat ‘yong ilalagay diyan, marunong sa penology. ‘Di porke military ka, alam mo kung anong gagawin mo.”

Tugon naman ni Bantag, “May namatay na 21, kasama ang siyam na high-profile. Sasabihin nila … ba’t may namatay na high-profile?! … ‘Di ba? Ngayon ano pa ang tatanungin ninyo? Mga buw¡s¡t ‘yang mga ‘yan e. Nagtatrabaho ang mga tao, Doktor namin, hirap na hirap – umiiyak na! Ba’t ‘di sila … magpadala ng doctors?! Nag-request naman tayo no’ng una, ‘di ba? Tapos ano … sisihin nila ‘pag may nam@tay na ganiyan. Ano sila?! Inaano nila ‘yang nine profile na ‘yan?!”

Bigla na lamang tumayo at umalis ang emosyonal na Bantag sa harap ng GMA News.


 

Source: 24 Oras - GMA News

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: General Bantag, biglang tumayo at umalis na emosyonal sa panayam ng GMA News.
General Bantag, biglang tumayo at umalis na emosyonal sa panayam ng GMA News.
Nag-imbestiga na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkam@tay sa C0VID-19 ng siyam na high-profile inmates sa New Bilibid Prison, kabilang
https://1.bp.blogspot.com/-O7CZwt64wGQ/XxuA7pxA0VI/AAAAAAAAPAY/ywUlJeBdf9A3Oalug6nu8hf8rL30wvznACNcBGAsYHQ/d/21%2Bpreso%2Bang%2Bnamatay%2Bdahil%2Bsa%2BC0VID-19%252C%2Bbakit%2Bnapakainit%2Bnila%2Bsa%2B9%2Bna%2Bhigh%2Bprofile%2Binmates%2Bna%2Bnamatay____.png
https://1.bp.blogspot.com/-O7CZwt64wGQ/XxuA7pxA0VI/AAAAAAAAPAY/ywUlJeBdf9A3Oalug6nu8hf8rL30wvznACNcBGAsYHQ/s72-c-d/21%2Bpreso%2Bang%2Bnamatay%2Bdahil%2Bsa%2BC0VID-19%252C%2Bbakit%2Bnapakainit%2Bnila%2Bsa%2B9%2Bna%2Bhigh%2Bprofile%2Binmates%2Bna%2Bnamatay____.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/gen-bantag-biglang-tumayo-at-umalis.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/gen-bantag-biglang-tumayo-at-umalis.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy