Girlfriend Ng Bf ni Xander Ford, Ibinunyag ang Katotohanan tungkol Sa “Palabas” nito sa publiko

Umingay muli ang pangalan ni Xander Ford, na nakilala noon bilang si Marlou Arizala, sa social media matapos niyang ipakilala sa publiko ang taong nag

Source: Xander Ford / Facebook

Umingay muli ang pangalan ni Xander Ford, na nakilala noon bilang si Marlou Arizala, sa social media matapos niyang ipakilala sa publiko ang taong nagpapasaya raw sa kanya ngayon.

Subalit, may lumabas na isang babaeng nagpakilala bilang girlfriend ng boyfriend ni Ford, at nagsalitang dapat niya nang itigil ang panggagamit ng ibang tao upang may maipagmalaki sa publiko.



Matatandaan kasing nagkaroon ng “big revelation” si Ford sa kanyang social media account – kung saan sinabi niyang kabilang siya sa mga miyembro ng LGBTQ+ Community.

Ibinunyag niya ito matapos niyang mag-post sa kanyang Instagram account kung saan ipinakita niya ang kanyang suporta sa mga miyembro nito, at pagkatapos ay saka niya inamin ang kanyang totoong “gender preference” kalakip ang isang rainbow emoticon.

Ayon sa post ni Ford, “Being one of them is not a crime.”




Ang rebelasyong ito ni Ford ay umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens; ang iba pa nga ay pinagkatuwaan pa at pinagtawanan lamang ang kanyang pahayag. May ilang netizens naman ang nagsasabing nais lamang kunin ni Ford ang atensyon ng publiko.

Samantala, naging trending topic din si Ford sa Twitter nang i-post niya ang kanyang litarato kasama ang isang lalaking ipinakilala niya bilang kanyang boyfriend.

Subalit, sa isang Facebook post ng isang Samantha Nicole, na kalaunan ay d-in-elete lang din agad, maraming mga netizens ang naka-screenshot sa nasabing post na siya namang kumalat agad sa Twitter.

Ayon sa post ni Nicole, “BAKLA BAKLAAN!”


Dagdag pa niya sa kanyang post, “HINDI KO NA TALAGA KAYA ANG PANLOLOKO MO SA MGA TAO XANDER FORD. HINDI KO NA DIN KAYA ANG PANG GAGAMIT MO SA BOYFRIEND KO. HINDI KO NA MATIIS NA MAKITANG KASAMA KA NIYA PARA LANG MASABI NA BAKLA KA, PARA MASABING SIKAT KA!


Inamin din ng dalaga na hindi raw totoong bakla si Xander at ginagamit niya lamang daw ang boyfriend niyang ito upang makakuha lang ng popularidad mula sa madla. Ayon pa rin sa kanya, mas maganda na lamang daw na s-um-urrender na lang si Ford bago pa umabot sa korte ang nasabing issue.

HINDI KO NA KAYA ANG KAKAPALAN NG MUKHA MO, MANGGAGAMIT KA NG TAO PARA MATANGGI ANG KASALANANG GINAWA MO. ANG KAPAL NG MUKHA MO!”

Ibinunyag din ni Nicole na ginagamit daw ni Ford ang kanyang Facebook account kaya hindi na raw niya ito ma-access. Hinamon niya naman ang internet sensation na magpakalalaki raw ito at huwag nang manira ng buhay ng ibang tao.

Pag-amin pa ni Nicole, “HINDI KO NA KAYA, MAG SASALITA NA AKO. LAHAT PINIPILIT KONG ITAGO PERO MAKITA KO LANG ITONG PICTURE NA ITO, PARA AKO BINABANGUNGOT. KUNG AYAW MO MA KULONG WAG KA MANGGAMIT NG IBANG TAO PARA MAPAGTAKPAN LAHAT.”

Inilabas din ng dalaga ang kanyang matinding galit sa kanyang boyfriend na pumayag umanong magpagamit kay Ford. Tinanong niya rin ito kung tuluyan na bang “nalason” ni Ford ang kanyang utak.

XANDER FORD, IBALIK MO NA BOYFRIEND KO!!!! KAPAL NG MUKHA MO JECK VELASCO. ANO NA NILASON KA NA NIYAN NI XANDER?? ANO NA JECK??

Agad namang nag-viral online ang nasabing post ni Nicole. Maraming mga netizens ang nagsasabing baka sinusubukan lamang ni Xander na amining parte siya ng LGBTQ community upang takasan ang rape case na isinampa laban sa kanya ng kanyang ex-girlfriend. Matatandaan kasing dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang kanyang dating kasintahan upang ireklamo si Ford matapos daw siyang saktan nito at piliting makipagtalik sa kanya.

Sa ngayon, nananatili pa ring tikom ang bibig ng kampo nina Ford.


COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Girlfriend Ng Bf ni Xander Ford, Ibinunyag ang Katotohanan tungkol Sa “Palabas” nito sa publiko
Girlfriend Ng Bf ni Xander Ford, Ibinunyag ang Katotohanan tungkol Sa “Palabas” nito sa publiko
Umingay muli ang pangalan ni Xander Ford, na nakilala noon bilang si Marlou Arizala, sa social media matapos niyang ipakilala sa publiko ang taong nag
https://1.bp.blogspot.com/-vDldK8QTxKE/XyGDzXU7dvI/AAAAAAAAPLw/R3QzjdxZsTMIMnVocF6tKtK6GPBk8JxrwCNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-07-29T101150.597.png
https://1.bp.blogspot.com/-vDldK8QTxKE/XyGDzXU7dvI/AAAAAAAAPLw/R3QzjdxZsTMIMnVocF6tKtK6GPBk8JxrwCNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-07-29T101150.597.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/girlfriend-ng-bf-ni-xander-ford.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/girlfriend-ng-bf-ni-xander-ford.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy