Hindi pinipilit ng DepEd ang mga estudyante na mag-aral online, “Kung hindi puwede ang online, ang sabi namin, andiyan ang telebisyon, nandiyan ang radio.” - Briones

Ayon pa rin kay Briones, hindi raw pinipilit ng DepEd ang mga mag-aaral na mag-online sa kanilang pag-aaral kasabay ng pagpapaliban sa face-to-face cl

Mga larawan ay mula sa Google at pinasbalita.org


Ipinaalam ng Department of Education (DepEd) na mayroon nang 20,220,000 nagpalista para sa darating na School Year (S.Y.) 2020 – 2021 – ang 200,000 hanggang 250,000 na mga mag-aaral dito ay mula sa pribadong paaralan – kung saan nitongHulyo 15 ang itinakdang deadline para sa enrollment ng mga pampublikong paaralan.

“NAITALANG BILANG”

Sa isang panayam ng “Dobol B sa News TV” noong Hulyo 15, inihayag ni Undersecretary Tonisto Umali na nasa higit 20 milyong mga mag-aaral na ang nagpalista – 19,145, 129 sa pampublikong paaralan habang 1, 050, 47 namang mga mag-aaral sa pribadong paaralan.

Ayon pa kay Umali, maaari pa raw tumaas ang bilang sa mga pribadong paaralan dahil hindi pa raw nakasusumite ng kani-kanilang mga ulat. Nito kasing nakaraang taon ng pasukan, mayroong 27.5 hanggang 28 milyong mag-aaral ang nagpalista – 22.5 milyon dito ay nasa mga pampublikong paaralan.
Larawan ay mula sa pinasbalita.org

Aniya, “Nasa halos 25% lamang po ‘yan ‘yong numerong nabanggit ko (1, 050, 437) doon sa last year’s enrollment figures natin sa private schools.”

Dagdag pa ni Umali, “Pero naniniwala po kami na tataas pa po ‘yan dahil baka hindi pa po nagre-report lahat.”

“PAMPUBLIKONG PAARALAN”

Sa kabilang banda naman, nasa 84.8% na ang numero ng pagpapatala sa mga pampublikong paaralan mula sa nakamit ng kagawaran noong nakaraang taon. Base pa rin kay Umali, mayroong humigit kumulang na 200,000 hanggang 250,000 ang naitalang lumipat mula sa pribado tungo sa pampublikong paaralan. Nagpapakita raw ito ng maayos na campaign ng DepEd tungkol sa libre at dekalidad na edukasyon.

Pagsasaad pa ni Undersecretary, ang sitwasyon ngayon ng bawat pamilya dahil sa pandemya ang maaaring naging dahilan umano ng paglipat ng mga mag-aaral mula sa mga pribadong paaralan patungo sa mga pampubliko.
Larawan ay mula sa pinasbalita.org

“Ang nakikita po natin, dahil marami po tayong kababayan na marami pong kinakaharap na pagsubok sa kanila pong kita, ‘yon po ang isa sigurong dahilan kung bakit po naglilipatan itong ilang mga bata mula sa pribado patungong pampublikong paaralan.”

Ang nangyayaring pagbaba raw sa bilang ay maaaring masolusyonan, ayon sa kanila, kapag napabuti na ang ekonomiya at magkakaroon na ng mga trabaho ang mga tao.

“AYON SA KALIHIM…”

Sa isang pre-SONA Forum naman na naganap nitong Miyerkules, inihayag ni Secretary Leonor Briones na ang kabuuang bilang ng mga nagpalista ay nasa 20, 220, 507 – halos three-fourths daw ito ng kanilang mga enrollees noong nakaraang taon.

At sa kabila ng pagbabago at pagsasa-ayos dulot ng COVID-19, nakapagtala pa rin ng 257, 220 enrollees ang mga Alternative Learning System (ALS).

Ayon pa rin kay Briones, hindi raw pinipilit ng DepEd ang mga mag-aaral na mag-online sa kanilang pag-aaral kasabay ng pagpapaliban sa face-to-face classes.
Larawan ay mula sa pinasbalita.org

“Kung hindi puwede ang online, ang sabi namin, andiyan ang telebisyon, nandiyan ang radio.”

Dagdag pa ng Kalihim, “Hindi pinipilit ang mga bata na mag-online sila kung hindi talaga puwede ang online dahil maraming ibang paraan na matuturuan sila without necessarily doing online.”

Pagpapaliwanag pa niya, kung hindi raw makagagamit ng radio, telebisyon, online o iba pang platform ang mga estudyante, maaari naman daw silang gumamit ng printed modular materials na inihanda ng DepEd na siya namang ipamamahagi raw sa mga paaralan sa tulong ng mga Local Government Units (LGUs).


COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Hindi pinipilit ng DepEd ang mga estudyante na mag-aral online, “Kung hindi puwede ang online, ang sabi namin, andiyan ang telebisyon, nandiyan ang radio.” - Briones
Hindi pinipilit ng DepEd ang mga estudyante na mag-aral online, “Kung hindi puwede ang online, ang sabi namin, andiyan ang telebisyon, nandiyan ang radio.” - Briones
Ayon pa rin kay Briones, hindi raw pinipilit ng DepEd ang mga mag-aaral na mag-online sa kanilang pag-aaral kasabay ng pagpapaliban sa face-to-face cl
https://1.bp.blogspot.com/-7W-s-RN5kGM/XxIthWH6yHI/AAAAAAAAOms/1H4yA5N_jyEsVfR1WLPPFfyQ9E5FtkHhACNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B%252855%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-7W-s-RN5kGM/XxIthWH6yHI/AAAAAAAAOms/1H4yA5N_jyEsVfR1WLPPFfyQ9E5FtkHhACNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252855%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/hindi-pinipilit-ng-deped-ang-mga.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/hindi-pinipilit-ng-deped-ang-mga.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy