Isa ang pulis sa dapat magsilbing modelo ng bayan sa paggawa ng mabuti at sa pagkakaroon ng mabuting kaugalian. Sila ang isa sa mga dapat hangaan dahi
![]() |
Larawan: Screentshot mula sa video post ni Cherry Mae Sagoso Utom |
Isa ang pulis sa dapat magsilbing modelo ng bayan sa paggawa ng mabuti at sa pagkakaroon ng mabuting kaugalian. Sila ang isa sa mga dapat hangaan dahil sa pagtulong sa ibang tao.
Ngunit, sa panahon ngayon, hindi maikakailang nadudungisan ang kanilang imahe dahil sa mga kasamahan nilang iba ang pag-uugali.
Kanino na lamang tayo hihingi ng tulong kung ang pulis na ang gumawa ng hindi maganda sa kapwa nila?
Kamakailan lang ay nag-viral ang isang video na ipinost ng isang Facebook user na nagngangalang Cherry Mae Sagoso Utom. Nakuhanan kasi ang isang pulis na dinadaganan ang motoristang walang laban.
Pinipilit ng pulis na pahigain ang nasabing motorista at tinapakan niya pa ito sa tiyan. Binantaan niya pa umano ang kumukuha ng video at sinabing kakasuhan ng obstruction of justice.
Larawan: Screentshot mula sa video post ni Cherry Mae Sagoso Utom
Larawan: Screentshot mula sa video post ni Cherry Mae Sagoso Utom
Ayon sa mga ulat, ang pulis ay kinilala bilang si Police Major Jiverstone Pelovello na hepe sa istasyon ng pulisya ng Zamboanga City.
Samantala, narito ang buong post ng uploader noong Hulyo 23:
“Nakikiapag habulan dw sa checkpoint. Mga Toinks. Sir y mira gt io kc kilaya y tumba el motor..de na bo amo n Kos abo y ase konel hente . . Ase bo kmgo myedo akusa bo kmgo sagabal ng hustisya ..
Sabe bo kosa bot n kwento .. ??Anong sabi mo ipapadampot mo ako ??Bka mabaliktad ako ?? .. Ano nman ung paglabag ko! ?? Cge nga ?? Kumuha lng nman ako ng vdeo … Loko bo !! Kung galing k talaga sa check point. Sa nakikipag habulan k .. Bakit wala kng back up ?? Ang retiradong pulis po ung ama ko .. Huwag na po akong gaguhin mo”
Source: Cherry Mae Sagoso Utom - Facebook
COMMENTS