Kahit sa kasalukuyang panahon, mayroon pa rin talagang mga taong nadadaan sa panunuhol kahit na nakagawa ang isang tao ng isang pagkakamali.
![]() |
Larawan: Screenshot mula sa video post ng Taga Leyte Ine - Facebook Page |
Kahit sa kasalukuyang panahon, mayroon pa rin talagang mga taong nadadaan sa panunuhol kahit na nakagawa ang isang tao ng isang pagkakamali.
Sa isa kasing Facebook video na i-p-in-ost ng page na “Taga Leyte Ine”, mapapanood kung paanong sinuhulan ang isang Pilipino ng isang foreigner.
Caption ng video: “Easy PHP 500, panoorin hanggang dulo.”
Makikita kasi ang isang lalaking naka-itim na parang nagmamakaawa sa isang lalaking naka-orange na tila isang traffic enforcer na nakahuli sa kanya.
Hindi maririnig ang usapan ng dalawa dahil tila mula sa isang mataas na palapag ng gusali kinuhanan ang video habang nasa ground floor naman ang dalawang sangkot. Subalit, base sa ikinikilos ng lalaking naka-itim na tila isang foreigner, nagmamakaawa itong palagpasin sana ang kung anumang nagawa niyang violation.
Hinahawak-hawakan pa nga nito ang braso ng lalaki na naka-orange. Pinagdadaop pa niya ang kanyang mga palad at tila yumuyuko pa.
Maririnig naman sa background ng video ang tinuran ng kumukuha nito: ““Kung ti-ticket-an mo, ticket-an mo na. Hindi naman kayo nagkakaintindihan niyan eh… Kung Pinoy ‘yan, t-in-icket-an mo na ‘yan.”
Patuloy pa rin sa pagkalbit-kalbit ang lalaki sa nasabing traffic enforcer.
“Kanina mo pa binubuklat-buklat ‘yan eh,” ani ng kumukuha ng video sa hawak ng naka-orange na lalaki – “Ituloy mo.”
Ilang sandali lamang ay naglabas na ng pitaka ang lalaking naka-itim.
“Wop, wop, ano ‘yan ah?” tanong ng kumukuha ng video.
Napalagay na lamang ang kamay ng lalaking naka-orange sa kanyang ulo habang hawak ang kanyang ball pen. Muli na namang inilabas ng lalaking naka-itim ang kanyang pitaka.
Larawan: Screenshot mula sa video post ng Taga Leyte Ine - Facebook Page
“Limandaan ‘yan, Sir. Limandaan ‘yan,” ani ng kumukuha ng video.
Sa susunod na bahagi ng video, makikitang naglapit ang dalawang lalaki. Habang kunwaring may isinusulat ang lalaking naka-orange ay huli naman sa akto kung paanong inilagay ng lalaking naka-itim ang limandaang piso sa bag na nakasukbit sa traffic enforcer.
“Tanga ka ah,” sabi ng kumukuha ng video. Dagdag pa niya, “Easy 500. O’right.”
Maririnig naman sa background na kinukumpirma ng kumukuha ng video sa kanyang kasamahan na tuluyan na ngang ibinigay ng foreigner ang P500 sa lalaking naka-orange.
Sa dulo ng video, umusal na lamang siya ng, “Galing-galing mo ah.”
Larawan: Screenshot mula sa video post ng Taga Leyte Ine - Facebook Page
Larawan: Screenshot mula sa video post ng Taga Leyte Ine - Facebook Page
Umani naman ito ng galit na reaksyon mula sa mga netizens. Ilan lamang ang mga sumusunod:
“Yan yung timawang patay gutom na linta ng lipunan buwaya sa lansangan baboy na dimo pwedeng ibenta dahil puro taba”
“kaya hindi umaasinso ang pilipinas dahil sa mga taong katulad nitong baboy na ito…mukang pera”
“Dapat kay sir bigyan ng award ang bait niya.sa kapwa.. Alisan ng mga benipisio at tanggalin sa serbisio .at sabitan ng kaldero.”
Sa ngayon ay mayroon nang 410 reacts, 84 comments, 277 shares at higit 31,000 views ang naturang video.
Source: Taga Leyte Ine - Facebook Page
COMMENTS