Ilang nagtitinda, inarro ng isang AUV sa Bulacan

Pátay ang isang tindera, at sugatan naman ang kanyang asawa at tatlong iba pa matapos araruhin ng AUV ang hilera ng mga puwesto sa San Jose del Monte,

Screenshot mula sa Video ng GMA News


Huwag na sana tayong magmaneho ng kahit anung sasakyan kapag tayo ay nakainom dahil alam naman natin na ang pagmamaneho ng nakainom ay pag-labag sa batas. Tulad na lamang ng driver na ito na inararo ang hilera ng mga tindera:

Pátay ang isang tindera, at sugatan naman ang kanyang asawa at tatlong iba pa matapos araruhin ng AUV ang hilera ng mga puwesto sa San Jose del Monte, Bulacan, gabi ng Lunes, Hulyo 14.

Ayon sa “Saksi” report ni Mai Bermudez, kitang-kita sa isang video kung paanong araruhin ng isang AUV ang puwesto ng mga ilang nakahilerang nagtitinda. Tila nawalan ng kontrol ang naturang sasakyan at napasugod naman ang ilang mga taong nasa paligid ng pinangyarihan ng aksidente.

Ganitong tagpo ang inabutan ng mga rescuer sa Quirino Highway sa San Jose del Monte, Bulacan: nagkalat ang mga tinderang sugatan. Nagkalat din sa lugar ang mga panindang saging, gulay at mga plato. 

Ayon sa traffic enforcer ng City of San Jose del Monte na si Nehemias dela Rosa, mag-a-alas otso raw ng gabi nang araruhin ng AUV ang mga tindahan sa bangketa. Sa lakas daw ng impact ay nasira ang harapan ng AUV at sumampa na rin daw ito sa gutter.

Dalawa ang tinamaan ng nasabing sasakyan: mag-asawang nagtitinda ng saging. Mga tindera naman ng gulay, plato at baso ang tatlo pang nahagip.

Sinubukan pa raw i-revive ng mga rumespondeng rescue ang tindera ng saging subalit dahil sa lakas daw ng impact ng pagkakabangga sa kanya ay binawian na siya ng buhay.

Hawak na ngayon ng mga awtoridad ang driver ng AUV at ayon kay dela Rosa, umamin daw itong naka-inom siya.




Source: GMA News

COMMENTS

Name

Entertainment,616,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,29,News,406,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,47,
ltr
item
Furry Category: Ilang nagtitinda, inarro ng isang AUV sa Bulacan
Ilang nagtitinda, inarro ng isang AUV sa Bulacan
Pátay ang isang tindera, at sugatan naman ang kanyang asawa at tatlong iba pa matapos araruhin ng AUV ang hilera ng mga puwesto sa San Jose del Monte,
https://1.bp.blogspot.com/-yCjbyvqLg5Q/Xw3grBpvZiI/AAAAAAAAOYc/sj4vUrtPhSovFrPafJNvcegDKruGBefFgCNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B%252846%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-yCjbyvqLg5Q/Xw3grBpvZiI/AAAAAAAAOYc/sj4vUrtPhSovFrPafJNvcegDKruGBefFgCNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252846%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/ilang-nagtitinda-inarro-ng-isang-auv-sa.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/ilang-nagtitinda-inarro-ng-isang-auv-sa.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy