Hindi masamang magdisiplina ng anak: ginagawa lamang ito upang ipakita ang pagmamahal at para na rin maitama ang pagkakamali ng b@ta. Subalit, hindi d
![]() |
Larawan: Screenshot mula sa Viral Updates - Facebook Page |
Hindi masamang magdisiplina ng anak: ginagawa lamang ito upang ipakita ang pagmamahal at para na rin maitama ang pagkakamali ng b@ta. Subalit, hindi dapat humantong sa d@has ang pagtuturo ng leksyon sa mga anak.
Sa video na ipinost ng Facebook page na Viral Updates, mapapanood ang isang lalaking pinagpap@lo ng hanger ang tatlong nitong anak na babae.
“Kawawa ang mga b@tang to! Sobrang laki ba ng kasalanan nila para parusahan sila ng ganyan ng ama nila,” ang nakasaad sa caption.
Unang pinal0 ng ama ang bat@ng may kulay violet na damit. Dahil sa sakit ng pal0 ng ama, halos mapatayo pa ang bata at nagtago sa ilalim ng mesa. Dumadaing na lamang siya sa pamamagitan ng pag-iyak at pagsigaw.
Larawan: Screenshot mula sa Viral Updates - Facebook Page
Larawan: Screenshot mula sa Viral Updates - Facebook Page
Sunod namang binalingan ng ama ang anak niyang nakakulay pula.
Ayon sa ekspresyon ng mukha ng batang umiiyak, halatang nasasaktan siya dahil sa pal0 ng kanyang tatay.
Pinal0 pang muli ng ama ang anak niyang nasa ilalim ng mesa.
Nilapitan naman ng padre de pamilia ang anak nitong tila walang kamalay-malay sa nangyayaring pananakit. Halos gumapang at tumakbo na ang b@ta dahil sa sakit na natatanggap niya.
Komento ng isang netizen, “kaya my mga magulang na kinakawawa ng anak pagtanda eh. . anung ginawa mo sa anak mo un dn gagawin sau pagtanda mo”
Sabi pa ng iba, may magandang paraan para disiplinahin ang mga anak: maaaring sa pamamagitan ng pagkausap sa mga ito ng maayos. Sobra-sobra na raw ang ginawang pagpalo ng ama sa video sa kanyang tatlong anak na babae.
“I’m all for hands on discipline. But there’s a huge difference between discipline in love compared to discipline in anger.”
Larawan: Screenshot mula sa Viral Updates - Facebook Page
Source: Viral Updates - Facebook Page
COMMENTS