Isang construction worker, nahulog sa bubong ng isang residential house

Construction worker nahulog sa bubong ng residential house. Construction worker nahulog sa bubong ng residential house katabi ng ginagawang gusali sa


Larawan ay mula sa Facebook Video

Viral ngayon sa social media ang isang video na nagpapakita ng isang construction worker habang nakahiga at tila nahihirapan sa taas ng bubong ng isang residential house matapos umano siyang mahulog dito mula sa pinagtatrabahuan niyang construction site.

Sa video na i-p-in-ost ng Facebook page na “Filipino Construction workers”, makikita ang isang lalaking nakahiga sa bubong habang nilalapitan at tinitingnan ng iba pa niyang kasamahan.

Larawan ay mula sa Facebook Video

Caption ng naturang video post, “Construction worker nahulog sa bubong ng residential house. Construction worker nahulog sa bubong ng residential house katabi ng ginagawang gusali sa Bagong Tanyag Elementary School dito sa Taguig. Wala daw safety gear ang mga manggagawa dito. May kapabayaan nga bang nangyari? Kayo na humusga. šŸŽ„ Concerned TaguigeƱo.”

“Walang safety oh,” ani ng kumukuha ng video habang ipinapakita ang kabuuan ng pinagtatrabahuan ng mga construction workers.

Sa mga susunod na bahagi ng video, maririnig ang ibang mga construction workers na tila nagdidiskusyon tungkol sa kalagayan ng kanilang kasamahan. Maririnig na tila pinipigilan nila ang iba nilang kasamahan na galawin ang katawan ng nahulog na lalaki dahil nabali raw ang ibabang bahagi ng katawan nito.

“Ambulansiya!” sigaw naman ng isa sa kanilang kasamahan. 

Nagsasabi na rin ang iba na dapat lamang ay tumawag na ng ambulansiya dahil malala nga ang sinapit ng lalaki dahil mataas daw ang pinanggalingan nito bago siya bumagsak.

Maririnig na ring tila natataranta na ang iba pa nilang kasamahan dahil nagsisigawan na sila upang humingi ng tulong at dahil sa medyo umiingay na rin ang video.

“Wala munang gagalaw!” paalala ng isa upang maiwasan ang paglala ng kalagayan ng nahulog na construction worker.

Umani naman ang naturang post ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Resulta Yan ng culturang corruption kahit sa private company’s laganap,Hindi nabibigyan ng sapat na atensyon Ang mga workers pag dating sa health and safety. Nagdudusa mga ordinary workers.Minsan Ang cause of accident ay trabahante din,papasok ng may hang-over pa,kulang sa tulog.Think saferyy first mga kabayan your families are waiting for you,” pahayag ng isa.

Sabi naman ng isa, ito raw ang mahirap sa Pilipinas – walang safety gears na suot ang mga nagtatrabaho sa mataas na lugar tulad nito. Dagdag pa niya, kawawa raw ang mga manggagawa kapag ganito pa rin ang kanilang stwasyon.

Ani ng isa pang netizen, “Paano kc ang mga contractor di makabili ng PPE sa mga trabahador kc kunti nalang kikitain nila kaya yan nangyayari sa mga trabahador disgrasya. Inbis na naghahanap buhay ang pobre naghahanap patay tuloy dahil sa unsafe na pinapatrabaho sa kanila.”
Sa ngayon ay mayroon nang higit 7,400 “sad” at “like” reacts, 457 comments, higit 1,900 shares, at 366,651 views ang naturang video post.



Source: Filipino Construction Workers - Facebook Page

COMMENTS

Name

Entertainment,616,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,29,News,406,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,47,
ltr
item
Furry Category: Isang construction worker, nahulog sa bubong ng isang residential house
Isang construction worker, nahulog sa bubong ng isang residential house
Construction worker nahulog sa bubong ng residential house. Construction worker nahulog sa bubong ng residential house katabi ng ginagawang gusali sa
https://1.bp.blogspot.com/-OGBwo_cDQg4/XwtnZsCvVzI/AAAAAAAAOTw/NJH7KbCBsm4oB2AXKXZdM_EFH_koHAYMQCNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B%252838%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-OGBwo_cDQg4/XwtnZsCvVzI/AAAAAAAAOTw/NJH7KbCBsm4oB2AXKXZdM_EFH_koHAYMQCNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252838%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/isang-construction-worker-nahulog-sa.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/isang-construction-worker-nahulog-sa.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy