Isang paslit ang binatukan ng isang lalaki matapos nitong itulak ang kanyang kalaro at sumemplang sa bisekleta

Source:  Trending Pilipinas / Facebook Dati-rati, kapag nagkamali ang isang bata, puwede itong saktan ng magulang o nakatatanda bilang isang...

Source: Trending Pilipinas / Facebook

Dati-rati, kapag nagkamali ang isang bata, puwede itong saktan ng magulang o nakatatanda bilang isang paraan ng pagdidisiplina. Ngunit ngayon, paluin lang ang bata ay may posibilidad nang makulong dahil sa batas na pinaiiral na pumuprotekta sa karapatan ng mga bata.

Sa Facebook video post ng Trending Pilipinas, makikita ang mga batang naglalaro at nagbibisikleta sa isang kalsada. Maya-maya pa, humarang ang batang nakakulay asul sa paparating na batang nakasakay sa bisikleta. Sumemplang ang batang nakasando at saka sinuntok sa braso ang batang humarang sa kanya.

Source: Trending Pilipinas / Facebook

Gumanti rin naman ng suntok ang batang naka-asul. Subalit, may isang lalaking agad na lumapit sa dalawang bata saka sinapok ang ulo ng batang humarang. Sa lakas ng pagkakasapok ay napaupo pa ang bata.

Itinayo ng lalaki ang natumbang bisikleta ng hinarang na bata, saka ito umalis palayo. Naiwan naman ang batang naka-asul habang hawak ang ulong tinamaan ng lalaki.

Samot-saring reaksiyon ang inihayag ng mga netizens.

subra din panapak ang ginawa eh pinagtulongan nadin masmalakas ang sapak ng kamao ng mas matanda panu din kong masapol ang ugat sa leeg ng bata wag ilagay sa kamay ang batas ..patawag nyo magulang yAn ang tama magharap sa Baranggay.”

Dagdag pa ng isa, hindi raw dapat saktan ang batang nakagawa ng mali at dapat lamang siyang pagsabihan. Maaari raw kasing makasuhan ang lalaking nanakit sa bata.

Humugot pa ang isa at sinabing, “Konsintidor lang may sabing Mali ang ginawa ni Kuya , Kase look at the kid , ang bully nya, imagine may malalang nangyari sa batang nakabike, then may nakakatanda naman Doon, sasabihin na naman hindi manlang sinaway, Meron syang rason bat ginawa ni Kuya Yun e. Sinaktan nga kayo ng jowa nyo na wala kayong ginawa e, sya pa Kaya Haha.”

Komento pa ng isang netizen, isang bugso lang daw ito ng damdamin bilang isang magulang kung makikitang sinasaktan ang anak.


COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Isang paslit ang binatukan ng isang lalaki matapos nitong itulak ang kanyang kalaro at sumemplang sa bisekleta
Isang paslit ang binatukan ng isang lalaki matapos nitong itulak ang kanyang kalaro at sumemplang sa bisekleta
https://1.bp.blogspot.com/-AL15ZN0vrqU/Xw3NBIrRcvI/AAAAAAAAOYM/gDxumPoKLRIbPuAFnWxDW8ekLPuRGHEZQCNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-07-14T111801.612.png
https://1.bp.blogspot.com/-AL15ZN0vrqU/Xw3NBIrRcvI/AAAAAAAAOYM/gDxumPoKLRIbPuAFnWxDW8ekLPuRGHEZQCNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-07-14T111801.612.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/isang-paslit-ang-binatukan-ng-isang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/isang-paslit-ang-binatukan-ng-isang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy