Source: Pilipinas Trending Viral Nakunan ng larawan ng isang netizen ang dating action star at payat na ngayong si John Regala habang humi...
![]() |
Source: Pilipinas Trending Viral |
Nakunan
ng larawan ng isang netizen ang dating action star at payat na ngayong si John
Regala habang humihingi umano ng tulong
sa Pasay City.
Matatandaang
isa si Regala sa mga kinikilalang “Bad Boy of Philippine Cinema” dahil sa
pagganap niya sa mga karakter na kontrabida.
Sa
ulat ng GMA News, taong 2016 nang makapanayam nila ang aktor kung saan ikinuwento
niyang halos 13 taon siyang nalulong sa iligal na droga. Pero nalampasan na niya ang pagbibisyo sa
pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos at sa tulong ng pamilya.
Ngunit
noong February 2017, nag-viral si Regala sa social media matapos kumalat ang
litrato niya sa labas ng isang supermarket sa Cavite. Makikitang bagsak ang
katawan at tila wala siyang malay. Paglilinaw niya sa programang “Kapuso Mo,
Jessica Soho,” hindi siya na-stroke o inatake sa puso. Hinala niyang baka
bumaba ang sugar level niya noon dahil sa diabetes kaya siya nahimatay.
At
ngayong 2020, naging matunog muli ang aktor matapos siyang makunang humihingi
umano ng tulong sa isang barangay sa Pasay City. Mag-isa si Regala habang
nakaupo sa bangkong nasa gilid ng kalsada.
Ayon
kay Robin Padilla, ang Barangay Tanod na nakakita kay Regala, “No’ng nakita ko po na parang nahihirapan,
tinanong ko po siya. Parang nahihilo raw po siya, nahihirapan nga raw po siya
na maglakad.”
Ayon
sa ulat, kinumpirma ni Regala na siya nga ang nasa larawan. Sabi ng action
star, hinintay raw niyang dumating doon ang kaibigang nars na magbibigay sa
kanya ng gamot nang makunan siya ng litrato.
Pahayag naman ng isang Barangay Health Officer na si Rose Villajin, “Medyo tinanong ko, ‘Sir ano ho bang problema?’ ‘Ma’am, may liver cirrhosis po ako. May tubig po ‘yong tiyan ko, bloatedness po ako, at hindi po ako kumakain ng 15 days.’”
Nang
tinanong daw ni Villajin kung bakit hindi kumakain ang aktor, sinabi raw nitong
hindi tinatanggap ng kanyang katawan ang pagkain at ito’y kanyang isinusuka.
“Tapos ‘yung pagkawala niya (ina), tapos
nagkaroon kami ng problema ng asawa ko. Kung simpleng tao lang, hindi
makakayanan ang ratsada ng problema na kinakaharap ko ngayon,” banggit ni
Regala.
COMMENTS