Kawawang Lola, pinalayas sa tinutuluyan nitong bahay

Sa mga susunod na bahagi, makikita ang isang babaeng nakatapis, na mas bata nang kaunti sa matanda, habang pasigaw na sinasabi ang mga gamit niya. Pab



Larawan ay mula sa Facebook Video


Viral ngayon sa social media ang video na nagpapakita kung paanong pinalayas ang isang matandang babae sa tinutuluyan nitong bahay.

Sa Facebook post na ibinahagi ng page na “Solid Mayor Isko Supporters”, makikita kung paano pinalayas ang matandang babae sa kanyang tinutuluyang bahay.

Caption pa ng post na ito, “Grabe naman sila kung palayasin si lola... Makatao bang ihagis ang mga gamit at pagtabuyan ang pobreng matanda.. kayo na humusga kabayan...”

Sa two-minute-and-thirty-one-second video na ito, bubungad ang isang matandang babae na nag-aayos ng kanyang gamit sa labas ng isang bahay.

Sa mga susunod na bahagi, makikita ang isang babaeng nakatapis, na mas bata nang kaunti sa matanda, habang pasigaw na sinasabi ang mga gamit niya. Pabato pa nga niyang inilabas ang mga ito.

Patuloy sa pambabato ng gamit ang naturang babae. Tahimik lamang ang pinalayas na matanda.

Taas-noo pang sinisigawan ng babae ang matanda. Mahinang maririnig ang pagsagot ng matandang habang patuloy lamang ito sa pag-aayos ng kanyang mga binatong gamit.

“Pakita ka kasi ng titulo mo. Hindi ‘yong puro ka kuda,” sabi naman ng kumukuha ng video. Dagdag pa niya, “Antayin mo na lang ‘yong desisyon ng korte. Hindi ‘yong puro ka kuda!”

Hindi rin daw makatao ang ginagawa ng babae, ayon sa kumukuha ng video. Sabi pa niya, naagsabi na raw ang barangay na hindi niya dapat paalisin ang matanda.

“Oo, nakikitira. Ilang taon ‘yang nagsilbi sa inyo, pinapasuweldo niyo ba?!” tanong ng kumukuha ng video. Patuloy pa rin sa pagsigaw ang babae ngunit hindi gaanong malinaw na maririnig sa video.

“Puro kayo kuda, wala naman kayong titulo!” pagpapatuloy pa rin ng kumukuha ng video.

Marahil ay ipinagtatanggol ng kumukuha ng video ang matandang babaeng pinalayas. Sinabi niya ring daig pa raw ng babaeng nagpalayas ang totoong may-ari ng lupa. Pare-pareho lang naman daw silang squatter sa lugar na iyon.

“Hindi kayo naawa sa tao! Hinahamon ko kayo, maglabas kayo ng titulo!”

Hindi na raw ba naawa ang mga nagpalayas sa matanda, ayon sa kumukuha ng video – lalo na’t umuulan pa noong mga panahong iyon.

Tila nagalit na nga ng tuluyan ang kumukuha ng video sa ginawang ito sa matandang babae. Maririnig kasi na nagmumura na ito sa galit at makakapal daw ang mukha ng mga nagpalayas sa matanda gayong pare-parehas lamang silang mga squatter sa naturang lupa.

Umani naman ito ng galit, awa at simpatiya mula sa mga netizens.

Ani ng isa, “Hnde nila dapat pinalayas ang matanda nkaka awa yan dapat yan kinakasuhan o ipinapatulfo ng madala mga gnyan tao ganid.”

Panig naman ang isang netizen sa ginawa ng kumuha ng video dahil ipinagtatanggol niya raw ang matanda. Sinabi pa niyang tulungan nito ang matanda o kaya naman ay idulog ang kasong ito kay Raffy Tulfo.

“Itsura palang nung matabang babae talo pa ang kontrabida sa pelikula,” pahayag naman ng isa pa.


Source: 

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Kawawang Lola, pinalayas sa tinutuluyan nitong bahay
Kawawang Lola, pinalayas sa tinutuluyan nitong bahay
Sa mga susunod na bahagi, makikita ang isang babaeng nakatapis, na mas bata nang kaunti sa matanda, habang pasigaw na sinasabi ang mga gamit niya. Pab
https://1.bp.blogspot.com/--yvu2mU0ro0/XwjwSGhfQ8I/AAAAAAAAOBU/FSbW8d06emgjEOA9HyTaR560WtuoTk3ogCNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B%252831%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/--yvu2mU0ro0/XwjwSGhfQ8I/AAAAAAAAOBU/FSbW8d06emgjEOA9HyTaR560WtuoTk3ogCNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252831%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/kawawang-lola-pinalayas-sa-tinutuluyan.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/kawawang-lola-pinalayas-sa-tinutuluyan.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy