Source: PhilippineLifeStyle Sa isang video na i-p-in-ost ng YouTube channel na “Jp Amazing Stories”, muling binuhay ang kuwento ng isang su...
![]() |
Source: PhilippineLifeStyle |
Sa isang video na
i-p-in-ost ng YouTube channel na “Jp Amazing Stories”, muling binuhay ang kuwento
ng isang sundalong Hapon na tila hindi mapapantayan sa dedikasyon sa Japanese
“Bushido” code: walang susuko.
Kilalanin
si Hiroo Oonada – ang sundalong hindi agad na sumuko at nagtago pa sa isang
gubat ng Pilipinas sa loob ng 30 taon, kahit tapos na ang World War II.
“PAGSILANG”
Ipinanganak noong March 19, 1922 si Hiroo Oonada. Sumali
siya sa Japanese Imperial Army noong siya ay 18 taong gulang pa lamang. Nanggaling
siya sa angkan ng mga sundalo at mandirigma.
Ang kanyang mga ninuno ay mga samurai na sumama sa mga
naging feudal history ng Japan. Ang kanyang ama naman ay nagsilbi bilang
sundalo ng Japan at namatay sa ikalawang Sino-Japanese War.
Dahil nakitaan si Oonoda ng talino at abilidad bilang
isang sundalo, sinanay siya bilang isang intelligence officer sa Nakano School,
isang elite commando school na kung saan dito nagsisimula ang unang hakbang ng
pagsasanay sa mga “specialized troops in jungle and in guerilla warfare.” Dito
rin sila sinasanay sa pagsabotahe sa kanilang mga counter intelligence at
propaganda skills – na siyang magagamit ni Oonada sa mga susunod na taon.
Taong 1941, naagaw ng Japan ang Pilipinas at pinatalsik
ang kasalukuyang gobyerno nito na nagresulta sa pansamantalang pag-atras ng mga
puwersa ng mga Amerikano.
Makalipas lamang ang dalawang taon (1943), kumunti na ang
puwersa ng mga Hapon na nakakalat sa paligid sa South Pacific. Samantalang patuloy
namang lumalakas ang puwersa ng mga Amerikano at naitutulak na nga ang puwersa
ng mga Hapon paatras sa tuwing sila ay magsasagupaan.
Kaya
ang sumunod na plano ng mga Amerikano ay ang labanan at talunin ang mga
Japanese forces sa Pilipinas. Isa kasing strategic location ang Pilipinas –
kung sino kasing bansa ang makasasakop dito ay mayroong malaking advantage sa
pakikipagkalakalan katulad ng supply ng langis. Kapag napatalsik kasi nila ang
mga Hapon sa Pilipinas, natitiyak ng mga Amerikano na ilang buwan lamang ang
lilipas at susuko na rin ang mga ito.
Kaya
ang plano ng mga Amerikano – mapatalsik ang mga Hapon sa kahit anumang paraan.
Kaya
noong 1944, nakipaglaban na ang mga sundalong Amerikano laban sa mga sundalong
Hapon dito sa Pilipinas. Wala na ngang nagawa ang mga Hapon sa pinagsamang puwersa
ng mga Amerikano at mga Pilipino – kaya tumakas na ang ilan sa kanila; nagtago
naman ang iba sa iba’t ibang isla dito sa Pilipinas.
December
26, 1944 – ipinadala si Oonoda sa Lubang Island at inatasang makisali sa
guerilla warfare laban sa pagsalakay sa tropa ng mga Amerikano.
“PAGPAPLANO”
Ang
normal strategy ng mga Hapon ay nakikipaglaban sila agad ng harapan upang hindi
sila mapaatras ng mga kalaban patungong gubat. Nahihirapan kasi sila kapag sa
gubat sila makikipaglaban.
Subalit
nang dumating si Oonoda sa isla ng Lubang, inutusan siya ng commander na
makipaglaban sa gubat upang hindi siya agad makita ng mga Amerikano. Ang
itinurong strategy sa kanya ay magtatago raw siya sa gubat. Mula rito ay gagawa
siya ng mga surprise attacks laban sa mga kalaban.
Kaso,
noong dumating pa ang mga dagdag na puwersa ng mga Amerikano noong February 28,
1945, tuluyan nang natalo ang mga puwersa ng Hapon. Nalamangan na rin kasi sila
pagdating sa bilang ng mga sundalo, kaya lalong humina ang kanilang puwersa.
Naramdaman
nilang wala na silang pag-asa pa upang makabawi. Bagama’t alam na nilang
matatalo na sila, nasa ilalim ng isang mahigpit na utos si Oonoda na huwag
sumuko. At kung tiyak na ang pagkatalo nila ay magpakamatay na lamang daw sila.
Inutusan
niya ang tatlo pa niyang ibang kasama na sina Private Akatsu, Corporal Shimada,
at Private First Class Kozuoka na sundan siya sa gubat at magsimula muling
makidigma laban sa mga Amerikano. Ang hindi nila alam – sumuko na ang bansang
Japan at mabilis na umalis ang mga Amerikano matapos nilang matalo ang kanilang
mga kalaban.
Wala
namang kaalam-alam si Oonoda sa mga nangyari kaya nagsimula siyang maglunsad ng
mga guerilla raid laban sa mga Pilipinong sundalo.
“PAGTATAGO”
Taong
1945 – napansin ni Oonoda na wala ng labanang nagaganap sa kanilang paligid. At
sa kawalan ng kagamitan upang makipag-ugnayan sa iba pang unit ng mga Hapon,
inisip na lamang ni Oonoda na baka ang labanan ay ililipat lamang sa ibang
lugar. Kaya ipinagpatuloy niya pa rin ang kanyang guerilla campaign.
Nang-ambush
pa ng mga magsasaka si Oonoda at ang kanyang mga kasamahan at sumali sa mga
shoot-outs ng mga pulis sa lugar na ito.
Nalaman
naman ng mga Amerikano na mayroon pa ring mga aktibong sundalong Hapon sa isla
ng Lubang, na walang ideya tungkol sa nangyaring pagsuko ng kanilang bansa.
Nagsimula silang magpakalat ng mga leaflets upang ipaalam sa mga sundalong
Hapon na sumuko na ang kanilang mga kasamahan at tapos na ang giyera.
Hindi
nagtagal at natagpuan nga ni Oonoda ang isa sa mga leaflets na ito. Ngunit agad
niya namang ipinagpalagay na ito ay isang propaganda lamang. Inakala niyang ang
layunin ng mga leaflets na ito ay para lamang linlangin sila nang sa gayon ay
mahuli sila ng mga kalaban.
Dahil
sa training ni Oonoda sa mga propaganda techniques, lalo lang siyang
nagsuspetsa sa mga leaflets. Naisip niyang ilan lamang sila sa mga sundalong
Hapon na patuloy pa ring nakikipaglaban hanggang sa mga panahong iyon.
Nasisiguro niyang bumubuwelo lamang ang Japan pansamantala. Pero ang pagkatalo
ng bansang Japan, sa isip niya, ay imposibleng mangyari.
Sa
pagtatapos ng taong iyon, marami nang naipakalat na leaflets sa isla ng Lubang.
Mayroon na ring kalakip na official surrender orders na pirmado ng kanilang
heneral na si General Yamashita ng 14th Army.
Maingat
na sinuri ni Oonoda ang mga orders subalit dahil nga sa kanyang propaganda
training, hindi niya pinaniwalaan ang mga ito at inisip niyang peke lamang ang
mga ito. Sa isip ni Oonoda at ng kanyang mga kasamahan, ang pagsuko ng Japan ay
malabong mangyari at isang kalokohan lamang. Dahil ayon sa kanila, lalaban ang
Japan hanggang sa pinakahuli-hulihan nitong sundalo, gaya na lamang ng ginagawa
nila.
Sa
apat na taon, patuloy na nakipaglaban ang mga guerilla sa mga Pilipino. Ni-raid
nila ang mga sakahan upang makuha ang mga pagkaing kailangan nila. Sinabotahe
rin nila ang mga bangkang pangisda, at nakibahagi sa mas mapanirang aktibidad
dahil may kakayahan silang gawin anuman ang kainilang naisin sapagkat kabisado
na nila ang buong paligid dahil sa tagal nilang paninirahan doon.
Kinukuha
at ninanakaw na ni Oonoda at ng kanyang mga kasamahan ang lahat ng mga prutas
sa mga punong makita nila. Nagnakaw din sila ng mga palay at iba pang mga bagay
na maaari nilang magamit mula sa mga ni-raid nilang local farmers.
Nagpatuloy
silang lumaban gamit ang kanilang mga natitirang armas at pursigido silang
makipaglaban hanggang sa kanilang kamatayan.
“PAGSUKO”
Subalit
noong 1949, napagtanto ni Private Akatsu na baka nga tapos na talaga ang
giyera. Kaya iniwan niya ang unit ni Oonoda. Mag-isa siyang nanirahan sa loob
ng gubat sa loob ng anim na buwan pa, bago ito sumuko sa Philippine Army noong
March 1950.
Ipinaalam
ni Akatsu sa US at Philippine authorities ang tungkol sa kanyang mga kasamahang
nagtatago sa gubat at patuloy pa rin sa pakikipaglaban.
Dahil
dito, nagsagawa ang US ng isang operasyon upang hanapin ang mga miyembro ng
pamilya ng tatlo pang Hapong sundalong naiwan. Kalaunan ay nakatanggap sila ng
mga litrato at mga liham mula sa kanilang mga kamag-anak at hinihimok silang
sumuko na. Ipinakalat nila ang mga mensaheng ito sa buong Lubang island gamit
ang mga helicopter noong 1952.
Nang
matanggap nila ang mga sulat na ito mula sa kanilang mga kapamilya, naisip
nilang baka nga natalo ang bansang Japan. Pero naisip din nilang baka hawak na
ng kanilang mga kaaway ang kanilang mga kamag-anak. Hinala nila, hostage ng mga
Amerikano ang kanilang mga kapamilya at pinipilit silang gumawa ng mga sulat
para sa mga ito para mapalabas sila sa gubat. Ang paniniwalang ito nina Oonoda
ang mas lalo pang nagpalakas sa kanilang paninindigan na magpatuloy sa kanilang
pakikipaglaban at huwag sumuko.
Makalipas
ang dalawang taon, nabaril at napatay ng Filipino Search Party si Corporal
Shimada. Ang layunin ng grupong ito ay ang hanapin, arestuhin at dalhin sila sa
trial para sa mga pagpatay na ginawa nila sa mga nakalipas na taon. Kaso, dahil
kabisado na nga ni Oonoda ang bundok, madali siyang nakapagtago at hindi siya
natagpuan ng Filipino Search Party.
Lumipas
pa ang 18 taon, patuloy na nakipaglaban si Oonoda kasama si Private First Class
Kozuoka sa puwersa ng mga pulis at magsasaka.
At
noon ngang 1972, napatay si Kozuoka ng mga pulis habang nire-raid ang isang
lugar sa Lubang Island. Naiwang mag-isa si Oonoda subalit hindi pa rin siya
sumuko.
Noong
1974, sinimulan ni Norio Suzuki, isang Japanese traveler, ang kaniyang paglalakbay
sa Pilipinas. Hindi kasi alam ni Oonoda na tila naging instant celebrity siya sa
Japan dahil na rin sa mga kumakalat na balita tungkol sa hindi niya pagsuko.
Kaya gustong makita ni Suzuki ang magiting na sundalo na si Oonoda.
Sa
parehong ring taon, buwan ng Pebrero – matagumpay na narating ni Suzuki ang
Lubang island at nakita si Oonoda. Binati niya ito at sinabing, “Oonoda-san, ang Emperor at ang mga kababayan
natin sa Japan ay nag-aalala sa ‘yo at sa kaligtasan mo.”
Sinabi
rin ni Suzuki na tapos na ang gyera ilang dekada na ang nakararaan. Sinabi ni
Oonoda na hindi siya susuko hanggang ang kanyang Supreme officer daw ang
magsabi sa kanya na tapos na gyera at natupad na niya ang tungkulin niya bilang
isang magiting na sundalo.
Agad
na hinanap ng Japanese government ang surviving commander officer na si Major
Tanigotchi upang dalhin siya sa Lubang island. Noong March 09, 1972, ang
52-anyos nang si Oonoda ay lumitaw mula sa gubat habang suot pa rin ang kanyang
service uniform dala-dala ang kanyang rifle at service sword. Dito na sila
nagkita ni Major Tanigotchi at dito niya na rin tinanggap ang utos mula sa
kanyang commanding officer. Dito na siya tuluyang sumuko.
Kalaunan,
isinuko niya ang kanyang sword sa noong Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand
Marcos na siyang nag-grant naman sa kanya ng pardon ukol sa lahat ng krimeng
nagawa niya noon.
Nang
makabalik sa Japan noon si Oonoda, siya ay ginawaran bilang isang bayani.
Ngunit nadismaya siya nang malaman kung ano ang nangyari sa Japan noong World War
II. Hindi niya matanggap na sumuko ang Japan at humingi ito ng tawad sa nagawa
nilang gyera sa Asya. Nadismaya rin siya nang malamang natalo ang mga militar
ng mga allies.
COMMENTS