LABAN: 11-taong gulang na C@NCER Patient, patuloy ang paglikha ng sining kahit naputulan ng isang Braso.

Kahit pa naputulan ng kanang braso sa isang operasyon ang 11-anyos na bone c@ncer patient mula sa Pampanga, hindi siya kailanman tumigil sa kanyang hi

Larawan ay mula sa Philippine Star - Facebook

Kahit pa naputulan ng kanang braso sa isang operasyon ang 11-anyos na bone c@ncer patient mula sa Pampanga, hindi siya kailanman tumigil sa kanyang hilig sa pagguhit gamit ang mga oil pastels at illustration boards.

Báta pa lamang daw si Prince Ashlee Taruc ay mahilig na siyang gumuhit at naging aktibo rin sa mga patimpalak sa kanyang paaralan. Ayon nga sa kanyang inang si Gretchen Taruc, patuloy lamang daw siya sa pagguhit bago pa man siya nagkasakit.
Larawan ay mula sa Philippine Star - Facebook

“Since bata pa po siya mahilig na siya mag-drawing four years old pa lang po siya sumasali na siya sa contest ng daycare po and hanggang bago po siya nagkasakit patuloy po siya sumasali at nananalo sa mga contest.”

Pahayag pa ng kanyang ina, na-diagnose si Prince na may kánser sa buto noong October 2019. At nito lamang Enero ay pinutol na nga ang kanyang kanang braso.

“Pinutol po ‘yong kanang kamay at balikat niya dahil po sa c@ncer lumaki po ‘yong bukol niya sa balikat at halos kinain na po ‘yong buong balikat at kamay niya kaya kinailangan na po alisin dahil ‘di na po tatalab ang chemo niya.”

Subalit, kahit na natapos na ang operasyong pinagdaanan ni Prince, hindi raw ito naging hadlang upang ipagpatuloy niya ang kinahihiligan niyang gawin.

“Hindi po hadlang sa kanya ang kawalan ng isang kamay mas nagpursige po siyang ipakita na kaya pa din po niya gumawa ng arts kahit na isa na lang ang kamay niya at mas lalo po siyang humusay gumuhit,” ani Gretchen.
Larawan ay mula sa Philippine Star - Facebook

Larawan ay mula sa Philippine Star - Facebook

Mayroon daw 20 likhang sining sa koleksyon ni Prince. Natatapos niya raw ang kanyang mga obra sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.

Paglalahad ng kanyang ina, “After po niya maopera nagdrawing po ulit siya kapag gusto lang po niya at sandali lang po pahinto-hinto po siya kasi bawal po siya mapagod. Dalawa hanggang tatlong araw bago po niya natatapos ‘yong isang artwork niya.”

Dahil sa taglay na galing ni Prince, nagwagi siya sa isang international poster making contest tungkol sa mga frontliners noong Mayo.
Larawan ay mula sa Philippine Star - Facebook

“Pagkatapos po niya gawin ‘yong art piece na sinali po niya sa isang international poster making contest lalo po siya na inspire nung manalo po siya do’n,” pahayag pa ng kanyang ina.

Ibinenta raw nila ang ilan sa likhang-sining ni Prince samantalang ibinigay niya naman ang ilan sa kanyang mga doktor at nurse.



COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: LABAN: 11-taong gulang na C@NCER Patient, patuloy ang paglikha ng sining kahit naputulan ng isang Braso.
LABAN: 11-taong gulang na C@NCER Patient, patuloy ang paglikha ng sining kahit naputulan ng isang Braso.
Kahit pa naputulan ng kanang braso sa isang operasyon ang 11-anyos na bone c@ncer patient mula sa Pampanga, hindi siya kailanman tumigil sa kanyang hi
https://1.bp.blogspot.com/-eYJ_bj835h8/Xx4VECGAEoI/AAAAAAAAPDQ/cVFdQQIA6R8aD6q_aKqz6MzcpQ8JelYXgCNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B%252871%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-eYJ_bj835h8/Xx4VECGAEoI/AAAAAAAAPDQ/cVFdQQIA6R8aD6q_aKqz6MzcpQ8JelYXgCNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252871%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/laban-11-taong-gulang-na-cncer-patient.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/laban-11-taong-gulang-na-cncer-patient.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy