Misis, humingi ng tulong kay idol Raffy dahil pinilit siya ng kanyang asawa na makipag-talik sa kanya

Source: Raffy Tulfo in Action Inireklamo ng isang ginang ang dati niyang mister matapos umano siyang gahasain. Sa YouTube channel na Raffy...

Source: Raffy Tulfo in Action

Inireklamo ng isang ginang ang dati niyang mister matapos umano siyang gahasain.

Sa YouTube channel na Raffy Tulfo in Action, inihayag ni Renalyn Hierco ang ginawang panghahalay ng dati niyang asawang si P/Cpl. Fitzgerald Hierco II. Ang panghahalay ay naganap umano noong April 24, 2020.

Ikinasal sila noong September 30, 2014. Ayon kay Renalyn, naghiwalay sila noong November 2018. At kahit hiwalay na, sinabi niyang maging magulang na lamang sila para sa kanilang anak: umaga ang ‘schedule’ ng ama at sa gabi naman si Renalyn.

Kinagabihan ng April 24, natutulog na raw silang mag-ina nang makarinig sila ng katok. Si Fitzgerald pala ang kumakatok at tila galit pa raw ito dahil kinakalampag din ang bintana at pinto.

Nang pinagbuksan siya ni Renalyn, sinabi nitong kukuha lamang siya ng gamit kaya niya ito pinapasok. Ngunit, hindi naiisip ng ginang na magagawa siyang gahasain ng pulis dahil ang alam niya’y may respeto pa rin sa kanya ito kahit papaano, bilang naging asawa niya. Matapos umanong gawin ang panghahalay, tinapunan daw ni Fitzgerald si Renalyn ng pera na nagkakahalaga ng P1,500.

Kaagad naman daw siyang nagpa-blotter at kumuha ng medical certificate.

Ayon sa ginang, sa tuwing nagkaka-text sila ng pulis, palagi raw nitong sinasabi na may sumusuporta sa kanilang mag-ina. Ito raw marahil ang dahilan kung bakit iniisip ng lalaki na bayarang babae ang ginang.

Tinanong ni Tulfo kung ano ang nangyari sa relasyon nila at sinabi ni Renalyn na may babae si Fitzgerald at may anak din sila.

Nang tinaong kung bakit ngayon lang siya nagsampa ng kaso, isinalaysay ni Renalyn na pumunta raw siya sa Talavera Police Station, at sinabi umano nilang maisasampa lamang ang kaso pagkatapos ng pandemya.

Minsan na nga raw siyang pinuntahan ng kabit sa kanilang tindahan at ito’y lango pa sa alak.

Para kay Renalyn, “Dapat ilugar niya kung saan lang po talaga siya dahil kabit lang po siya.

Ngunit makalipas lang ang ilang araw, nagpasya si Fitzgerald na sabihin ang kanyang panig tungkol sa reklamo ng dating asawa.

Ayon sa pulis, hindi raw totoo ang mga ipinaparatang sa kanya ni Renalyn dahil kailanman ay hindi niya umano ito magagawa.

Hindi raw pumunta si Fritzgerald sa bahay ng ginang dahil naka-duty siya noon sa barangay. May ebidensya raw siya na nagpapatunay na hindi siya pumunta kina Renalyn noong April 24.

Gayunpaman, tuloy pa rin ang isasampang kaso na rape sa pulis.

Sana umamin ka na lang kasi babae ‘yong anak mo. Paano kung sa anak natin mangyari ‘yon? Siyempre, magagalit ka din,” sabi pa ni Renalyn kay Fitzgerald.


COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Misis, humingi ng tulong kay idol Raffy dahil pinilit siya ng kanyang asawa na makipag-talik sa kanya
Misis, humingi ng tulong kay idol Raffy dahil pinilit siya ng kanyang asawa na makipag-talik sa kanya
https://1.bp.blogspot.com/-S2CN_7V22pk/Xxb-4pLrvwI/AAAAAAAAOzI/1nd9UElyjIkejzdYztmnzzTg6VrhXfh8ACNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-07-21T104059.098.png
https://1.bp.blogspot.com/-S2CN_7V22pk/Xxb-4pLrvwI/AAAAAAAAOzI/1nd9UElyjIkejzdYztmnzzTg6VrhXfh8ACNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-07-21T104059.098.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/misis-humingi-ng-tulong-kay-idol-raffy.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/misis-humingi-ng-tulong-kay-idol-raffy.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy