Nganganib ngayon ang buhay ng Isang Pinay OFW sa Saudi Arabia dahil Pinagbantaan ng Amo.

Nanganganib umano ngayon ang buhay ng isang Pinay OFW matapos daw siyang pagbantaan ng kaniyang amo sa Saudi Arabia.

Larawan ay mula sa Facebook Video - The Viral King

Nanganganib umano ngayon ang buhay ng isang Pinay OFW matapos daw siyang pagbantaan ng kaniyang amo sa Saudi Arabia.

Sa isang video na i-p-in-ost ng Facebook page na “The Viral King,” makikita ang isang babaeng umiiyak at tila nagtatago mula sa kanyang abusadong amo.

Sa caption pa ng naturang post ay sinabi kung ano ang address ng amo ng naturang OFW.

Ito po yung address ng employer niya:

Al-Qami Jizan St. Cross 26 ST

Al Thaqba District

Al Khobar 34424

Khobar, Saudi Arabia

Sa panimula ng video, maririnig ang boses ng amo marahil ng Pinay. Kinakalampag nito ang pinto ng kuwartong pinagtataguan ng OFW.

Open! Open! Open the door! I will kill you!” ani ng amo.

Kasabay nito ang pag-iyak ng Pinay OFW at pagpunas niya ng kaniyang mga luha gamit ang isang bimpo. Patuloy pa rin sa pagkalampag sa pinto ang amo at pinipilit siyang pagbuksan siya nito.

Sa susunod na bahagi ay tila nagbibilang na ang amo. Kung hindi raw siya pagbubuksan ng Pinay sa loob ng dalawang minuto ay tatawag na raw siya ng pulis. Patuloy pa rin ang amo sa pagsigaw at pagbabanta sa Pinay.

Ang nasabing Pinay OFW ay kinilala bilang si Sheila Mae S. Melote na tubong Koronadal City. Sa kaniyang Facebook account na “Mae Melote,” humihingi siya ng tulong dahil sa hirap na dinaranas niya sa kamay ng kaniyang amo.

Nagkulong daw siya sa C.R. sa sobrang kaba dahil malapit na raw siyang saktan ng amo niyang babae. May nasira raw kasing gamit ang kaniyang alaga subalit hindi naman daw niya ito kasalanan. Nasa kusina raw siya at nasa kwarto naman ang bata.

Noong una raw ay napigilan pa ang kaniyang amo ng kaniyang asawa. Subalit nang nasa loob na raw ng C.R. si Melote ay pilit na raw binubuksan ng amo niyang babae ang pinto. Pinagpupukpok na nga raw niya ito ng martilyo hanggang sa nabutas na nga raw ang pinto.

Ani pa ni Melote, “pls lng po gusto q na umalis sa bahay na to grabe na ung kaba q di na aq mkatulog ng maayos sa gabe kasi iniisip q bka ano gawin nila sa akin.

Sa mga susunod na bahagi ng naturang video post ay ipakikita na ang agency ni Melote ay ang Marafe Int’l Manpower Services Inc. Nanawagan din ang naturang Facebook page kay Pangulong Rodrigo Duterte, sa embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia, sa Philippine Overseas Labor and Office (POLO), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at kay Sir Raffy Tulfo.

Naawa naman ang ilang mga netizens sa nangyayari sa Pinay OFW.

Sa ngayon ay umani na ng higit 17,000 reacts at 2,400 comments ang naturang video.



COMMENTS

Name

Entertainment,616,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,29,News,406,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,47,
ltr
item
Furry Category: Nganganib ngayon ang buhay ng Isang Pinay OFW sa Saudi Arabia dahil Pinagbantaan ng Amo.
Nganganib ngayon ang buhay ng Isang Pinay OFW sa Saudi Arabia dahil Pinagbantaan ng Amo.
Nanganganib umano ngayon ang buhay ng isang Pinay OFW matapos daw siyang pagbantaan ng kaniyang amo sa Saudi Arabia.
https://1.bp.blogspot.com/-XCF9vfmZQhc/XvvpFojMGTI/AAAAAAAAMNE/AOV6F2TGB2IuAUrmwz_wGlHdA46NejuqwCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%25282%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-XCF9vfmZQhc/XvvpFojMGTI/AAAAAAAAMNE/AOV6F2TGB2IuAUrmwz_wGlHdA46NejuqwCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%25282%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/nganganib-ngayon-ang-buhay-ng-isang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/nganganib-ngayon-ang-buhay-ng-isang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy