Ninang, sapilitang pinag-sponsor ng ‘5K 3-Layer Cake at 24 Cup Cakes’

Tradisyon na nga ng mga Pilipino ang ipabinyag ang kanilang mga anak, lalo na kung nabibilang sila sa relihiyon ng Romano Katoliko. Dahil espesyal ang

Larawan ay mula sa Facebook - Angel Samarita Perez


T
radisyon na nga ng mga Pilipino ang ipabinyag ang kanilang mga anak, lalo na kung nabibilang sila sa relihiyon ng Romano Katoliko. Dahil espesyal ang araw na ito, pinaghahandaan talaga ito ng husto ng mga magulang. Maliban sa mga handa ay espesyal din sa selebrasyong ito ang mga pipiliin o kukuning mga ninong at ninang ng bata.

Subalit paano kung kukunin ka na ngang ninang sa isang binyag ay biglang hihingi rin sa iyo ng pabor ang magiging kumare mo na magiging parte ka pa raw ng ambagan sa mga gastusin sa binyag?

Tulad na lamang ng karanasang ibinahagi ng netizen na si Angel Samarita Perez. Pilit daw kasi siyang hiningian ng bayad sa simbahan para sa binyag at pag-i-sponsor ng three-layered cake at 24 na piraso ng cupcakes.

Bakit parang kasalanan ko pa? PS. Di ho nangangawil ng pera asawa ko,” caption ni Perez sa kanyang post.

Kalakip kasi ng kaniyang post ang mga larawan ng screenshots ng naging pag-uusap nila ng ina ng kaniyang magiging inaanak sa Messenger.

Unang nag-message ang kaniyang kumare ng “Marzz.” Dahil dito ay sinagot naman siya ni Perez kung bakit at kung kumusta na ang kaniyang kumare.

Dito na nga siya inimbitahan ng kumare niyang maging ninang siya ng kaniyang anak. Hindi naman ito tinanggihan ni Perez. Subalit nagulat na lamang daw siya nang singilin siya ng P800 bilang bayad daw sa simbahan para sa gagawing binyag.

Humingi rin daw ito ng pabor na kung pwede raw ay siya na rin ang mag-sponsor ng magiging cake at cupcakes na gagawing handa para sa nasabing okasyon.

Saad ng ina ng bibinyagan, “Kukunin ko bap. mo tsaka bayad na 800 a. Bayad sa simbahan un marz. Pwde g ikw na smagot ng cake ni ening 3 lyer ng pondant tapos 24 ng cup ckes. Plssss hello kitty theme nya.

Halata sa naging sagot ni Perez ang pagkagulat dahil sa paghingi ng pabor nitong mag-sponsor siya. Marami pa raw kasi silang ibang bayarin.

Ha? 3 layers? Seriously?

Mga nasa 5k pag 3 layers marz e hehehe parang di ko kere at madami pang kaming bayadin,” ani naman ng ina ng bata.

Humingi naman ng pasensya si Perez dahil aminado naman siyang parang hindi niya kakayanin ang pinasasagot na gastos sa kanya.

Naku mars sensya na a. Parang di ko kere kase madami pa kami bayadin ngayon. At katatapos lang din ng bday ni bb e 1 layer lang cake un 3000 na hehe. Bawi na lang ako sa susunod pag super stable na kami.

Subalit naging mapilit pa rin ang kaniyang kumare dahil galante raw si Perez noong sila’y nag-aaral pa. Dagdag pa niya, nagtatrabaho pa raw sa barko ang kaniyang asawa.

Ngek anu ba nman syo ung 5k e nung high school nga nilibre mo kmi sa byan dti tpos seaman p aswa mo.

Patuloy pa rin siyang nagpumilit sa kaniyang kaibigan. Nagbigay pa nga ito ng suhestiyon na kukunin na lamang niya ang pera mula kay Perez at siya na raw ang bahalang magpagawa ng cake at magbabayad sa simbahan upang hindi na raw siya maabala pa.

Plsss mars ku2nin ko mmya ako n papgwa ng cake pra di na abala syo pti yung 800 na byad sa smbhan.

Subalit maayos pa ring tumanggi si Perez sa pagpupumilit na ito ng kaniyang kaibigan dahil katatapos lang din daw ng kaarawan ng kaniyang anak at may mga binabayaran pa sila.

Naku marzzz sorry pero di talaga kere e. Nakita mo naman siguro sa post na katatapos lang din ng bday ni bb. Tsaka madami pa kami binabayadan. Tsaka di naman porke seaman asawa ko mapera na agad.

Dahil siguro dito ay agad na nagdesisyon ang ina ng batang bibinyagan na ibang tao na lang daw ang kukuning ninang dahil baka may mahihita pa raw siya roon.


Larawan ay mula sa Facebook - Angel Samarita Perez


COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Ninang, sapilitang pinag-sponsor ng ‘5K 3-Layer Cake at 24 Cup Cakes’
Ninang, sapilitang pinag-sponsor ng ‘5K 3-Layer Cake at 24 Cup Cakes’
Tradisyon na nga ng mga Pilipino ang ipabinyag ang kanilang mga anak, lalo na kung nabibilang sila sa relihiyon ng Romano Katoliko. Dahil espesyal ang
https://1.bp.blogspot.com/-3T5MIDva7kw/XvvNDxPFHUI/AAAAAAAAMJE/w9UGIvgcJT8kRqD0zS0_hXv-DTiRK4CUgCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign.png
https://1.bp.blogspot.com/-3T5MIDva7kw/XvvNDxPFHUI/AAAAAAAAMJE/w9UGIvgcJT8kRqD0zS0_hXv-DTiRK4CUgCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/ninang-sapilitang-pinag-sponsor-ng-5k-3.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/ninang-sapilitang-pinag-sponsor-ng-5k-3.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy