Pinay sa U.S., hiniling na magpositibo sa C0VID-19 alang-alang sa anak.

Kung ang iba ay humihiling na hindi maranasana ang sakit na dulot ng pandemya, may isang inang ang tanging hiling lamang ay tamaan ng naturang sakit p

Larawan: Screenshot mula sa video post ng Tadhana GMA - Facebook

K
ung ang iba ay humihiling na hindi maranasana ang sakit na dulot ng pandemya, may isang inang ang tanging hiling lamang ay tamaan ng naturang sakit para lamang maalagaan ang kanyang anak.
Larawan: Screenshot mula sa video post ng Tadhana GMA - Facebook

Sa isang programa ng GMA na “Juan Love (Pag-ibig sa Panahon ng Pandemya)”, ninais ni Jarolyn Moulder, isang Pilipinang nakatira na ngayon sa Amerika, na magkaroon ng cor0nav¡rus d¡sease 2019 (C0VID-19).

“Hiniling ko talaga na magpositibo ako sa v¡rus…” ani Jarolyn sa panayam sa kanya sa naturang programa.

Dahil kung buhay lamang daw niya ang nakataya, isusugal niya ang lahat-lahat – makasama lamang ang kanyang anak na lumalaban din sa naturang sakit.

“MINAMAHAL”

Labis daw ang pag-aalala ni Jarolyn nang tamaan ng C0VID-19 ang Amerikanong asawang si Billy.

Si Billy na ang kinilalang ama ng anak niyang si Vincent mula nang ikasal sila noong 2006.

Hindi raw akalalin ni Jarolyn na mamahalin at tatanggapin ni Billy na parang sarili niya nang anak si Vincent kahit daw “person with special needs” ang anak niyang ito.

“Since noong bata siya, mayroon siyang ‘Prade-Willi Syndrome’, tapos mayro’n siyang Optice Nerve Aplasia. Kaya ‘yong mata niya, nystagmus e. Hindi mag-stay talaga, kasi hindi nag-develop ‘yong mga nerves sa ano niya, sa brain. Tapos meron siyang Adrenal Insufficiency. Mayroon siyang Hypothyroidis,” paglalahad ni Jarolyn tungkol sa kondisyon ng kanyang anak.

Lalo pa raw humanga si Jarolyn sa asawa nang alukin silang mag-ina na manirahan sa Amerika. Dati kasing nakatira sa Baguio sina Jarolyn at Vincent nang magkakilala sila ni Billy.

“Sabi niya if gusto mo lang, ‘I would be glad to provide for you and your son.’ Doon ako sobrang napahanga sa kanya. It’s a big responsibility to accept somebody’s child. Me witnessing him really care for my son and love him and all that, that’s just what really got me.”

Kinalaunan ay nagkaroon na rin ng mga sariling anak sina Jarolyn at Billy: isang lalaki at isang babae.

Subalit ang kanilang masayang pamilya, sinubok at pinaghiwalay ng pandemya.

“PAGSUBOK”

Nito kasing June 01, dalawang araw matapos sunduin ng ambulansya si Billy, isinugod na rin sa ospital ang anak niyang si Vincent.

Ayon kay Jarolyn, “Sabi ng doctor sa akin, ‘hindi ka puwedeng sumama.’

“As a mother, it really hurts me na I will not be with my son. Kasi ‘yon nga ‘yong protocol eh, hindi puwedeng may kasama ‘yong C0VID patients, you know. Mahirap mawalay sa anak ko, knowing na ganoon ‘yong sitwasyon niya. Wala siyang kasama, walang hahawak sa kamay niya na it’s gonna be okay.

“Iyak ako nang iyak kasi sabi ko it’s gonna stress him more for me to be apart with him.”

Nais bantayan at alagaan ni Jarolyn ang anak niyang nasa ospital subalit mapapahintulutan lamang daw siyang gawin ito kung magpopositibo rin siya sa C0VID-19.

“Hiniling ko talaga na magpositibo ako sa v¡rus. Kasi gusto kong alagaan ‘yong anak ko. Hindi ako natatakot sa kung ano man ‘yong mararamdaman ko dahil ang first priority ko is ‘yong pagiging ina ko. Gusto kong makasama ‘yong anak ko. May huhugutan siya ng lakas sa akin.”

At, natupad nga ang hiling ni Jarolyn nang magpositibo siya sa sakit. Nakumpirma rin kasing nahawaan siya ng asawa niyang si Billy.
Larawan: Screenshot mula sa video post ng Tadhana GMA - Facebook

Mild symptoms lamang daw ng C0VID-19 ang naranasan ni Jarolyn kaya nagawa pa rin niyang alagaan ang anak na si Vincent.

“That’s a miracle. Kung hindi ako nag-positive, hindi nila ako papayagan dito na makasama ko iyong anak ko. At least, nababantayan ko siya. Kung iihi ba siya, nalilinisan ko siya kaagad. You know, kung basa ba ‘yong likod niya, nada-dry ko siya. Kasi ‘yong iba, maghihintay pa sila ng ilang oras e bago sila mapalitan. Kasi ang daming patient.”

Pero sa unang linggo pa lamang nilang mag-ina sa ospital, patuloy na lumala ang kondisyon ni Vincent.

“Mga few days na nadito kami talagang nahihirapan na talaga siyang huminga”, pagsasalaysay ni Jarolyn.

Sa isang video, makikita si Vincent na pilit linalabanan ang kanyang sakit.

“C0VID may go away soon and virus may go away soon” ani ng 21-taong gulang na binata.

Sabi naman ng kanyang ina, alam daw niyang nahihirapan si Vincent kapag sasabihin nitong magdasal sila.

“Kapag nahihirapan siya, ang sasabihin lang niya sa ‘kin, ‘Mom, let’s pray.’ So, alam kong nahihirapan siya. Sumasakit iyong puso niya. 

Mabigat sa dibdib. Kasi everytime na nahihirapan siya, nagdadasal siya. Nagdadasal siya kay God. Tapos nagwo-worship kay God.”

Habang magkasamang hinaharap ng mag-ina ang laban sa C0VID-19, mag-isa namang nagpapalakas sa kabilang kuwarto ng ospital si Billy.

Naging inspirasyon daw niya ang araw-araw na pag-vi-video call kay Vincent.

“Hearing how Vincent was fighting that helped me quite a bit to fight it myself. Although, what you feel like, you feel like you just wanna lay there and die. Almost, that’s what it feels like. But I had to continue all the fighting. Just like how Vincent fought.”

Sa Father’s Day greeting nga ni Vincent, humingi siya ng “sorry” sa kanyang amain dahil wala raw silang mag-ina sa tabi nito.

“Happy Father’s Day, Daddy! I’m sorry, me and Mommy are not there. But, praise God, Daddy. Thank you for everything.”

Makalipas ang halos dalawang linggo, tuluyan na ring gumaling si Billy. Pero imbes na magpahinga, mas pinili niyang tuparin ang laging hinihiling ni Vincent sa kaniya.

“I think his favorite moment was telling me what he wanted to eat every day. He had a different menu planned up for me to go. I’d be running for food every day for me to go and pick-up. I think that was his favorite moment.”

Dumadalaw din daw kay Vincent ang kanyang dalawa pang nakababatang kapatid na sina Jaden at Jasmine – sa pamamagitan ng pagtayo nila sa ilalim ng isang puno na makikita mula sa hospital room ni Vincent – kahit na tinatanaw lang nila ang isa’t isa mula sa bintana ng ospital.

“Minsan nandoon sila sa parking lot, nagwe-wave lang kami, wave lang kami. Malayo. I have to zoom my camera para lang makita ko. That alone is already like…you know, we feel good. At least, nakita namin ang isa’t isa. Sobrang naiintindihan nila na Mommy have to be with Vincent. Mommy is sick too. So, you know, you can’t be near Mommy, ganyan,” kuwento ng ina nilang sa Jarolyn.

Kahit daw patuloy na pinahihirapan si Vincnet ng v¡rus, hindi raw ito naging dahilan para magsungit siya sa mga nag-aalaga sa kaniya na frontliners.

Ayon sa isang nurse sa ospital na si Michelle Hawkins, “Most people when they’re sick, I mean it’s our nature to be kinda whiny. As a nurse, we have to try to lift those people up. But with Vincent, when the nurses would come in to take care of him, from what they told me, he would be like you know, I’m praying for you today. And I love you. Even though he was so sick, he made their day brighter.”

At noon ngang June 23, muling dininig ang panalangin nilang mag-ina.

“KATUPARAN”

“You know what Jesus did?” tanong ni Jarolyn kay Vincent sa isa nilang video.

“What mom? He killed all the virus?” tugon ni Vincent.
Masayang proklama ng kanyang ina, “He killed all that v¡rus!”

Sinuklian daw ng mga frontliners ang magandang pakikitungo sa kanila ni Vincent sa pamamagitan ng pagsurpresa sa binata.

Sabi ni Jarolyn, “Pagpasok ng wheelchair, may balloons. So, ‘yon pa lang, sabi ko ‘wow, ang sweet naman ninyo! May balloon pa talaga ‘yong wheelchair ni Vincent’, sabi kong gano’n. Tapos pagka-ano namin, ‘yong mga nurses nag-iiyakan na rin. ‘I’ll miss you,’ ‘yong mga ganyan.”

Sa panayam naman kay Vincent, aniya, “I’m so surprised! I’m so happy! I love all the nurses and doctors.”

Sabi pa ni Hawkins, “We’re trying to help others to feel better. He actually helped the staff feel better. And, I mean that’s pretty unusual. He’s just a great kid.”

Sa pag-uwi sa kanilang tahanan, sinalubong agad si Vincent ng kaniyang bunsong kapatid na si Jasmine.

Kung sakaling muling subukin ang pananalig ng anak, hindi raw magdadalawang-isip si Jarolyn na samahan ulit si Vincnet.

“Bilang ina niya, kung hindi ko na nakita ‘yong faith na ‘yon sa kanya, mas kailangan ko pa ng mas malakas na kapit kay God. Mas lalo ko siyang hindi titigilan, Mas lalo ko siyang hahawakan. 

Bubuhatin. Ibibigay ko lahat, ‘yong energy ko, ‘yong lahat-lahat ko. ‘Yong buhay ko dahil anak ko siya.”

Sabi naman ni Vincent, “Thank you Mommy for taking care of me in the hospital. And you never left me. I love you so much. God is love. God is good.”

Tunay ngang hindi matatawaran ang pagmamahal ng isang magulang, lalo na kung para naman sa ikabubuti ng kalagayan ng kanilang mga anak.



Source: Tadhana GMA - Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Pinay sa U.S., hiniling na magpositibo sa C0VID-19 alang-alang sa anak.
Pinay sa U.S., hiniling na magpositibo sa C0VID-19 alang-alang sa anak.
Kung ang iba ay humihiling na hindi maranasana ang sakit na dulot ng pandemya, may isang inang ang tanging hiling lamang ay tamaan ng naturang sakit p
https://1.bp.blogspot.com/-u3vj2FOrAKs/XxSk8Gs_dmI/AAAAAAAAOtY/CZWN4W3tYZoRkCLr8w4p1AnS5kBj0AaIgCNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B%252859%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-u3vj2FOrAKs/XxSk8Gs_dmI/AAAAAAAAOtY/CZWN4W3tYZoRkCLr8w4p1AnS5kBj0AaIgCNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252859%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/pinay-sa-us-hiniling-na-magpositibo-sa.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/pinay-sa-us-hiniling-na-magpositibo-sa.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy