Rep. Marcoleta sa TVplus box ng ABS-CBN: “Ang multa na sisingilin sa ABS-CBN ay P1.97-trillion”

Source:  ABS-CBN Iminungkahi ni Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta sa National Telecommunications Commission (NTC) na singilin at pagmu...

Source: ABS-CBN

Iminungkahi ni Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta sa National Telecommunications Commission (NTC) na singilin at pagmultahin ang ABS-CBN dahil sa pagbebenta nila ng TVplus digital boxes ng walang pahintulot o authorization mula sa gobyerno, at ayon sa kanya ang pwedeng multa ng kompanya ay aabot sa P1.97-trillion.

Source: ABS-CBN

Ayon kay Marcoleta, “Ang multa na sisingilin sa ABS-CBN ay P1.97-trillion or half of the national budget. Kinukwenta ko sa five million black boxes times P200 per day (fine). Eh 365 days per year, nakapagbenta sila sa five years, four months.”

Nang tanungin si Marcoleta kung saan pwedeng kunin ng ABS-CBN ang pambayad sa multa, sinabi niyang kukunin ito sa lahat ng mga property assets ng mga Lopez sa Pilipinas.

“Ipunin natin lahat ng pag-aari nila sa Pilipinas, marami pa naman siguro iyun. Ia-attach natin lahat ng pag-aari nila.”

Nabanggit din niya ang planong pagtake-over sa ABS-CBN compound pati narin sa mga equipment at facilities nito.


“Para makuha natin kaagad yun kasi komo ‘yung principal, ‘yung lupa, wala silang mabubuhat dun. Lahat ng mga chattel dun, improvements dun e pag-aari na ng gobyerno ‘yun sapagkat ang lupa ay sa gobyerno. Lahat yun, accessories.”


Sinabi din ni Marcoleta sa NTC na kailangang ipasara ang Sky Cable nag-eere ng ABS-CBN News Channel o ANC.

Sa pahayag naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, pine-pressure ang ABS-CBN para ibenta ng mga Lopez ang broadcast business nila. Ipinakita rin ni Zarate ang certified true copy ng titulo ng kompanya na siyang “incontrovertible proof of ownership” sa lupa na pagmamay-ari ng TV network.

Source: ABS-CBN

Sabi naman ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na mayroong executive order ang dating Pangulong Corazon Aquino na hindi na kinakailangang magkaroon ng prangkisa para makapag-operate ang mga cable networks gaya ng Sky Cable.

Giit naman ABS-CBN na ang pagbebenta ng TVplus ay naaayon sa plano ng gobyerno na mag-upgrade mula analog system papunta sa digital TV sa 2023.

Source: ABS-CBN



COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Rep. Marcoleta sa TVplus box ng ABS-CBN: “Ang multa na sisingilin sa ABS-CBN ay P1.97-trillion”
Rep. Marcoleta sa TVplus box ng ABS-CBN: “Ang multa na sisingilin sa ABS-CBN ay P1.97-trillion”
https://1.bp.blogspot.com/-6SDikML2tps/Xxs_ZLrLNKI/AAAAAAAAO_s/hFCagVj4_0sA6RkOGe0YSnqraxfNVVXQACNcBGAsYHQ/d/20200720_162042_0000.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-6SDikML2tps/Xxs_ZLrLNKI/AAAAAAAAO_s/hFCagVj4_0sA6RkOGe0YSnqraxfNVVXQACNcBGAsYHQ/s72-c-d/20200720_162042_0000.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/rep-marcoleta-sa-tvplus-box-ng-abs-cbn.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/rep-marcoleta-sa-tvplus-box-ng-abs-cbn.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy