Romnick Sarmenta, pinatulan ang isang ‘TROLL’

Hindi natuwa ang aktor na si Romnick Sarmenta nang tawagin ng isang “troll” na “Harlene” ang indie actress at girlfriend niya ngayong si Barbara Ruaro

Larawan ay mula sa pep.ph


Hindi natuwa ang aktor na si Romnick Sarmenta nang tawagin ng isang “troll” na “Harlene” ang indie actress at girlfriend niya ngayong si Barbara Ruaro.

Si Harlene Bautista ang actress-film producer na nakahiwalayang asawa ni Sarmenta.

Sa isa kasing Instagram post ni Ruaro nitong June 27, makikita sa litrato ang magkadikit na mukha nila ni Sarmenta habang parehong ngiting-ngiti sa picture.

Caption pa niya: “Guess it’s safe to say you’re my favorite person.”
Nagbigay ito ng kilig sa mga netizens subalit namukod-tangi ang komento ng isang troll netizen: “Yan nb ngaun c harlene? Bakit parang nag iba ang mukha”

Pinalalabas kasi ng troll na si Bautista ang inaasahan niyang kasama ni Sarmenta sa naturang larawan. Dahil sweet ang naturang post, napagkamalan niya raw si Ruaro bilang si Bautista.

Subalit, paano raw magagawi ang naturang netizen sa Instagram account ni Ruaro kung hindi niya kilala ang indie actress?

“NAGPAPATAWA KAYO O DI KAYO NAGBABASA?” – SARMENTA
Tila sarkastiko namang sinagot ito ni Sarmenta.
Reply ng aktor, “Hindi ko po alam kung nagpapatawa kayo o di kayo nagbabasa… iba po ang pangalan. At hindi po cute yung comment.”

Ayon pa sa aktor, malaya raw ang naturang Instagram user na paniwalaan kung ano ang gusto nito.

Subalit ipinaalala ni Sarmenta na hindi dapat nakikisawsaw ang mga tao sa mga isyung hindi naman nila naiintindihan.

“Pwede nyo namang i-search, at paniwalaan ang gusto ninyong paniwalaan. Pero di dapat magsalita hanggang walang alam na katotohanan.”

“I CAN’T TOLERATE DISCOURTEOUS INTERNET TROLLS” – RUARO

Kumpara sa kalmadong tono ng sagot ni Sarmenta, matapang naman itong hinarap ni Ruaro.

Sa suspetsa pa ring may bahid ng pagbibiro ang comment, minaliit ng indie actress ang kakayahan ng nasabing troll na magpatawa.

“is this your best attempt at humor? Sana magbasa po muna tayo ago manghusga.”

Dagdag pa ni Ruaro, hindi na raw bago sa kanya ang tumanggap ng insulto. Hindi rin daw siya mapagpatol. Subalit ayon sa kanya, hindi niya raw kayang magsawalang-kibo sa mga walang respetong “internet trolls.”

Inilarawan ni Ruaro ang mga ito na nagsasalita raw tungkol sa isang issue kahit walang alam “for a little social media exposure.”

Sa komento kasi ng naturang aktres: “My skin is thick enough for insults. I rarely bite back. But what I can’t tolerate are discourteous internet trolls who know nothing yet will say anything for a little social media exposure. Please know better next time…”

Hindi na sumagot pa ang naturang troll tungkol sa Instagram post ni Ruaro.
Kilala ang Internet trolls bilang katawagan sa mga Internet users na gumagamit ng mga pekeng social media accounts upang magkomento ng negatibo, o magsimula ng away o debate tungkol sa isang personalidad o kumpanya, depende sa misyon nito.

May ilang patunay na rin daw na binabayaran ang mga trolls upang gawin ang mga nabanggit na gawain.

Larawan ay mula sa pep.ph


RELASYONG ROMNICK AT HARLENE

Nito lamang June nang lumutang ang isyu tungkol sa romantic relationship umano nina Sarmenta at Ruaro.

Sa open letter ng aktor sa Facebook nitong June 15, itinanggi iyang may kinalaman ang indie actress sa hiwalayan nila ni Bautista.
View this post on Instagram

Last April 28, on the night of his birthday, Nick and I scarfed slices of strawberry shortcake and spent many hours daydreaming - as we tend to. It was an evening of common warmth and communication, laced with a cacophony of laughter. As Lou Reed sang, it was a perfect day, and I’m glad we spent it together. I’ve discovered many things about Nick, things that I enjoy rediscovering with each conversation we have. He possesses magical innocence, a child-like humor, an unbeatable wit, and a language of enthusiasm, all of which have notably proven to challenge and brighten my world. Thank you, @nicksarmenta. You are, without a sliver of doubt, the very best man I know. And I am proud of this God-given love. Here’s to our electric energy and mutual evolution, always punctuated by laughter. #alwaystogether🤍

A post shared by Barbara Ruaro (@bieruaro) on



Nitong June 17 naman, sa isang radio interview, sinabi ni Bautista na masaya siyang may bago nang karelasyon ang nakahiwalayang mister. Sa kasalukuyan ay may sarili na ring boyfriend si Bautista.

Matatandaang October 2018 nang ianunsiyo nina Sarmenta at Bautista ang kanilang hiwalayan matapos ang 19 na taong pagsasama. Mayroon silang limang anak.

Sa kabilang banda, ang dating gitarista ng sikat na ‘90s OPM band na “Eraserheads” – si Marcus Adoro – ang huling nakarelasyon ni Ruaro.

Napaulat ang hiwalayan nina Adoro at Ruaro nito lamang September 2019.

Source: pep.ph

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Romnick Sarmenta, pinatulan ang isang ‘TROLL’
Romnick Sarmenta, pinatulan ang isang ‘TROLL’
Hindi natuwa ang aktor na si Romnick Sarmenta nang tawagin ng isang “troll” na “Harlene” ang indie actress at girlfriend niya ngayong si Barbara Ruaro
https://1.bp.blogspot.com/-v8hYD7bFZ88/Xv-9VjhImpI/AAAAAAAAM0s/MN7q1O0puVAOZqYNLAkD2mFQr_PW8NnQgCK4BGAsYHg/d/romnick-sarmenta-barbara-ruaro-main-1593458623.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-v8hYD7bFZ88/Xv-9VjhImpI/AAAAAAAAM0s/MN7q1O0puVAOZqYNLAkD2mFQr_PW8NnQgCK4BGAsYHg/s72-c-d/romnick-sarmenta-barbara-ruaro-main-1593458623.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/romnick-sarmenta-pinatulan-ang-isang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/romnick-sarmenta-pinatulan-ang-isang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy