Siyam na taong gulang na estudyante, Ibinebenta ang kanyang mga medalya para may pambili ng pagkain at makatulong sa kanyang nanay

Source:  Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) "Mga medals ko po. Binebenta ko po ito. Baka po may gusto. Bente-bente la...

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho)

"Mga medals ko po. Binebenta ko po ito. Baka po may gusto. Bente-bente lang po. Salamat po."

Ito ang nakakaantig na salaysay ng Grade 4 student na si Kenneth habbang nilalako ang kanyang mga medalya na kanyang natanggap bilang parangal sa eskwelahan. Para makatulong sa pamilya at mayoong pambili ng pagkain, kaya naman naisipan niyang ibentang ang 50 medalya.

Dahil sa pandemya, nawalan ng trabaho ang kanyang ina. Sa edad na siyam, ramdam niya ang hirap ng buhay at ng pagtaguyon ng kanyang ina sa kanilang pamilya. Kaya naman upang makatulong, sinakripisyo niya ang kanyang mga tinatagong mga medalya.

Nahihirapan po ako nung nahihirapan din po si mama. Iniisip ko lang po, kung makakabayad pa ba kami ng bahay kasi po, pag hindi pa kami nakabayad, papalayasin po kami dito.


"Naisip ko po ibenta ko po ung mga medals ko. Kasi pag pinatagal ko pa po dun sa lagayan, baka mo mangalawang. Pinaghirapan ko po yun. Gusto ko po ibenta kasi po nahihirapan na si mama ng sobra." ang sabi pa ni Kenneth.

Isang security guard at housekeeper ang mama ni Kenneth na si Cheryl Mendoza. At nang magka-pandemic, natanggal siya sa kanyang trabaho at nabaon narin sila sa utang.

Single mom si Cheryl at mag-isa niyang itinaguyod ang kanyang dalawang anak. Iniwan sila ng ama ni Kenneth at dahil ayaw niya ng gulo, itinaguyod na lang niyang mag-isa ang kanyang mga anak.

Kuwento ni Cheryl, kahit madalas ay wala siyang oras sa kanyang mga anak dahil sa trabaho, masipag at matalinong mag-aral si Kenneth.


Itong darating na pasukan, hindi pa sigurado kung makakapag-enrol si Kenneth dahil sa online class ang gagawin na setup. Mas kailangan nila ang pera pang-kain sa araw-araw at pambayad ng renta sa bahay kaysa ibili ng mga gadget na kailangan sa online class.

Maraming netizens ang naantig sa ginawa ni Kenneth.


Kaya naman upang hindi na tuluyang ibenta ni Kenneth ang kanyang mga medalya, ilang netizens ang nag-paabot sa kanila ng tulong.

Isa na dito si Pinky, nagbigay siya ng bigas at iba pang pagkain para sa mga bata.

Isang netizen rin ang may mabuting kalooban ng nagbigay ng laptop para kay Kenneth at sa kapatid nito para magamit sa online class sa darating na pasukan.

Ayon kay Dr. Khristian Santos na nagbigay ng laptop, nakita niya ang potensyal ni Kenneth kaya niya ito tinulungan.

Sinagot na rin ng programang 'Kapuso Mo, Jessica Soho' ang pang-internet nila Kenneth.

Panoorin ang buong episode:


COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Siyam na taong gulang na estudyante, Ibinebenta ang kanyang mga medalya para may pambili ng pagkain at makatulong sa kanyang nanay
Siyam na taong gulang na estudyante, Ibinebenta ang kanyang mga medalya para may pambili ng pagkain at makatulong sa kanyang nanay
https://1.bp.blogspot.com/-QoJyU4-AH3k/Xvtjrm2bB2I/AAAAAAAAMIs/Gy1hwgAF3GUXDB1ZarRXQpjwhiJagS1XQCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-30T120851.127.png
https://1.bp.blogspot.com/-QoJyU4-AH3k/Xvtjrm2bB2I/AAAAAAAAMIs/Gy1hwgAF3GUXDB1ZarRXQpjwhiJagS1XQCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-30T120851.127.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/siyam-na-taong-gulang-na-estudyante.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/siyam-na-taong-gulang-na-estudyante.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy