Source: Google images “ Sinungaling! ” Ito ang sinabi ng vlogger at dancer na si Toni Fowler sa TikTok sensation na si Rhemuel Lunio, na m...
![]() |
Source: Google images |
“Sinungaling!”
Ito
ang sinabi ng vlogger at dancer na si Toni Fowler sa TikTok sensation na si
Rhemuel Lunio, na mas kilala bilang DJ Loonyo, matapos ilabas ang kuwento ng
buhay ni Lunio sa Magpakailanman noong Sabado.
Ayon
sa YouTube star, ang inihayag na kuwento ni Lunio sa nasabing programa “was all twisted to make him look angelic.”
Confident
na ibinahagi ni Toni ang kanyang mga hinaing dahil matalik niyang kaibigan si
Aika Floer, ang ex-partner ni Lunio at ang ina ng yumao nilang anak, na tinatawag
ni Aika na “Yeyow.”
Sinabi
ni Toni sa kanyang Facebook account, “Makikiepal
ako kasi nanay din ako. At tulad nga ng sabi ko SAKSI ako sa stress nya sayo.”
“Small world no? Tropa ko nga pala yung
nabuntis mo at hindi mo pinanindigan. Brad saksi ako sa pag hihirap ng tao. Mag
ka grupo kami dati sa channel 4. Nung panahon na merong kayo. Mula ng nabuntis
sya puro iyak dahil koopal ka,” dagdag pa niya.
Pahayag
pa ni Toni, isa siya sa mga nakakita kung paano mahirapan si Aika dahil sa
pagiging iresponsable ni Lunio.
Patuloy
niya, “SAKSI AKO NA YUNG BABAENG BINUNTIS MO SUMASAYAW AT NAGIIPIT NG TYAN PARA
LANG KUMITA NG PERA. 500 PESOS LANG TF NAMIN NON PER DAY!”
Dagdag
pa ng internet star, hindi kailanman gumawa ng paraan si DJ Loonyo para
makapiling ang anak, o kahit magpadala man lang ng financial support noong mga
panahong nakikipaglaban ang bata para mabuhay.
“Isa ka ding walang bay4g! Kung may awa ka pa
kay aika at sa anak nyong nananahimik na sa langit wag ka ng mambaliktad brad!”
Sa huling bahagi ng kanyang post, ipinakita ni Toni ang suporta niya kay Aika at ipinagpatuloy ang pakikisimpatya dito bilang isa ring ina at bilang kaibigan.
COMMENTS