4-Milyong Piso, natangay ng faceshield scammer sa mga online seller

Larawan ay mula sa  pinasbalita K amakailan lamang ay idineklara ng pamahalaan ang mandatory na pagsusuot ng face shield sa tuwing lalabas n...

Larawan ay mula sa pinasbalita


Kamakailan lamang ay idineklara ng pamahalaan ang mandatory na pagsusuot ng face shield sa tuwing lalabas ng kanilang mga tahanan. Bunsod na rin ito ng mabilis na pagtaas ng bilang ng mga taong nagpopositibo sa coronavirus d¡sease 2019 (C0VID-19).

Kaya naman, inaasahang maghahanap at bibili na ang ilan nating kababayan ng mga face shield. Dahil din dito, kaniya-kaniya ng hanap ang mga online sellers ng murang supplier ng face shield upang may mapagkakitaan pa rin kahit sa panahon ng pandemya.

Larawan ay mula sa pinasbalita


Sinamantala naman ito ng mga kawatan upang makapagnakaw ng kaunting puhunan mula sa mga nasabing sellers. Hindi malaman ngayon ng maraming mga online sellers ang gagawin dahil nalugmok sila sa isang scam ng nagpanggap na murang supplier ng faceshield sa Binondo, Manila.

Larawan ay mula sa pinasbalita


Ayon sa mga ulat, isang babae ang tumawag at nagpakilala raw sa mga sellers na mag-aalok ng murang face shield. Base sa salaysay ng mga biktima, tila propesyonal daw kung makipag-usap ang babae kaya naman nagtiwala na ang mga sellers na ito sa kaniya.

Alok ng scammer sa mga bikitima, P13 hanggang P20 kada piraso ng face shield. Sobrang mura raw nito at maaaring ibenta sa halagang P45 hanggang P50 kaya naman marami sa kanila ang kumagat sa patibong na pala ng scammer.

Larawan ay mula sa pinasbalita


Sunod-sunod din ang mga online posts ng mga kunwaring bibili ng maramihan. Ayon sa mga nagkunwaring buyers, handa raw silang bumili ng 50,000 hanggang 500,000 piraso ng face shields.

Dahil sa mga ito, marami ang na-engganyong um-order at magbayad agad sa ‘di nakilalang scammer. Base sa kanilang diskusyon, susunduin ng mga seller ang mga in-order na face shield sa Binondo. Subalit, ni anino ng supplier – walang dumating.

Larawan ay mula sa pinasbalita

Larawan ay mula sa pinasbalita

Larawan ay mula sa pinasbalita

Tila naging instant millionaire ang scammer na ito dahil tinatayang nasa higit P4-miilion ang nakulimbat niya sa mga online sellers. Hindi ngayon malaman ng mga biktima kung paano ipaliliwanag sa mga um-order at nagbayad ang nangyaring panloloko sa kanila.

Hinala ng karamihan, plinano talagang mabuti ng mga kawatan na gamitin ang social media upang makakulimbat ng milyon-milyong salapi. Kasabwat daw ng scammer ang mga nagpanggap na mga buyer upang tumaas ang demand sa face shield.

Dahil sa nangyari, payo ng isang netizen, huwag basta-basta agad maniniwala sa malaking tubong alok ng hindi kilalang tao. Maging mapanuri rin daw at maging maingat upang hindi mabiktima ng mga scammer.


Source: pinasbalita

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: 4-Milyong Piso, natangay ng faceshield scammer sa mga online seller
4-Milyong Piso, natangay ng faceshield scammer sa mga online seller
https://1.bp.blogspot.com/-Vb2j5oI5Q7s/XzQOOm6SoEI/AAAAAAAAPqs/hltTvnMhsx8VTTRdLj4ZBJNeQnO6yQRIgCNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B%252817%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-Vb2j5oI5Q7s/XzQOOm6SoEI/AAAAAAAAPqs/hltTvnMhsx8VTTRdLj4ZBJNeQnO6yQRIgCNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252817%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/4-milyong-piso-natangay-ng-faceshield.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/4-milyong-piso-natangay-ng-faceshield.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy