Akala ng magsasakang ito ay Bato lang ang kanyang nakita ngunit nabigla siya ng mahukay ang buong bagay na ito

Source:  OFW Secret Files Noong una ay inakala niyang isang malaking bato lamang ito, subalit mas nakagugulat at nakamamangha nang malaman n...

Source: OFW Secret Files

Noong una ay inakala niyang isang malaking bato lamang ito, subalit mas nakagugulat at nakamamangha nang malaman nila kung ano talaga ang bagay na kaniyang natuklasan.

           Sa video na i-p-in-ost ng “OFW Secret Files” sa kanilang Facebook page, mula sa isang ulat ng “Pep.ph”, may isang magsasakang nagngangalang Juan de Dios Sota na taga-Argentina. Isang araw ay naglalakad lamang siya kasama ang kaniyang alagang kalabaw nang biglang may matanaw siyang isang kakaibang bagay. May pagkaberde ang kulay nito at tila nakaumbok na mabatong bagay.


           Alam naman daw ni Sota na sa unang tingin ay hindi ito likod ng isang kalabaw o ng kabayo sapagkat marami namang ganitong uri ng hayop sa kanilang lugar. Inakala niya naman itong isang itlog ng dinosaur, subalit nagkamali siya. At marahil, dahil na rin sa kaniyang kuryosidad ay hinukay niya ang bagay na iyon. Habang palalim nang palalim ang kaniyang paghuhukay, tila mas lalo siyang natutuwa dahil lumalaki rin nang lumalaki ang bagay na iyon.

           Nang halos matapos na niya ang ginagawa niyang ito, nadiskubre niya ang halos isang metrong lapad ng eggshell ng isang malaking uri ng hayop mahigit 10,000 taon na ang nakalilipas.

           Kuwento pa ng asawa niyang si Reina Coronel, nang lumabas daw ang kaniyang asawa sa kanilang kotse ay sumigaw raw ito agad na nakakita raw siya ng itlog na mukhang galing sa isang dinosaur. Subalit nang makita raw ng mga eksperto ang larawan ng kaniyang natuklasan, hindi raw ito isang itlog ng dinosaur kung hindi isang “glyptodon.”

           Isang napakalaking uri ng armadillo ang “glyptodon.” Ito ay tila isang armadong mammal na tulad sa pagong subalit magkaibang uri ang dalawa. Ang laki at bigat nito ay kapareho raw sa isang Volkswagen Beetle o sa isang maliit na kotse. Ang mga fossils nito ay sa Argentina sa South America natatagpuan. Pinaniniwalaan ding nabuhay ang mga “glyptodon” mahigit 2,010,000 taon na ang nakalilipas.

           Patunay lamang ito na marami pa ring mga bagay ang hindi pa natutuklasan sa ating mundo.

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Akala ng magsasakang ito ay Bato lang ang kanyang nakita ngunit nabigla siya ng mahukay ang buong bagay na ito
Akala ng magsasakang ito ay Bato lang ang kanyang nakita ngunit nabigla siya ng mahukay ang buong bagay na ito
https://1.bp.blogspot.com/-pQ6xdzlBZP4/Xzqkc7VRsPI/AAAAAAAAP2E/76LhVcoXto4SL5gPFO9TG78AsP3-BlLLwCNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-08-17T113744.101.png
https://1.bp.blogspot.com/-pQ6xdzlBZP4/Xzqkc7VRsPI/AAAAAAAAP2E/76LhVcoXto4SL5gPFO9TG78AsP3-BlLLwCNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-08-17T113744.101.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/akala-ng-magsasakang-ito-ay-bato-lang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/akala-ng-magsasakang-ito-ay-bato-lang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy