Alamin: Unang Bansang "Nakatalo sa C0VID-19

Larawan: Screenshot mula sa video post ng Project Nightfall - Facebook Page S a paglaganap ng cor0nav¡rus d¡sease 2019 (C0VID-19) pandemic s...

Larawan: Screenshot mula sa video post ng Project Nightfall - Facebook Page


S
a paglaganap ng cor0nav¡rus d¡sease 2019 (C0VID-19) pandemic sa buong mundo, sinubok ang disiplina at katatagan ng mga tao, hindi lang ang mga namumuno, kundi maging ang kooperasyon ng mga mamamayan.

At may isa na ngang bansa ang “nakatalo” sa C0VID-19. Sabi nga ng iba, “Uwian na. May nanalo na.”

Hindi kailanman nagkaroon ng “lockdown” ang bansang ito. At sa loob ng 22 araw ay hindi sila nagkaroon ng mga bagong “locally transmitted cases.” Namigay rin ang bansang ito ng higit 17,000,000 face masks sa mga tao. Subalit, bakit tila hindi raw alam ng mundo na mayroon ng katangi-tanging bansa ang nakatalo sa nasabing sakit?

Larawan: Screenshot mula sa video post ng Project Nightfall - Facebook Page


Ayon sa video na i-p-in-ost ng Facebook page na “Project Nightfall”, “fascinated” daw kasi ang mga tao sa mga sikat na bansa tulad ng United States, Germany at France. Kung naka-“graduate” na raw ito sa nasabing sakit ay malamang, malalaman daw agad natin ito.

Subalit, wala raw may nais na umalam kung ano ang nangyayari sa mga bansang hindi masiyadong kilala (at “dangerous” daw ito sapagkat hindi raw tayo natututo). Hindi raw natin malalaman ang “brilliant quarantine protocols” na ginawa sa Vietnam dahil isa nga itong “unpopular” na bansa. Hindi rin daw tayo matututo kung paano magpatupad ng “lockdown” sa higit isang bilyong populasyon sa India dahil “underrated” naman ito.

At higit sa lahat, hindi natin malalaman kung paano “manalo” laban sa C0VID-19 tulad ng nangyari sa Taiwan, sapagkat “undiscovered’ naman daw ang bansang ito.

Sa Taiwan, 438 kaso lamang ang naitala habang anim na tao lamang ang naitalang nam@tay sa nasabing sakit. Mayroon namang naitalang 334 recoveries sa nasabing bansa. At hanggang ngayon daw ay wala pa ring naitatalang bagong kaso ng “locally transmitted” dahil sa C0VID-19.

Ang mas nakagugulat pa raw dito, matatagpuan ang Taiwan malapit sa itinuturing na “epicenter” ng nasabing sakit na China, subalit hindi raw sila kailanman nagpatupad ng “lockdown” sa kanilang bansa! 

Ang ginawa lang nila? B-in-anned nila ang lahat ng flights galing Wuhan (China). Patuloy pa rin daw sa pagpasok sa paaralan ang mga bata’t estudyante. Hindi rin daw tumigil ang ekonomiya ng kanilang bansa. Nakontrol daw talaga nila nang maayos ang naturang pandemya na kahit ang mga “sports events” dito ay hindi naudlot, na mayroon pang “quarantine friendly audience.”

Nag-social distancing din naman daw ang mga tao rito gamit ang “unique way” – ang paggamit ng cell phones. Nata-track daw ng kanilang pamahalaan ang mga mamamayan dito sa pamamagitan ng kanilang cell phones. Tinatawagan daw nila ang mga ito dalawang beses sa isang araw upang masigurong nasa loob lamang sila ng kani-kanilang mga tahanan.

Hindi raw nagreklamo ang mga mamamayan ng Taiwan at walang sinuman ang nagprotesta. Wala raw nagtangkang lumaban sa “tight measures” na ipinapatupad. Lahat daw ay talagang nakiisa, nagtulungan at sumunod.

Kaya naman, makalipas ang limang buwan, namuhay na raw sila sa buhay na matagal nang ninanais nating lahat na maranasan muli.

Ayon pa sa kanilang pinuno, at ang unang babaeng Presidente ng Taiwan na si Tsai Ing-Wen, “Taiwan is a free, democratic and amazing place.”

Larawan: Screenshot mula sa video post ng Project Nightfall - Facebook Page


Hindi lamang daw ito tungkol sa tagumpay laban sa C0VID-19, kundi isa rin daw itong patunay ng kabutihan. Sa kasalakuyan kasi ay tumutulong ang Taiwan sa iba pang mga bansang humaharap ngayon sa pandemya.

Matapos kasing “manalo” ng Taiwan laban sa C0VID-19, namigay ang nasabing bansa ng higit 17,000,000 masks sa buong mundo.

Nawa’y maging “boses” daw ng mundo ang Taiwan sapagkat kung kinaya at nakaya raw nilang “talunin” ang C0VID-19, magagawa rin daw nating mapagtagumpayan ang hamong ito.


Source: Project Nightfall - Facebook Page


COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Alamin: Unang Bansang "Nakatalo sa C0VID-19
Alamin: Unang Bansang "Nakatalo sa C0VID-19
https://1.bp.blogspot.com/-nx6PlHxAah4/X0Q5JFCYFJI/AAAAAAAAP9Y/uUcgAi-V1UsPwf4jWouayIxudm9yWbuCgCNcBGAsYHQ/s640/Untitled%2Bdesign%2B%252820%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-nx6PlHxAah4/X0Q5JFCYFJI/AAAAAAAAP9Y/uUcgAi-V1UsPwf4jWouayIxudm9yWbuCgCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252820%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/alamin-unang-bansang-nakatalo-sa-c0vid.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/alamin-unang-bansang-nakatalo-sa-c0vid.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy