Alice Dixon, ipinasilip ang kaniyang tahanan sa Boracay.

Larawan ay mula sa Google S a “Exclusive House Tour” vlog ni Alice Dixson, ipinakita niya ang kaniyang tahanan sa Boracay. Nagbabasa raw siy...

Larawan ay mula sa Google


Sa “Exclusive House Tour” vlog ni Alice Dixson, ipinakita niya ang kaniyang tahanan sa Boracay.

Nagbabasa raw siya ng mga comments, requests and suggestions ng kaniyang mga viewers at ngayon, pagbibigyan niya na raw ang mga ito.
Larawan ay mula sa Google

“I’ve been a little reluctant but that’s okay; this request has been ongoing for a few years now,” pag-amin ni Dixson
At i-t-in-our niya na nga ang kaniyang viewers sa kaniyang tahanan sa Boracay.

Una niyang ipinakita ang garage / receiving area nila. Hindi raw sila madalas gumagamit ng kotse; bagkus, ginagawa rin nila kung ano ang mga ginagawa ng mga tagaroon – ang pagsakay sa mga motor bikes. Ipinakita niya ang pagmamay-ari niya na halos isang taon ng nasa kaniya. Pagbabahagi pa niya, ang nauna niya raw kasing motor bike ay “nagloloko” subalit nagamit niya naman ito sa loob ng dalawang taon. May walkway rin dito na papunta sa kanilang garden.

Sunod naman niyang ipinakita ang kanilang pool area. Ayon kay Dixson, “We get a lot of morning to noon sun here and it’s really nice during the day.” Lagi rin daw “warm” ang tubig sa pool kaya masuwerte raw sila.
Larawan ay mula sa Google

Sunod namang pinapasok ni Dixson ang kaniyang mga viewers sa loob ng kaniyang bahay. Unang bubungad dito ang kanilang kusina – kung tatanungin daw kung bakit nasa ibabaw ng mga bowl ang dalawang kahon ng pasta sa nasabing video, sagot ni 
Dixson, tulad daw ng ibang probinsiya ay maraming langgam din ang naroon.

Ipinasilip niya rin ang puwesto ng kaniyang asong si Blondie sa loob ng kaniyang bahay. Pati na rin ang lugar kung saan siya nagha-hangout, at ang guest’s wardrobe.

“I like this room the best because it’s the most serene, it’s the most calming, and it’s the most quiet in the whole house.”

Ibinahagi naman ni Dixson kung ano ang itsura ng kanilang balcony. Isa raw itong “best view on the island.” Makikita ang ilang kite surfers, maging ang tanawin kung saan maganda raw panoorin ang paglabas ng araw at ang paglubog nito. Matatanaw rin ang mga windmill na nasa isla ng Aklan. 

Pagsapit ng gabi, ipinasilip niya rin ang itsura ng kaniyang bahay. Sa may balkonahe, maririnig daw mula rito ang tunog ng dagat.

Matapos nito, ipinakita rin ni Dixson ang master’s bedroom.

“It’s very island style, modern island style. Island feel.”

Maging ang master’s bathroom ay ipinakita rin, kung saan makikita ang lawak nito at ang ilang closets na mayroon ito. Itinuro rin ni 

Dixson kung saan ang kanilang “secret hideaway beaches.” 



Source: Alice Dixson - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Alice Dixon, ipinasilip ang kaniyang tahanan sa Boracay.
Alice Dixon, ipinasilip ang kaniyang tahanan sa Boracay.
https://1.bp.blogspot.com/-zDLoWp2kTZY/Xydb-041EMI/AAAAAAAAPX4/AP8l0krm68AM01Nz_f4tA_CaJ5ByR5sHACNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B%25287%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-zDLoWp2kTZY/Xydb-041EMI/AAAAAAAAPX4/AP8l0krm68AM01Nz_f4tA_CaJ5ByR5sHACNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%25287%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/alice-dixon-ipinasilip-ang-kaniyang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/alice-dixon-ipinasilip-ang-kaniyang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy