Ama ng Vlogger na tinanggihan ng Hospital nawalan ng buhay sa loob ng kanilang sasakyan habang nag-aantay.

Larawan ay mula sa Google I sang vlogger ang nagbahagi ng kanyang saloobin sa kanyang YouTube channel matapos mamatay ang kanyang ama sa cor...

Larawan ay mula sa Google


I
sang vlogger ang nagbahagi ng kanyang saloobin sa kanyang YouTube channel matapos mamatay ang kanyang ama sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at nagpositibo naman sila ng kanyang buong pamilya.

Hindi maipaliwanag ng vlogger na si Bont Bryan Oropel, kilala bilang “Master Hokage,” ang kanyang nararamdaman. Gayunpaman, ibinahagi niya pa rin ang kanyang karanasan sa mga nakalipas na araw.

Sinabi niya, “Gusto ko lang i-share sa inyo ‘yong experience ko, kung anong mayro’n ako ngayon, kung ano ‘yong pinagdadaanan ko, kasi naging parte na kayo ng buhay ko. Noong mga nakaraang araw, tina-try kong mag-video pero hindi talaga kaya. And ngayon siguro, ngayon na ‘yong right time.”

Binanggit ni Oropel na ang ama niya ay may sakit sa puso ngunit naoperahan naman na raw ito, dalawang taon na ang nakalipas. Ipapa-checkup pa sana ang kanyang ama ngunit nagkaroon na ng lockdown.

Sinabi naman ng kanyang ina, noong July 13, na medyo nahihirapan na ang kanyang ama at tila may sakit. Puyat man, mula Bulacan ay dumiretso siya sa Quezon City hanggang sa Bacoor.

Nang ipakita raw nila ang x-ray ng kanyang ama, nakitang may pneumonia ito. Nasilayan nga raw ni Oropel kung paanong nagulat ang kanyang mga magulang dahil sa balitang iyon. Sinabi pa nga raw ng doktor sa kanyang ama na “Hindi ako nagbibiro, baka may COVID ka.” Medyo sumisikip na nga raw noon ang dibdib ng kanyang ama.

Dinala na nila ang kanyang tatay sa ManilaMed at pagdating daw doon, hindi naman kaagad ma-accommodate ang Papa niya dahil mahaba rin ang pila. Ni-require kasi ng doktor na pumunta ito sa isolation room. Dahil dito, lumipat sila sa isang ospital sa Bacoor ngunit wala rin umanong available room.

Nang makahanap sila ng ospital, nabigyan naman daw ng first aid ang kanyang ama, pero sinabihan din silang walang available na isolation room. 

“Pero sad to say, wala kaming nahanap. Nag-decide ako na iuwi ko na lang muna si Papa. Pinatulog muna namin si Papa. Sabi ko pa nga kay Papa no’n, “Baka two weeks ka doon sa ano, sa ospital.” Nagbiro pa nga siya sa’min ni Ate, sabi niya, “Oo, kahit isang buwan pa ako doon.” So, alam ko na gustong-gusto ni Papa magpagamot.”

Kinagabihan, may na-contact nga sila na may available na isolation room at ang kailangan lang daw ay pumunta muna doon ang mag-aasikaso. Pumunta raw doon ang Kuya ni Oropel, at nang ma-process na raw ay naka-reserve na para kay Domingo Oropel na kanyang ama.

Ang kasama niyang pupunta ay ang nobya niyang si Baninay Bautista. Gusto pa nga raw ng ama niya na pasamahin ang kanyang ina, subalit hindi na nila ito pinayagan dahil natatakot na raw sila na baka mahawaan siya ng COVID.

Nang nasa ospital na, wala raw silang available na isolation room at walang nakareserbang kuwarto para kay Domingo Oropel. Pumunta sila sa lobby, at sinabi umano kay Bautista na na-accommodate na, kahit na ang totoo ay nasa baba pa lamang sila ng lobby. Hindi raw sila inasikaso sa Emergency Room (ER).

“Nakikita ko kung paano nahihirapan na si Papa noon. Si Papa kasi ‘yong klase ng tao na ‘pag sinabi namin na “Okay ka lang ba, Pa? Kaya mo pa?” Lagi lang isasagot no’n “Oo, okay lang.” Pero no’ng time na ‘yon na tinatanong na ni Baninay na “Pa Dong, singa kayo ng malalim,” gano’n, medyo hindi nagre-response si Papa.”

Hanggang sa dinala na nga raw nila ang tatay niya sa ER. Tumawag daw agad si Bautista ng nars pero wala raw silang ginawa. Labis na nga raw ang pagmamakaawa ni Oropel na tulungan ang Papa niya, kahit na bigyan lang ng oxygen.

Dito na mas naging emosyonal ang vlogger. “Nalagutan na siya ng hininga, nakita ko siya. Nasa likod ng sasakyan si Papa hanggang sa pumunta na ako doon… sini-CPR ko si Papa. Tapos hanggang sa nakita ko na si Papa, nawalan na ng hininga. ‘Di ko alam kung ano ‘yong gagawin ko no’ng time na ‘yon. Wala ng hininga si Papa noon.”

Sinusubukan niya pa ring i-revive ang ama niya, samantalang sumisigaw-sigaw na roon ang nobya niya. Wala rin daw ginagawa ang mga nurse. Nakita nga ni Oropel kung paanong nag-iba ang hitsura ng kanyang ama: iba na ang kulay ng mga kamay nito at mulat ang kanyang mga mata.

Ginawa ni Oropel ang lahat dahil baka sakaling mabubuhay pa ang kanyang ama. Wala raw kasing ginagawa ang mga nurse doon. Mabuti na lamang daw at naroon ang nobya niyang si Bautista upang damayan siya.

“Tina-try ko talaga na buhayin pa ‘yong Papa ko, kasi malakas naman si Papa. Pero hindi na talaga. Hindi man lang kami natulungan ng mga nurse. Gusto kong magalit sa kanila pero, gusto ko na ding payapa ‘yong Papa ko. Ako ‘yong nagbuhat papunta doon sa higaan kay Papa. Ini-straight ko na ‘yong katawan niya, ‘yong paa niya, ‘yong kamay niya. Tapos pinikit ko na ‘yong mga mata niya kasi nakadilat. Alam kong gustong lumaban ni Papa. Siguro hindi lang siya nabigyan ng pagkakataon, pinagpasa-Diyos ko na lang lahat.”

Masakit nga raw na makitang hindi man lang nakapagpaalam ng maayos ang kanyang ina at mga kapatid sa haligi ng kanilang tahanan. “Suspect COVID” nga raw ang inilagay sa death certificate ng kanyang ama.

Dalawang araw ang makalipas, tumawag daw ang ospital (mula sa Admin) at tinanong kung dadalhin pa raw ba doon si Domingo Oropel dahil available pa rin umano ang kuwartong naghihintay para sa kanya.

“Nagalit kami kasi, ibig sabihin may available room talaga, and naka-reserve para sa Papa ko. Pero pagdating namin doon sa ER, sinasabi nila na wala. Wala silang maayos na communication, wala sa maayos na pamamalakad. Hinayaan muna na lang namin, hindi na muna kami gumawa ng aksyon para doon. Sobrang lungkot namin kay Papa, para sa pagkawala ni Papa.”

Nagpa-swab test ang kanyang ina, kuya at nobya, at nalaman nilang nagpositibo silang lahat sa virus. Sunod-sunod nga raw ang pagdating ng pagsubok sa kanyang buhay. Tinawagan na rin ng city health office ang kanyang mga kapamilya upang doon ma-monitor ang kanilang mga kalagayan.

Pagkaalis ng kanyang mga kapamilya, nagpa-swab test na rin si Oropel. Makalipas ang limang araw, tumawag sa kanya ang ospital at kumpirmadong positibo rin siya sa COVID-19.

“Confirmed guys, na positive din ako sa COVID. Kaya pala nilagnat ako, nawalan ako ng pang-amoy, nawalan din ako panlasa. Sobrang lungkot kasi nawala ‘yong Papa ko, nag-positive ‘yong buong pamilya ko.”

Sa ngayon ay naka-quarantine siya sa kanilang tahanan.

Sa huling bahagi ng kanyang vlog, binanggit ni Oropel na may sipon pa rin siya pero bumalik na ang kanyang pang-amoy at panlasa. Hindi nga raw siya makahinga ng maayos nitong mga nakaraang araw, subalit nagpapasalamat siya sa Diyos na mas maayos sila ng kanyang pamilya ngayon.

“Na-realize ko lang na sobrang ikli lang ng buhay natin. Ito talaga ‘yong plano ni God, kaya sana maging masaya tayo habang nabubuhay tayo. Iparamdam natin sa mga tao kung gaano natin sila kamahal. Health is wealth, sobrang importante ng kalusugan natin at siyempre ‘yong resistensya ng katawan natin. Sobrang importante rin na may ipon ka para sa unexpected na gastos. Na-realize ko rin na sobrang importante ‘yong pagmamahal mo sa pamilya mo at sana hindi natin ma-take for granted.”

Nagpasalamat siya sa mga kapamilya at kaibigan niyang patuloy na tumutulong sa kanya. Nanawagan din si Oropel na itigil na ang pagdi-discriminate sa mga taong nagpositibo sa virus, maging sa mga frontliner. Kailangan umanong iparamdam sa kanila na hindi sila naiiba.

Dagdag pa ni Oropel, naranasan niyang magkaroon ng kapit-bahay na palagi nilang nakakausap, ngunit sobra naman silang pinandirihan noong malamang nagpositibo sila sa sakit.



Source: Bont Bryan Oropel - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Ama ng Vlogger na tinanggihan ng Hospital nawalan ng buhay sa loob ng kanilang sasakyan habang nag-aantay.
Ama ng Vlogger na tinanggihan ng Hospital nawalan ng buhay sa loob ng kanilang sasakyan habang nag-aantay.
https://1.bp.blogspot.com/-A0VZ_4t2Dig/Xz7aFtEg9ZI/AAAAAAAAP6U/AB3M1jrgmMkjmWRHT1BHI3Ykl48fVrMogCNcBGAsYHQ/s640/900_675_17-18__20200819164630.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-A0VZ_4t2Dig/Xz7aFtEg9ZI/AAAAAAAAP6U/AB3M1jrgmMkjmWRHT1BHI3Ykl48fVrMogCNcBGAsYHQ/s72-c/900_675_17-18__20200819164630.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/ama-ng-vlogger-na-tinanggihan-ng.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/ama-ng-vlogger-na-tinanggihan-ng.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy