Bentahan ng Kidney Online, Talamak ngayong panahon ng Pandemya

Larawan ay mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) - Facebook Page D ahil sa pagsubok na humahamon sa kanilang katata...

Larawan ay mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) - Facebook Page

Dahil sa pagsubok na humahamon sa kanilang katatagan, wala na silang makitang ibang masasandalan kung hindi ang pagkapit mismo sa patalim.

Sa inilabas na resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), 45.5% ng mga “adult” o 27. 3 milyong Pilipino ang walang trabaho ngayong panahon ng COVID-19 pandemic; 5 out of 10 ang “jobless” sa kasalukuyan.

“No choice talaga,” ani alyas “Gardo” sa panayam sa kaniya ng programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” na umere nito lamang Linggo ng gabi (Agosto 23).

Sapagkat upang mairaos lamang ang pamilya, wala na siyang ibang nagawa kung hindi ibenta ang sarili niyang kidney.



Larawan ay mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) - Facebook Page

Larawan ay mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) - Facebook Page


“ONLINE SELLING”

Dahil sa hirap na idinulot ng pandemya, lumipat ang karamihan sa pagiging “online seller” – mula sa damit, pagkain at kung ano-ano pa, ibinibenta na ngayon sa tulong ng social media.

Subalit iba itong si “Gardo” dahil ang ibinebenta niya online – ang sarili niyang kidney.

Umaabot daw ng halos P300,000 hanggang P500,000 ang bentahan ng kidney. Ang RFS (Reason For Sale) daw niya – wala siyang trabaho ngayong may pandemya.

Ibinibenta niya ang kaniyang kidney sa pamamagitan ng social media platform na Facebook (FB). May iba-iba raw FB pages at FB groups ang nagsasagawa raw ng bentahan ng kidney. Magpo-post lamang daw sila rito na magbebenta sila ng kanilang kidneys; saka naman magko-comment ang mga taong interesadong bumili. Kung minsan daw ay diretsahan na ang kanilang pagbebenta.

May ilan nga na dito na lamang naghahanap ng solusyon upang “maisalba” ang kani-kanilang mga pamilya.

Larawan ay mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) - Facebook Page

Larawan ay mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) - Facebook Page

Larawan ay mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) - Facebook Page


“KIDNEY MO PARA SA TATAY KO”

Dating nagpapataya sa karera ng kabayo si alyas “Macoy.” Subalit, dahil nga sa pagdating ng coronavirus sa Pilipinas, nawalan na rin siya ng trabaho. Kaya naman, tulad ni “Gardo”, napagpasiyahan na ni “Macoy” na ibenta na rin ang kaniyang kidney online.

Sa isang FB group naghahanap ng buyer si “Macoy.” Ang kaniyang minimum price ay umaabot sa P300,000 habang ang maximum price niya naman ay P450,000.

Sabi pa nga ni “Macoy”, ang kadalasan niyang “demand” sa mga buyer ay nasa P350,000 subalit tumatawad daw ang mga ito ng hanggang P200,000.

“Ite-take ko na lang po ‘yong risk,” sabi ni “Macoy.”

Samantala, si alyas “Lisa” naman ang buyer ni “Macoy.” Mayroon kasing Stage 5 chronic disease ang kaniyang ama, at sampung buwan na raw itong nagda-dialysis.

Aabot daw kasi sa higit P1.52 milyon hanggang P2 milyon ang halaga ng kidney transplant. Subalit may nag-chat daw sa kaniya at ino-offer lamang ang pagbebenta niya ng kidney sa halagang P300,000 hanggang P500,000.

Subalit wala raw naging “maayos at personal” na negosasyon sa pagitan nina “Macoy” at “Lisa.”

“RISK-TAKER, RISK TAKEN?”

“Minsan, natatakot po ‘ko sa sarili ko,” pahayag naman ni alyas “Emil” na nagbenta ng kaniyang kanang kidney nito lamang Marso sa halagang P300,000. Baka raw kasi maging lapitin siya ng sakit at magkaroon ng coronavirus.

Setyembre nitong nakaraang taon daw nang alukin siya ng kaniyang pinsan na magbenta ng kaniyang kidney. “G-in-rab” niya naman na raw ang oportunidad na ito para sa kaniyang pamilya.

Pinadali raw ang operasyong isinagawa sa kaniya dahil baka raw maabutan ito ng lockdown noong Marso. Sa prosesong pinagdaanan niya, dapat daw ay “parang kilala” mo raw nang lubusan ang pagbibigyan mo ng kidney.

Dahil sa pagbebenta niya ng kidney, nakabili si “Emil” ng bahay sa halagang P40,000. Ang iba rito’y nagastos daw nila noong nagsimula nang magkaroon ng lockdown.

Nakabili rin daw siya ng isang tricycle sa halagang P70,000. Subalit naibenta niya na raw ito sa bagsak-presyong halaga na P45,000 dahil na-ospital at nagkasakit ng pneumonia ang kaniyang anak.

Kaya, sa loob lamang ng isang buwan, ang P300,000 ni “Emil” – naubos.

“BABALA AT PAYO”

Taong 1999 daw nang unang ma-feature ng naturang programa ang bentahan ng kidney sa Pilipinas. Ang ilegal na gawain noon ay nangyayari pa rin daw hanggang sa kasalukuyan.

Bawal daw talaga ang gawaing ito at labag sa batas ayon sa abogadong si Atty. Ma. Yvette T. Coronel. Dagdag pa niya, maaaring makapagbigay ito ng “repercussions in terms of health.”

“Iba ‘yong tamang nagdo-donate, iba ‘yong pagbebenta ng kidney,” ani naman ni Dr. Benita S. Padilla.

Sabi naman ni Duty Free Philippines (DFP) Spokesperson Tadeus Ifurung, “biktima” raw ang mga ito ng kahirapan. At nararapat lamang daw na maghanap ng solusyon ang gobyerno upang matugunan at maresolba ang kaganapang ito.

Namamahagi naman daw ng tulong – tulad ng ayuda – ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa mga tulad nina “Gardo”, “Macoy”, at “Emil” ayon kay Secretary Noel Felongco. Maaari rin naman daw magtungo ang mga mahihirap sa kanilang opisina upang humingi ng tulong.

Nakipag-ugnayan naman ang nasabi pa ring programa sa FB page kung saan talamak daw ang “online selling” ng kidney. Pahayag naman nila, hindi raw nila sinusuportahan ang ganitong uri ng transaksiyon at nai-report na raw nila ang mga posts sa kanilang FB page tungkol dito.

Mayroon daw dalawang mukha ang mga tao ngayong panahon ng pandemya: may malalakas ang loob, mayroon namang kakaba-kaba. Subalit hanggang walang sapat na tulong na naiaabot sa mga ito, matapang man o takot – sa huli, pareho-pareho pa ring talo.




Source: Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) - Facebook Page

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Bentahan ng Kidney Online, Talamak ngayong panahon ng Pandemya
Bentahan ng Kidney Online, Talamak ngayong panahon ng Pandemya
https://1.bp.blogspot.com/-_jO3Crj0ZsA/X0SHPevPKiI/AAAAAAAAP9w/JN6ixSJrxG4fqjJ4Z1dPcsTl1HemjZsywCNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B%252821%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-_jO3Crj0ZsA/X0SHPevPKiI/AAAAAAAAP9w/JN6ixSJrxG4fqjJ4Z1dPcsTl1HemjZsywCNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252821%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/bentahan-ng-kidney-online-talamak.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/bentahan-ng-kidney-online-talamak.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy