Binaba lang ang facemask para uminom, Hinuli

Larawan ay mula sa  noypiako I naresto ng mga pulis ang isang lalaking nagbibisikleta sa Marikina City sa kadahilanang hindi umano tama ang ...

Larawan ay mula sa noypiako


Inaresto ng mga pulis ang isang lalaking nagbibisikleta sa Marikina City sa kadahilanang hindi umano tama ang pagsusuot nito ng facemask, noong Agosto 8. Ngunit ayon sa siklista, ibinaba niya lamang ang facemask upang makainom ng tubig.

Ayon sa ulat ng News5, isinalaysay ni Michael Manalaysay na huminto muna siya saglit sa isang tabi para makapagpahinga at uminom nang madatnan ng mga awtoridad.

Nagbibisikleta ang lalaki mula Montalban, Rizal hanggang Mandaluyong City para lamang makapasok sa trabaho.

Pahayag ni Manalaysay, “Nagpahinga lang ako dahil ang layo ng bina-bike… bigla ako hinuli ng mga pulis ng walang warning.”

Isinakay ang siklista sa police mobile at dinala sa headquarters kung saan siya kinuhanan ng mugshot. Pinagmulta rin siya ng isang libong piso (P1,000) bunsod ng umano’y paglabag sa quarantine protocol.

“Para akong holdaper o rapist na pinicturan pa ako na may hawak na karatula. Feeling ko sobrang laki ng kaso. Binaba ko lang facemask ko para uminom,” sabi pa ni Manalaysay.

Panawagan niya sa mga kinauukulan, sana raw ay maging patas sila at huwag pairalin ang pagiging gahaman sa panahon ngayon na may pandemya.

Larawan ay mula sa noypiako


“Magtulungan tayo, hindi ‘yong manggugulang ng tao. At ‘yong 1k na hiningi niyo sa akin, mahirap hanapin ‘yan lalo na’t walang-wala kami ngayon. Pang-bigas na rin ‘yang 1k na ‘yan,” dagdag pa ng siklista.

Wala pang inilalabas na pahayag ang Marikina Police patungkol sa insidente.

Mandatory ang pagsusuot ng facemask, sa ilalim ng Ordinance No. 47, tuwing lalabas ng bahay o pupunta sa pampublikong lugar. Papatawan ng kaukulang parusa ang sinumang lalabag dito.



Source: noypiako

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Binaba lang ang facemask para uminom, Hinuli
Binaba lang ang facemask para uminom, Hinuli
https://1.bp.blogspot.com/-9ljs9cLADTA/Xzbxb5Ai8tI/AAAAAAAAPws/kNxZZHEnQ5MG9-fmAYlK8UZtsvNg8sxLQCNcBGAsYHQ/d/bike.png
https://1.bp.blogspot.com/-9ljs9cLADTA/Xzbxb5Ai8tI/AAAAAAAAPws/kNxZZHEnQ5MG9-fmAYlK8UZtsvNg8sxLQCNcBGAsYHQ/s72-c-d/bike.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/binaba-lang-ang-facemask-para-uminom.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/binaba-lang-ang-facemask-para-uminom.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy