BJ Pascual, sobrang nag enjoy sa first shoot with Ivana Alawi “super fun shoot”

Larawan ay mula sa Google I lang mga sikat na personalidad na ang nalitratuhan ni BJ Pascual. Isa na nga rito si Liza Soberano kung saan nag...

Larawan ay mula sa Google


Ilang mga sikat na personalidad na ang nalitratuhan ni BJ Pascual. Isa na nga rito si Liza Soberano kung saan nag-trending ang kanyang mga larawang may “taste of 90s.”

Matapos naman ni Liza, sunod namang kinuhanan ni Pascual ang “Panstasya ng Bayan” na si Ivana Alawi.

Sa YouTube channel ni Pascual, ibinahagi niya rito ang isa na namang “super fun shoot” kasama si Alawi.

“Actually, first time ko siyang masho-shoot today, so I’m so excited,” sabi ng photographer.

Larawan ay mula sa social media account ni BJ Pascual


Sunod niyang ipinakilala ang kanyang mga kasama sa photoshoot, at kasama na nga rito si Alawi. Nang tanungin niya kung ano ang ini-expect ng aktres sa pictorial, sinabi nitong, “I know it’s going to be beautiful, kasi sobrang lagi kitang nakikita dati and I’m so happy makaka-work kita.” Nagbiro pa ang photographer na baka puwedeng i-tweet ang sinabing ito ni Alawi.

Pagbabahagi pa ng modelo, sobrang “fan” raw siya ng mga gawa ni Pascual. Binanggit din ng litratista na matagal na rin niyang gustong i-shoot si Alawi at matagal na rin daw siyang nagpapapansin dito.

Para sa unang look ni Alawi, ito ay “wingliner lang.” Pagsasalaysay pa ni Pascual, “I’m still in a very, very 90s mood… This week, ang twist naman natin, 90s ‘yong mga looks niya actually. Heavily based on Prada Fall/Winter 1991 collection… but ‘yong beauty looks natin, 60s beauty look.”

Larawan ay mula sa social media account ni BJ Pascual

Ang main inspiration daw para sa beauty look ay si Jean Shrimpton, sikat na modelo noong 60s.

Banggit naman ni Alawi, “I think you’re gonna see something different ‘cause usually my style is ‘yong mga normal t-shirts o kaya mga bathing suits.” Naninibago nga raw ang aktres sa kanyang mga style, pero gusto naman daw niya ang “something new.”

Sa unang bahagi pa nga lamang ng shoot ay makikita na talaga ang karisma at ganda ni Alawi.

Para naman sa mga huling look ng aktres, ang reference ng kanyang look ay ang style ni Carla Bruni sa Prada FW 1991 show.

Habang nagpapahinga naman sila, tinanong ni Pascual si Alawi kung ano nga ba ang masasabi ng huli sa mga nagsisimula pa lamang na YouTuber, sinabi nitong “Just be yourself, and kapag totoo ka sa sarili mo lalabas ‘yon. And mae-enjoy ng viewers ‘yon.”

Larawan ay mula sa social media account ni BJ Pascual

Nagulat din ang modelo nang malaman niya ang tunay na edad ng photographer.

Pagbabahagi pa ng aktres, “Ito ‘yong pinaka-fun shoot ko. As in I enjoyed every layout.”


Source:  BJ Pascual - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: BJ Pascual, sobrang nag enjoy sa first shoot with Ivana Alawi “super fun shoot”
BJ Pascual, sobrang nag enjoy sa first shoot with Ivana Alawi “super fun shoot”
https://1.bp.blogspot.com/-_sBsn7xEO6E/X0SPuTL6HFI/AAAAAAAAP-g/gIwMf-gGycIjdYGB_oJBUUwt9ykb4xvAgCNcBGAsYHQ/s640/Untitled%2Bdesign%2B%252823%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-_sBsn7xEO6E/X0SPuTL6HFI/AAAAAAAAP-g/gIwMf-gGycIjdYGB_oJBUUwt9ykb4xvAgCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252823%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/bj-pascual-sobrang-nag-enjoy-sa-first.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/bj-pascual-sobrang-nag-enjoy-sa-first.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy