China Roces, may nilinaw tungkol sa “BABAENG” nabanggit niya sa isang FB Live

Larawan ay mula sa Google K linaro ni vlogger at model China Roces ang tungkol sa nabanggit niyang babae kamakailan sa kaniyang Facebook L...

Larawan ay mula sa Google


Klinaro ni vlogger at model China Roces ang tungkol sa nabanggit niyang babae kamakailan sa kaniyang Facebook Live na siyang china-chat daw ng kinakasama niyang si Tim Sawyer.

Ayon kay Roces, walang kinalaman ang kapwa niya vlogger at model ding si Tria Valentin sa matindi nilang away ni Sawyer.

Larawan ay mula sa Google

Nabanggit kasi ni Roces si Valentin sa kontrobersyal na FB live nila ni Sawyer; inamin naman ng lalaki na mayroon daw silang “collaboration” na pinag-uusapan ni Valentin.

Dahil dito ay binatikos ng karamihan si Valentin sapagkat nadadawit na ang kaniyang pangalan sa away ng dalawa. Subalit sa isang FB post, ipinagtanggol siya ni Roces at sinabing si Sawyer lamang daw ang may gustong gumawa sila ng video ni Valentin.

Larawan ay mula sa Google
Tria Valentin, sumagot na sa pagkadawit sa gulo nina Tim at China

Larawan ay mula sa Google


Larawan ay mula sa Facebook

Pinakiusapan din ni Roces ang kaniyang mga followers na huwag nang idamay si Valentin at tigilan na ang pangba-bash dito.

Sa FB group naman na “Tria FAM,” nag-post si Valentin at nagpasalamat sa mga taong sumusuporta at tumutulong sa kaniya sa gitna ng nasabing isyu.

“Fam gusto ko lang talaga mag pasalamat sa mga tumulong sakin sa gitna ng issue. Sa mga di nakakakilala pa sakin ng maigi dito as much as possible nilalayo ko ang tria fam sa mga away at gulo kasi mahal ko sila na parang pamilya.

Ayaw ko ng pinapagsalitaan sila ng masasakit di bale nang ako nalang. Sorry kasi di ko na control yung mga pangyayare. Maraming maraming salamat talaga sa lahat minsan naiisil ko parang di ko deserve yung pagmamahal niyo.”

Nagpasalamat din siya kay Roces matapos siyang ipagtanggol nito at hiniling din niyang maging maayos na ang lahat.

Larawan ay mula sa Facebook

“Kay ate China na nanggaling. Sana po maging okay na ang lahat. Praying for you and your family ate China, thank you,” ani Valentin kalakip ang post ni Roces na ibinahagi niya sa kaniyang FB post.

Matatandaang nakilala ang couple na sina Roces at Sawyer dahil sa kanilang mga videos na ang karaniwang content o tema ay tungkol sa mga magkasintahan o mag-asawa.



Source: Tria Valentin and China Roces - Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: China Roces, may nilinaw tungkol sa “BABAENG” nabanggit niya sa isang FB Live
China Roces, may nilinaw tungkol sa “BABAENG” nabanggit niya sa isang FB Live
https://1.bp.blogspot.com/-9cBhaHzsURE/X0d2OoQqU2I/AAAAAAAAQA8/PLGsel8uW4kvbPr9bjpJv6qPYIZpTlZLACNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B%252826%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-9cBhaHzsURE/X0d2OoQqU2I/AAAAAAAAQA8/PLGsel8uW4kvbPr9bjpJv6qPYIZpTlZLACNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252826%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/china-roces-may-nilinaw-tungkol-sa.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/china-roces-may-nilinaw-tungkol-sa.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy