Dalawang Grupo ng OFW sa Hong Kong, nag-away dahil lamang sa puwestong tatambayan.

Larawan ay mula sa Pinoytrending - Facebook Page D alawang grupo ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang nagkainitan at nagkasagutan dahi...

Larawan ay mula sa Pinoytrending - Facebook Page


D
alawang grupo ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang nagkainitan at nagkasagutan dahil lamang sa isang puwesto sa Hong Kong.

Base sa video post na ibinahagi ng Facebook page na “Pinoytrending,” makikita ang pagsasagutan at medyo nagkapisikalan pa ng mga nasabing OFW sa puwesto sa isang footbridge sa naturang bansa.

Unang bubungad ang mga babaeng nag-aaway. Matapos nito ay maririnig ang isang babaeng nagsasabing “bastos” daw ang kumukuha ng video. Subalit sumagot din ito at sinabing kapatid daw niya ang babaeng sinasaktan nila.

Sunod namang maririnig sa nasabing video ang boses ng kumuha ng video na nagsasabing “Call police, call police!”

Pagkatapos nito’y kaniya-kaniya nang awat ang dalawang grupo sa mga babaeng nasangkot sa sabunutan.

Nakiusap na ang ilan sa mga babae sa isang panig, “Sige na, umalis ka na. Umalis na kayo.”

Subalit ilang sandali lamang ay biglang lumapit ang isang babae mula rito at sinampal nang malakas ang babaeng kumukuha ng video.

“Sumusobra na kayo! Kapatid ko ‘yong sinaktan niyo! Kapatid ko ‘yong sinaktan niyo!” ani na lang ng babaeng sinampal. Inawat naman ng isang babae ang babaeng nanampal.

Palayo na ang dalawa subalit sumugod na naman ang isa nilang kasama at sinabing itigil na raw ang pagvi-video ng babae. Natadyakan pa niya ang kumukuha ng video.

“Nananakit ka na eh! Masiyado ka eh! Ang tapang mo ha!” sabi ng kumukuha ng video matapos maawat ang babaeng nanadyak sa kaniya.

Sa nasabi pa ring video, ipinakita ang isang tila screenshot sa Facebook post ng babaeng kumuha ng video na naglalahad umano ng kuwento sa nasabing alitan.

Sa kabilang banda naman, habang nag-aaway ang dalawang grupo ng mga OFW ay tila wala namang pakialam ang mga taong nagdaraan sa naturang footbridge. Tila nakagugulo pa nga ang mga OFW sa pagdaan ng mga tao rito.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Ang tatapang ugaling kalye sa pinas dinayo nyo pa sa hongkong..bago kapag nakakulong ang pupurwisyuhin gobyerno..mga ateng kaya kayo nag abroad para magtrabaho para sa pamilya hindi para makipagbasagan ng mukha.”

“Hindi nagiisip ang mga inday, kapag nahuli kayo ng pulis s mga kalokohan nyo iyak at hingi ng tulong s gobyerno, ang dami ng problema dumadagdag pa kayo. Pag NASA ibang bansa lawakan ang pangunawa at kapwa Pilipino magdamayan. Mapauwi sana kayo. Kahiya kayo.”

“Ganyan mga tao na wlang disiplina, at wlang aral makkita tlaga sa tao qng my aral o wla.. sana lang mapauwe itong mga taong ganito ng mabawasan ang mga katulad nila. Nakakahiya kya pati matino nadadamay sA mga taong gaya nito. Dpat bigyan ng leksyon mga yan ang yayabang ang tatanda na. khit cno pwede nmn pumwesto jan sa inyo nba yan.. ugaling kalye dahil lng sa pwesto mananakit na nakakahiya!!!”

Sa ngayon ay mayroon nang higit 6,800 reacts at halos 6,400 comments ang nasabing post.




Source: Pinoytrending - Facebook Page

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Dalawang Grupo ng OFW sa Hong Kong, nag-away dahil lamang sa puwestong tatambayan.
Dalawang Grupo ng OFW sa Hong Kong, nag-away dahil lamang sa puwestong tatambayan.
https://1.bp.blogspot.com/-lDhhjlo2Meo/X0MLKktKACI/AAAAAAAAP9Q/-Fcmm9cs7t09RVX4aUmayPIgU8gDnCogACNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B%252819%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-lDhhjlo2Meo/X0MLKktKACI/AAAAAAAAP9Q/-Fcmm9cs7t09RVX4aUmayPIgU8gDnCogACNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252819%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/dalawang-grupo-ng-ofw-sa-hong-kong-nag.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/dalawang-grupo-ng-ofw-sa-hong-kong-nag.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy