Dalawang tindero ng prutas, tinulongan ng isang vlogger matapos pakyawin ang kanilang mga tinda sa gitna ng malakas na ulan

Larawan: Screenshot mula sa uploaded video ni Jose Hallorina - Youtube Channel D umaan man ang maraming sakuna, hindi pa rin mapipigil ang i...

Larawan: Screenshot mula sa uploaded video ni Jose Hallorina - Youtube Channel


Dumaan man ang maraming sakuna, hindi pa rin mapipigil ang isang taong kumakayod upang may maipantustos sa pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Sa YouTube channel na “Jose Hallorina,” makikita kung paanong tinulungan ng isang vlogger ang dalawang tindero ng prutas matapos niyang pakyawin ang kanilang mga paninda sa gitna ng malakas na buhos ng ulan.

“Hindi namin kayo matiis,” ani ng vlogger sa dalawang tindero.

Kahit sa gitna ng kalbaryo, makikita pa rin ang pagtutulungan at “pagbabayanihan” ng mga Pilipino…”

“TINDERO NG BUKO”

Pauwi na raw sana ang vlogger at ang kaniyang asawa lulan ng kanilang sasakyan nang nadaanan nila ang isang tindero ng buko. Basang-basa na ito sa ulan; wala itong dalang payong at wala ring masisilungan. Hindi raw nila kayang iwan ang lalaki, kaya naman binalikan nila ito. Pagkababa ng vlogger ay binigyan niya ito agad ng payong. 

Nag-umpisa raw na magtinda ang tindero sa SM North EDSA. Naabutan na raw ito ng ulan at uuwi pa raw sa kaniyang “Tito” dahil doon daw siya naninirahan ngayon. Purong buko raw ang tinitinda ng lalaki.

Sinabi ng vlogger na nadaanan at nakita raw nila siyang may ginagawa sa ilalim ng kariton niya kanina. Paglalahad naman ng tindero, inaalis niya raw sa kariton ang mga mabibigat na bagay tulad ng bunot (coconut husk) upang hindi siya mahirapang itulak ito.

Nakita nilang kaunti na lamang ang natirang paninda ng mama. Ayon sa kaniya, 40 buko lamang ang dinala niya sa kariton niya noong araw na iyon. Kinausap nila kung maaari raw ba nilang ilagay ang mga buko niya sa sasakyan ng vlogger upang sa gayon ay makauwi na raw ito at kahit papaano’y uuwi itong masaya.

Inabante muna ng vlogger ang kanilang kotse upang mas mapadali ang paglilipat ng buko. Habang isinasaayos at inilalapit ng tindero ang kaniyang kariton sa kotse ay sinabihan na rin siya ng vlogger na sa kaniya na ang payong na ibinigay nito kanina.

Naisipan daw ng vlogger na bilhin na lamang ang lahat ng bukong ibinibenta ng tindero para raw mabawasan ang bigat na dinadala niya habang itinutulak ang kariton.

Noong una ay nahirapan silang ilagay ang mga buko sa loob ng sasakyan. Maliban kasi sa malakas na buhos ng ulan ay may mga gamit din sa loob ang vlogger. Kalaunan ay nailipat naman ng tindero ang mga buko. Habang ginagawa niya ito ay binigyan siya ng towel ng vlogger dahil aniya, basang-basa na raw ang lalaki.

“Alam mo kanina, dapat lumampas na kami pero hindi kita matiis,” pag-amin ng vlogger sa tindero ng buko.

Nang nailagay na ang lahat ng buko sa sasakyan, muling tinanong ng vlogger kung saan nakatira ang lalaki.

“Diyan po sa may Kamias,” ani nito.

Tinanong muli ng vlogger ang lalaki kung buko lamang ang itinitinda nito. Kinumpirma ito ng lalaki at sinabing nagtitinda rin siya ng palamig.

Nang tinanong na ng vlogger kung magkano lahat ng bukong kinuha niya, P385 daw ang halaga nito ayon sa tindero. Subalit binigyan siya ng P2,000 ng vlogger.

“Salamat po talaga,” ani na lang ng tindero.

“TINDERO NG PINYA”

Nakita muli ng mag-asawa ang isang tindero naman ng pinya nang dumaan muli sila sa kalsada. Kaya tinawag din nila ito upang makausap at tulungan.

Matapos matulungan ang naunang tindero, binalingan naman ng vlogger ang isa pang tindero. Tulad ng nauna ay nagpaulan din ang lalaki upang makapaghanapbuhay alang-alang sa kaniyang pamilya.

Pinalapit niya rin ang tindero naman ng pinya sa kaniyang sasakyan. Pinalagay niya rin ang mga ito sa loob ng kaniyang kotse at sinabing hayaan na raw itong buo nang ilagay at huwag nang hatiin pa.

Habang isinasaayos ng tindero ng pinya ang kaniyang mga paninda, nagpaalam na ang tindero ng buko sa vlogger. Pinaalalahanan pa nga siyang mag-ingat ito sa pag-uwi at maligo kapag nakarating na ito sa bahay.

“Kasi kami, nakalampas na kami sa inyong dalawa. Kasi hindi namin kayo matiis,” muling pag-amin ng vlogger sa tindero ng pinya.

Nang tinanong ng vlogger kung anong oras nagsisimulang magtinda ang nasabing tindero ng mga pinya, tugon niya, “Madaling araw po, Sir. Nagbabalat po kami ng madaling araw, mga alas dos.”

“Kasi naisip ko, ito ‘yong isang dulot ng pandemya, ‘no? Na kahit umuulan, kahit anong… kahit anong weather ‘yan, hala, trabaho talaga,” pahayag naman ng vlogger.

Dagdag naman ng tindero, “Para makabili ng pagkain. Wala rin kami. Wala rin kaming hanapbuhay, ganito lang.”

Sabi pa ng nasabing lalaki, kung hindi raw sila magtatrabaho, wala rin silang mapapala. 

Kinumusta rin ng vlogger kung nakaiinom daw ng mga gamot na may vitamin C ang tindero upang hindi raw ito agad magkasakit; mayroon naman daw siyang iniinom, sagot ng lalaki.

Sa una ay wala naman daw talagang balak ang vlogger at ang asawa niyang kasama niya na kunin ang mga paninda ng tindero. Subalit nais daw nila itong matulungan upang kahit papaano’y gumaan man lamang daw ang kariton ding itutulak niya.

Ani na lamang ng tindero, “Salamat po.”

Mabuti na lamang daw at may malaking payong na nakalagay sa kariton ng tindero, hindi tulad ng nauna kanina na walang kahit anong dalang proteksyon sa ulan.

Sa isang araw daw, P700 ang puhunan ng nasabing tindero sa kaniyang paninda, dala-dala niya na raw doon ang pakwan.

Hapon na rin daw nakauuwi kadalasan ang naturang tindero, mga bandang alas kuwatro o alas singko na raw ng hapon. Alas siyete na raw sila nakatutulog, subalit gigising na naman daw sila ng mga ala una ng madaling araw dahil “mag-aabang” daw sila ng pinya.

“‘Pag ‘di kami naka-abang ng pinya, Sir, wala kaming pinya kasi siyempre marami rin kaming vendors,” tugon ng tindero.

Habang isinusupot ng tindero ang kaniyang mga paninda ay unti-unti na ring tumataas ang lebel ng baha sa kalsada.


“PAGBABAHAGI”

Ibinahagi naman ng tindero ng pinya na ipinamimigay na lamang daw nila ang mga paninda nila kapag hindi ito nauubos.

“‘Pag ‘di namin ‘to nabenta ngayon, pinamimigay na lang namin ‘to… sa mga batang lansangan, sa gilid-gilid lang,” ani ng tindero. Hindi raw nila itinatapon ang mga hindi naibebentang prutas dahil sayang lang din daw ang mga ito. At kahit daw lugi sila, ibinibigay pa rin nila ito.

Kapag ganito raw na maulan, ulan daw talaga ang pinaka-kalaban nilang mga tindero. Rebelasyon pa ng lalaki, kaibigan niya raw ang kaninang tindero ng buko!

“Kaibigan ko rin ‘yong nagbenta ng buko. Binigyan ko rin siya ng pinya para makakain siya ng pinya.”

Natawa at natuwa naman ang vlogger sa nalaman niyang ito. Kung minsan naman daw, paglalahad pa rin ng tindero, siya naman ang binibigyan ng buko ng kaniyang kaibigan.

“Tayo-tayo lang din talaga nagtutulungan,” sabi na lamang ng vlogger.

Tuluyan na ngang nailagay ng tindero ang kaniyang mga paninda sa sasakyan ng vlogger.

Nang tinanong na ng vlogger kung magkano lahat ng prutas na pinyang kinuha niya, nilalamig na sagot ng tindero, “Kayo na po bahala, Sir.” Saka siya binayaran ng vlogger.

Nang tinanong ng vlogger kung ano ang mensahe ng tindero sa mga taong makapapanood ng video, sinabi niyang nawa’y mabigyan sila ng tulong o ayuda ng mga taong mas nakaaangat sa kanila o ng mga taong mas may pribilehiyo sa buhay. Ani nga nilang dalawa ng vlogger, “share-share” lang daw ng mga “resources.”

Umalis na rin ang tindero at pinaalalahanan ng vlogger na mag-ingat din sa kaniyang pag-uwi.


Kahit anumang unos ang mangyari, nawa’y maging “biyaya” tayo sa isa’t isa. Tulungan nawa natin ang bawat isa at huwag mapagod na mahalin ang kapuwa.


Source: Jose Hallorina - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Dalawang tindero ng prutas, tinulongan ng isang vlogger matapos pakyawin ang kanilang mga tinda sa gitna ng malakas na ulan
Dalawang tindero ng prutas, tinulongan ng isang vlogger matapos pakyawin ang kanilang mga tinda sa gitna ng malakas na ulan
https://1.bp.blogspot.com/-O8QOqt9ZV9k/XziYnOdXrTI/AAAAAAAAPys/pJPELLKPuiM8iVzJU1lhbjbtLj3V0MStwCNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B%25283%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-O8QOqt9ZV9k/XziYnOdXrTI/AAAAAAAAPys/pJPELLKPuiM8iVzJU1lhbjbtLj3V0MStwCNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%25283%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/dalawang-tindero-ng-prutas-tinulongan.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/dalawang-tindero-ng-prutas-tinulongan.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy