Database ng PhilHealth, may mga miyembro na pinanganak noong 1899 at 1900.

“Under pa ho tayo ng American rule noon, ang ating military governor-general, si General Arthur MacArthur pa at buhay pa po noon si Apolinario Mabini,

Larawan ay mula sa pinasbalita


I
binulgar ni Senador Francis Tolentino na mayroong mga miyembro ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na mga senior citizens na may edad nang mahigit isang daang taon at isang tatlong taong gulang na batang nakalista bilang isang matanda.

Sinabi ni Tolentino, sa kaniyang deliberasyon sa ginanap na pagdinig ng Sentae Committee of the Whole hinggil sa imbestigasyong isinasagawa sa anomalya, na marami raw kuwestiyonableng item sa database ng mga miyembro ng nasabing ahensiya.

Nadiskubre ni Tolentino na may mga miyembro raw ang PhilHealth na ipinanganak noong 1899 at 1900 – bago pa maganap ang Unang Digmaang Pandaigdig (World War I).

Larawan ay mula sa pinasbalita

“Under pa ho tayo ng American rule noon, ang ating military governor-general, si General Arthur MacArthur pa at buhay pa po noon si Apolinario Mabini, buhay pa si General Emilio Aguinaldo,” ani Tolentino.

Una nang inamin ni Ricardo Morales, president at chief executive officer ng nasabing ahensiya, sa ginanap na pagdinig nitong Agosto 04 na mayroong 5,000 miyembro ang PhilHealth na mga edad 130-anyos na nananatili pa ring nasa database dahil wala raw mga dokumentong magpapatunay na nam@tay na sila.

At kahapon, August 11, nilagyan na nga ng tag ang mga naturang miyembro bilang “as an anomaly.” Inatasan na rin daw ni Morales ang mga regional officers na iberipika sa kinauukulang awtoridad ang pagkakakilanlan at kalagayan ng mga centenarian members sa kanilang listahan.

Larawan ay mula sa pinasbalita

Larawan ay mula sa pinasbalita


Sa kabilang banda, sinabi naman ni Tolentino na mas higit sa naturang bilang ang “super centenarian” – mayroon kasing 42,000 sa iisang rehiyon lamang. Maaapektuhan daw nito ang National Identification System kung pagbabasehan ang database ng nasabing ahensiya.

Bukod sa mga miyembrong higit 100 taong gulang na, tinukoy rin ni Tolentino na may mga PhilHealth beneficiaries na may edad 60 pababa na kinikilala bilang “active senior citizen” members.

Base sa database ng PhilHealth nitong September 27, 2018, kabilang sa mga senior citizen na ito ang isang 56-year-old, isang 34-year-old, isang 18-year-old at isang tatlong taong gulang lamang na bata.

Sabi ni Tolentino, “So it is possible that we have an over bloated list of members.”

Pagtitiyak naman ni Morales, patuloy raw nilang lilinisin ang kanilang database na mayroong 109 miyembro. Makikipag-ugnayan din daw sila sa Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil dito.

“‘Yong database po ng corporation is a very important portion of its operations… Mahirap ho mag-maintain ng database…so constant po talaga ang effort sa paglinis ng database,” sabi ni Morales.



Source: pinasbalita

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Database ng PhilHealth, may mga miyembro na pinanganak noong 1899 at 1900.
Database ng PhilHealth, may mga miyembro na pinanganak noong 1899 at 1900.
“Under pa ho tayo ng American rule noon, ang ating military governor-general, si General Arthur MacArthur pa at buhay pa po noon si Apolinario Mabini,
https://1.bp.blogspot.com/-d96Qq9Oxt2E/XzQa39xia-I/AAAAAAAAPsA/FcjixuOrHWMP-mig0cS7i5ITFAoxJ8gMwCNcBGAsYHQ/s640/Untitled%2Bdesign%2B%252819%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-d96Qq9Oxt2E/XzQa39xia-I/AAAAAAAAPsA/FcjixuOrHWMP-mig0cS7i5ITFAoxJ8gMwCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252819%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/database-ng-philhealth-may-mga-miyembro.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/database-ng-philhealth-may-mga-miyembro.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy