Huli ka Balbon! Misis na aktohan si Mister sa ilalim ng kama ni Kabit

Larawan: Screenshot mula sa video ng Raffy Tulfo in Action - Youtube Channel I pinadala sa Facebook page ng “Raffy Tulfo in Action” ang isan...

Larawan: Screenshot mula sa video ng Raffy Tulfo in Action - Youtube Channel


I
pinadala sa Facebook page ng “Raffy Tulfo in Action” ang isang video na kung saan sangkot ang misis, mister, at ang kalaguyo.

Makikita sa video ang paghahanap ng misis sa mister nito sa mismong lugar ng kalaguyo. Ilang sandali pa’y lumabas ang mister mula sa ilalim ng kama.

“Huli ka balbon!” wika ni Raffy Tulfo.

Una nilang nakausap ang tunay na asawa na si Josnel Cordova. Sinabi niyang katrabaho niya ang kabit ng kanyang asawa. Paliwanag niya, hindi raw muna siya agad sumugod sa boarding house ng kabit ng kanyang asawa. Pinatawag daw niya muna ito sa barangay. Matapos nilang mag-usap, pumirma raw ito ng katibayan na wala na sila at titigilan na niya ang asawa ni Josnel.

“Then mga ilang minutes po, iba na ‘yong kutob ko. Sinundan po namin siya. Pagsunod po namin [sa kanya], ayun po, do’n na po namin nakita silang dalawa,” dagdag pa ng misis.

Natawa pa nga si Tulfo nang mabanggit ni Josnel ang posisyon ng asawa niyang si Generson Cordova na nagtago sa ilalim ng kama. Pitong buwan na ring buntis si Josnel.

Nang kakausapin na nila ang inirereklamong mister, natawa muli si Tulfo sa litrato ng mister dahil “parang hindi mapagkakatiwalaan.” Paliwanag ni Generson, noong January raw ay nagpaalam si Josnel na iinom ito. Ala-una raw ang napag-usapan nilang uwi nito. Ngunit, dumating daw si Josnel sa paradahan nina Generson bandang 2:30 na ng madaling araw. Sinabi umano ni Josnel sa kanya na dinala umano siya ng isang lalaki sa hotel.

Larawan: Screenshot mula sa video ng Raffy Tulfo in Action - Youtube Channel

Hindi raw totoo ito, sabi ni Josnel. Ang lalaking kasama niya ay si “AJ” na barkada umano ng pinsan niya.

Nang pinag-usap ang mag-asawa, binanggit ng misis, “Huwag kang sinungaling, naku, Gawain mo na ‘yan.”

Sumagot naman agad ang mister na “Hindi ako sinungaling, hindi ako sinungaling.”

Nagdududa si Generson na hindi niya anak ang dinadala ni Josnel. Kaya naman sinabi ni Tulfo na pagkapanganak sa bata ay ipapa-DNA test niya ang mga ito. Kung sakaling lumabas na siya nga ang ama ng bata, kakasuhan daw siya ng misis at sinabi nitong “Okay lang po.”

Sunod namang kinausap ang “paramour” na si Danica Casilag. Salaysay nito, “Inaamin ko naman po ‘yong kamalian ko. ‘Yong nagkaroon na rin po kami ng kasulatan sa barangay. Pero, gusto ko lang din pong sabihin ‘yong side ko kung bakit nandoon si lalaki, okay lang po?”

“Sige lang po Madam,” sagot ni Tulfo.

Kaya raw niya pinapunta sa boarding house niya ang lalaki ay dahil wala siyang alam kung bakit siya pinapunta ng barangay. Sinabi raw ng mga tanod na nandoon ang tatay niya at hinahanap siya. Inakala rin daw ng mga katrabaho niya na lumayas siya. Nang dumating siya sa barangay, nakita na niya ang tunay na asawa at “automatic” daw na alam na niya kung bakit.

“Edi nag-usap kami. Nangako ako na titigilan ko na ‘yong asawa niya. Wala ng communication, nagpirmahan pa kami. Pagkatapos no’n, kinausap ko si lalaki doon sa boarding house. Wala akong idea na pupunta ‘tong si babae doon sa boarding house,” pahayag ng kabit.

Mali rin daw ang ginawa ni Josnel dahil umano ito ay trespassing, at pinayagan niya umano itong pumasok. Tatlo nga raw silang sumugod sa kanyang lugar.

Sinabi naman ni Tulfo na kung pinayagan niyang pumasok si Josnel, ibig sabihin ay walang trespassing.

Nang kausapin ang abogadong si Atty. Garreth Tungol, sinabi nitong walang trespassing na naganap dahil hindi naman daw puwersahang pumasok ang complainant sa lugar ng inirereklamong kalaguyo.

Sa chat lamang daw nagkaroon ng “something” sina Casilag at Generson. Inaamin naman daw niya na malaking problema ang pinasok niya.

Gusto raw ni Josnel na makasuhan ang kanyang asawa at ang kabit nito. Hindi nga raw niya iuurong ang kaso.

Nang subukang pag-ayusin ang dalawang babaeng sangkot, patuloy na nagsagutan ang dalawa. Humihingi na ng tawad ang kabit na iurong na sana ng tunay na asawa ang kaso. Nagsisisi na umano si Casilag sa mga nagawa niya.

Nang mag-usap sina Casilag at Generson, sinabi ng nauna na kausapin ng huli ang asawa niya at sabihing huwag ituloy ang kaso. Dagdag pa ng kalaguyo, makipag-ayos na lamang ang lalaki sa asawa nito. Ngunit, ipinagpipilitan ni Generson na si Casilag na lamang ang kumausap kay Josnel.

Susubukan din daw muna pag-ayusin sa barangay ang tatlong taong sangkot dito. At kung sakaling hindi talaga sila magka-ayos, dito na raw itutuloy ang kaso.




Source:  Raffy Tulfo in Action - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Huli ka Balbon! Misis na aktohan si Mister sa ilalim ng kama ni Kabit
Huli ka Balbon! Misis na aktohan si Mister sa ilalim ng kama ni Kabit
https://1.bp.blogspot.com/-xm2FkLP6Hb0/X0V4KaTiPXI/AAAAAAAAQAs/DKKgOnMrHCAcRr0_ucR69GEkF-rfMgsjACNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B%252825%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-xm2FkLP6Hb0/X0V4KaTiPXI/AAAAAAAAQAs/DKKgOnMrHCAcRr0_ucR69GEkF-rfMgsjACNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252825%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/huli-ka-balbon-misis-na-aktohan-si.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/huli-ka-balbon-misis-na-aktohan-si.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy