Idol Raffy binigyang Reward, ang Nurse na nag-viral matapos tulungang manganak ang isang homeless.

Larawan: Screenshot mul sa video ng Raffy Tulfo in Action - Youtube Channel           S a programang “Raffy Tulfo in Action”, nakausap ng ho...

Larawan: Screenshot mul sa video ng Raffy Tulfo in Action - Youtube Channel

        Sa programang “Raffy Tulfo in Action”, nakausap ng host na si Raffy Tulfo ang itinuturing ngayong “bayaning nurse” na si Lorraine Pingol, isang company nurse, dahil sa kaniyang nag-viral na larawan kamakailan lamang matapos tulungang manganak ang isang homeless sa tabi ng kalsada.

“Ikaw po ay isang bayani, Ma’am Lorraine,” ani Tulfo.

Sagot naman ni Pingol, “Hindi naman po. Parang hindi pa po nagsi-sink sa akin ‘yong salitang iyon.”

Bagay raw ang bansag na ito sa nurse, sabi pa ni Tulfo sapagkat nasa “right place” daw siya “at a right time.” Siguro ay mas tama raw ito, pagsang-ayon naman ni Pingol.

Sinabi rin ni Tulfo na “kabayanihan” daw ang ginawa ni Pingol sapagkat maaari naman siyang dire-diretso nang maglakad at umuwi na lamang, subalit tinulungan niya pa rin ang nasabing pulubi na manganak.

Tugon naman ni Pingol, “Hindi lang po kasi ako sanay na tinatawag na gan’on, dahil… I used to have a quiet life.”

Muling pinasalaysay ng host sa nurse ang nangyari noong araw na iyon.

Larawan: Screenshot mul sa video ng Raffy Tulfo in Action - Youtube Channel


Noong nakaraang Martes, nahuli na raw ng gising si Pingol. Ibig sabihin, “late” na rin daw siya sa kaniyang trabaho, kaya naman ay nagmamadali na siya. Habang naglalakd daw siya patungo sa kaniyang “work”, at hindi pa rin naman nakalalayo sa “vicinity” ng Barangay Bangkal, tinawag daw siya ng isang grupo ng mga barangay rescuers na nasa gilid.

“Nurse, nurse!” tawag daw ng mga ito sa kaniya. Nang tinanong ni Tulfo kung kilala ba raw siya ng mga ito bilang nurse, sinabi ni Pingol na marahil, hindi raw nila alam na nurse siya ngunit dahil nga nakasuot siya ng puting uniporme ay tinawag siya ng mga ito.

Nagulat daw siya kung bakit daw siya biglang tinawag ng mga ito subalit lumapit pa rin daw siya. Aniya pa, “Kasi mukhang may kailangan po sila eh – the way they called me.”

Pagkalapit niya raw ay nakita niya ang ale na nanganganak sa gilid ng kalsada. Malapit daw ito sa tambakan ng basurahan. Sa mga oras daw na iyon, nakalabas na raw talaga ang bata subalit hindi pa nailalabas ang inunan nito. Dagdag pa rito, hindi pa rin daw napuputol ang umbilical cord ng bata. Hindi raw kasi pamilyar ang mga barangay rescuers sa gawaing ito dahil “more on vehicular accidents” daw ang madalas nilang tugunan.

Nang mga sandaling iyon, wala raw ibang medical practitoners ang “available.” At dahil nga nakita siya roon at bilang isang nurse na rin, tinawag na siya ng mga naroon.

Pahayag pa ni Pingol, “I knew that the mother and the baby really needed help. And if there’s no other persons to do it, at ako po ang naroroon, ginawa ko na lang ho.”

Hindi na raw naisip ni Pingol na mayroong COVID-19 na lumalaganap ngayon. Ani naman ni Tulfo, “tawag ng tungkulin” daw ang naranasan ng nurse.

Komento nga raw ng isang netizen, “God’s perfect plan.” Sinang-ayunan naman ito ng nurse at ibinahaging nakalimutan niya raw maglagay ng “alarm” noong gabi bago ang kaganapang iyon, na hindi naman daw madalas mangyari sapagkat lagi naman daw siyang nakakapag-alarm tuwing gabi upang makagising ng maaga para sa kaniyang trabaho. Dagdag rin ng host, kung hindi raw siya na-late noong araw na iyon ay hindi niya rin natulungan ang nasabing ale.

Sa “MediCard Philippines” daw nagtatrabaho si Pingol. Dahil dito, magbibigay raw ang nasabing programa ng sulat ng pasasalamat sa kumpanya sapagkat may empleyado raw silang “bayani” sa katauhan ni Pingol.

“Masaya po ako. Actually, speechless po ako sa mga nangyayari ngayon sa akin. Natutuwa po ako pero ‘di pa po nagsi-sink in sa akin na sunod-sunod ‘yong mga biyayang dumarating. Nagpapasalamat po ako,” pahayag pa ng nurse.

Binasa muli ni Tulfo ang komento ng mga netizens na nagsasabing maganda na nga raw si Pingol, maganda pa ang kaniyang kalooban. Tumawa lamang ang nurse at sinabing natutuwa raw siya rito.

May nagtatanong nga raw na netizen, sabi ni Tulfo, kung dalaga pa raw ba si Pingol. Tugon naman niya: “Dalaga pa po, pero ano, trenta na po ako.”

Dahil sa “kabayanihang” ipinakita ni Pingol, tinanong ni Tulfo kung ano ang maaari nilang maitulong sa kaniya. Sinabi ng nurse na diagnosed daw siya ng “chronic myeloid leukemia” at marahil daw ay alam na ito ng karamihan sapagkat laman din daw ito ng balita tungkol sa kaniya. Mayroon daw siyang medical medication.

“Sa totoo lang po, kaya ko naman siya. Kaya ko naman po siyang bilhin. ‘Yon nga lang po, dahil siyempre… ‘yong PhilHealth po natin, hindi po natin magamit for outpatient. Every time na nagpapa-checkup ako, nagpapa-blood monitoring po ako, I have to pay it in cash everytime. So parang, ang bigat po sa bulsa although nakakaraos po ako. Kaya siguro, hilingin ko na lang po na…”

Subalit, pinutol na siya ni Tulfo at sinabi niyang siya na raw ang magpapatuloy ng pahayag.

“Bibigyan kita ng P100,000 cash,” ani ng host.

Gulat at tila nabigla si Pingol sabay sabing, “Naku! Masiyado po malaki ‘yon, Sir.”

“No Ma’am. I insist, dahil sa kabayanihan mo,” sabi naman ni Tulfo. Tuwang-tuwa raw kasi siya sa ginawa ng nurse at reward daw ang halagang ito upang may maipangpagamot siya.

Matagal pa bago nakasagot ang nurse. Nang muli siyang nakapagsalita, inamin niyang nagulat daw siya at wala naman daw talaga siyang inaasahang kahit anong darating sa kaniya. Para sa kaniya ay tinulungan niya raw ang nasabing ale noong araw na iyon at saka babalik lang din siya sa kaniyang “routine” na gigising nang maaga at papasok sa trabaho.

Sobra-sobra pa nga raw kung tutuusin ang ibibigay ng host subalit sabi na lamang niya, “Maraming salamat po, Sir.”

Para raw talaga ito sa nurse, ani Tulfo, upang may magamit siya sa kaniyang pang-maintenance na gamutan.

“You deserve it,” sabi ng host.

Muling nagpasalamat si Pingol; sinabi naman ng host na mabuhay daw ang nurse at nawa’y dumami pa ang mga katulad niya.

Nagpasalamat din si Pingol sa Panginoon dahil tunay nga raw na nakikinig Siya at gumagawa ng paraan upang maiparating sa bawat tao ang biyaya.



Source: Raffy Tulfo in Action - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Idol Raffy binigyang Reward, ang Nurse na nag-viral matapos tulungang manganak ang isang homeless.
Idol Raffy binigyang Reward, ang Nurse na nag-viral matapos tulungang manganak ang isang homeless.
https://1.bp.blogspot.com/-AupbXRqeU2E/X0hWYdboOmI/AAAAAAAAQC4/0UDVslBvCK4FCOBdsn8bE11Ff-EMfs3DwCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B%252828%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-AupbXRqeU2E/X0hWYdboOmI/AAAAAAAAQC4/0UDVslBvCK4FCOBdsn8bE11Ff-EMfs3DwCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252828%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/idol-raffy-binigyang-reward-ang-nurse.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/idol-raffy-binigyang-reward-ang-nurse.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy