Ikinagulat ng tricycle driver na nakabangga sa mamahaling sasakyan ni Daniel Padilla ang ginawa nito

  Nag-viral kahapon, Agosto 12, ng hapon ang mga videos at larawan ng superstar na si Daniel Padilla sa isang “road mishap” sa Quezon City, ...

 

Nag-viral kahapon, Agosto 12, ng hapon ang mga videos at larawan ng superstar na si Daniel Padilla sa isang “road mishap” sa Quezon City, subalit hindi dahil sa nagalit ito o nagwala na umagaw ng eksena sa mga tao.

           Ayon sa isang artikulo ng ABS-CBN News, ang rason daw ay “heartwarming” base sa mga nakatestigo kung paanong nagbigay ng “monetary aid” ang aktor sa isa pang driver na nasangkot sa nasabing insidente.



           Ang insidente ay nangyari sa Fairview, Quezon City, ayon sa viral video clips at mga larawang ini-upload sa Facebook ng mga netizens na sina Jessica De Vera Tamayo at Reynaldo Duron.

           Mapapanood sa mga videos na kinakausap ni Padilla ang isang tricycle driver, habang nakaposisyon ang kani-kanilang mga sasakyan na nagpapakitang nabangga ng tricycle ang rear bumper ng sports car ng Kapamilya star.


           Wala naman daw nasaktan sa nasabing insidente.

           Caption ni Tamayo sa kaniyang post, “Si Daniel na nabunggo siya pa nagbigay kay manong. Bait talaga.

           Tila pareho sila ni Duron ng sinabi sa kaniya ring Facebook post, “Sobrang bait ni Daniel Padilla. Siya na nabangga, siya pa nagbayad sa tricycle.”

           Isang video ring nagpapakita ng “different view of the incident” ang nag-viral sa Twitter. Inilarawan ng uploader nitong si Jay-ar Bagamanao si Padilla bilang “good Samaritan” na nagbahagi rin ng kaniyang “account” tungkol sa nangyaring mishap.

           “Daniel Padilla nabangga ng tricycle yung sasakyan niya sya pa nag bigay ng pera sa tryk driver. what a good samaritan.

           Hindi pa nagsasalita si Padilla tungkol sa naganap na insidente, subalit siniguro naman ng kaniyang inang si Karla Estrada sa mga fans nito na “he is well.” Dagdag pa niya, “minor scratch” lang naman daw ang naging pinsala ng sasakyan ng aktor.

           “Guys, okay si DJ. Kaunting gasgas lang sa sasakyan. At siyempre, everybody happy! No problem! Tuloy ang buhay!” ani Estrada sa kaniyang Twitter ilang oras matapos ang naturang kaganapan.

Panoorin ang video:


COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Ikinagulat ng tricycle driver na nakabangga sa mamahaling sasakyan ni Daniel Padilla ang ginawa nito
Ikinagulat ng tricycle driver na nakabangga sa mamahaling sasakyan ni Daniel Padilla ang ginawa nito
https://1.bp.blogspot.com/-98UprJOw1TY/XzS08aLm1cI/AAAAAAAAPt8/cEQz7W4UkLYLVld-NKpO456P1CTHFAaZACNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-08-12T233422.341.png
https://1.bp.blogspot.com/-98UprJOw1TY/XzS08aLm1cI/AAAAAAAAPt8/cEQz7W4UkLYLVld-NKpO456P1CTHFAaZACNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-08-12T233422.341.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/ikinagulat-ng-tricycle-driver-na.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/ikinagulat-ng-tricycle-driver-na.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy