Source: Francis Jun / Facebook Ibinahagi ng isang concerned citizen ang kaniyang nakaantig na kuwento tungkol sa isang lalaking lumapit s...
![]() |
Source: Francis Jun / Facebook |
Ibinahagi ng isang
concerned citizen ang kaniyang nakaantig na kuwento tungkol sa isang lalaking
lumapit sa kaniya, hindi upang manghingi o manglimos ng pagkain, kundi upang makiusap
kung maaari raw ba niyang linisin ang katapat na kanal malapit sa tindahan ng
naturang netizen.
Batay sa kuwento ng uploader na si Francis Jun, isang
lalaki raw ang lumapit sa kanilang tindahan isang umaga; nagpalinga-linga raw
ito na tila may kailangan sa kaniya.
Inakala niya raw noong una na isa itong kustomer at may
hinahanap lamang. Kaya naman, tinanong niya na raw ito kung ano ang kailangan
nito at kung ano ang maaari niyang maitulong sa kaniya.
Subalit nang tanungin niya na raw ito ay tila alangan pa
raw na sumagot ang naturang lalaki.
Maya-maya raw ay nagsabi na ito kay Jun kung maaari daw ba
niyang linisin ang kanal upang may maiuwi siyang pera para sa kaniyang pamilya.
Nais daw sanang tanggihan ni Jun ang alok ng nasabing
lalaki, sapagkat siya naman daw talaga mismo ang naglilinis ng kanal sa tapat
ng kanilang tindahan.
Subalit nangibabaw raw ang naramdamang awa ng nasabing
netizen kaya naman sa huli ay pumayag ito sa kahilingan ng lalaking nakiusap.
Aminado naman daw si Jun na hindi siya gaanong nakararanas
ng hirap ngayon at sapat lang din daw ang kinikita niya para ipantustos sa
kaniyang pamilya.
Subalit alam daw ni Jun na higit ang pangangailangan ng
pamilya ng lalaki kaya ganoon na lamang daw siya “kadesperado” at naglakas ng
loob na lumapit sa kaniya.
Nagawa raw ni Jun na ibahagi ang kuwento ng lalaking ito
dahil kung saka-sakali mang makita raw ng mga tao ang nasabing lalaki at
makikiusap ding iaalok niya ang serbisyo niya sa paglilinis, huwag daw sana
tayong mag-atubiling tulungan siya upang mabigyan na rin ng tulong ang kaniyang
pamilya na siguradong nakararanas daw ng hirap ngayong panahon ng pandemya.
Basahin dito ang kabuuang post ni Jun:
“Ang aga may lumapit sa tindahan akala ko bibili nang tanungin ko kung ano po kailangan sabi nya pwede daw ba nya linisin ung kanal para daw may maiuwi sya sa pamilya nya mecq wala daw syang work, overgrown na planung mga damo.
Auko sana kasi ako talaga maglilinis ng kanal sa tapat naming. Kaya lang naawa ako kay kuya kaya pumayag nalang ako.
Kaya kung makaka abot sainyo si kuya at makiusap. Sana pagbigyan nyo na para makatulong nmn. Mahirap lang din ako.
Asa lang din pero alam ko mas mahirap kalagayan ni kuya. Hindi cguro nya gagawin yan kung di langbtalaga kailangan……kayo na bahala sa kanya.”
Naantig naman ang puso ng mga netizens. Narito ang ilan sa mga komento nila:
“Saludo ako sa ganyang ama. ….ggawin lahat just to provide the needs of his family.”
“Pamilya ko , kaibigan , kamag anak at kakilala saludo kaming lahat sayo Tay! Isa ka pong dakila at huwarang Ama! May the Lord God bless you and give you a good health and your family on this turbulent time.”
“Beautiful hands are those who work! Maduming trabaho pero malinis na paraan para kumita para sa pamilya. Di tulad ng marami diyan, sine Sir pa!”
Source: Francis Jun / Facebook
COMMENTS