Isang lalaki ang nagpakilalang anak ng aktor na si John Regala

Trending ngayon ang isang lalaking nagpakilalang anak di-umano ng aktor na si John Regala. Ayon sa ulat ay matagal na raw nitong hinahanap ang kaniya

Larawan ay mula sa Google

Trending ngayon ang isang lalaking nagpakilalang anak di-umano ng aktor na si John Regala.

Ayon sa ulat ay matagal na raw nitong hinahanap ang kaniyang ama at nais na magpakilala sa kaniya. Sa katunayan pa nga raw ay nagpatulong daw ito sa artistang si Inez Veneracion noon upang makapag-set ng meeting upang makapag-usap silang dalawa. Subalit hindi raw ito nangyari.

Kaya nang nabalitaan niyang may malubhang sakit na ang ama ay ninais niya itong makita.

May isang nagngangalang Gloria Silva del Mundo ang nagpapatunay na anak daw talaga ni John Regala ang binata na nagngangalang John Santos. Isang kagawad ngayon si del Mundo sa Tanauan, Batangas kung saan nakatira ngayon si Santos at ang ina nitong si Vilma – na dating nakarelasyon daw ng nasabing aktor.
Larawan ay mula sa Google

Nagsimula raw ang relasyon ng dalawa nang nasa Japan pa lamang sila. Ayon kay del Mundo, nagtrabaho raw bilang entertainer si Vilma sa Japan at kalaunan ay nagkaroon sila ng relasyon ni Regala na tumagal lamang ng ilang buwan. Nabuntis si Vilma at nang ipinagtapat niya raw ito kay Regala, hindi raw naniwala ang aktor.

Kuwento pa raw ni Vilma, itinanggi raw noon ni Regala na siya ang ama ng batang dinadala niya, dahil na rin daw siguro sa klase ng trabaho niya. Subalit nanindigan si Vilma na si Regala nga ang ama ni Santos na dinadala niya noon.
Larawan ay mula sa Google

Kahit wala raw suportang nakuha noon mula kay Regala, itinuloy pa rin daw ni Vilma ang kaniyang pagbubuntis noon sa Japan.

Maraming mga netizens ang tila hindi naniniwala at sinasabing nais lang daw magpasikat ni Santos. Subalit sinabi nina del Mundo at Santos na handa raw itong magpa-DNA Test upang mapatunayang anak nga siya ng aktor.

Ito naman ang pahayag ni del Mundo:
“Noong seven years old si John Santos, umuwi siya sa Batangas mula sa Japan. Ang lola niya ang kumupkop sa kaniya… Kamukha po si John ng father niya. Malaki siyang tao, kamukhang-kamukha siya ng tatay niya. Mabait siya.

Itong bata, matagal nang hinahanap si John. Hindi pa niya nakikita si John Regala mula noong seven years old siya. Kagaya ngayon, may sakit na si John Regala, sana man lang magkita ang mag-ama. 

Parang ang sabi raw po nung tatay, hindi siya sigurado na anak niya si John [Santos]. Pero ang sabi ng ina, si John Regala ang tatay. Hindi naman siguro late na para magpa-DNA test sila.”

Samantala, sa programang “Raffy Tulfo in Action,” sinabi ni Regala na hindi niya naman daw itinatanggi si Santos dahil nga sinasabi nitong ama siya nito. Kinumpirma niya ring nagtungo siya ng Japan noon. Subalit nang tinanong kung may nakilala siyang Vilma Santos, wala raw siyang nakilala. Ang nakarelasyon niya lamang daw noon sa Japan at kalaunan ay naging asawa rin ay ang isang nagngangalang Victoria Alonzo na may-ari raw ng isang agency.

Kaya, inalok na lamang ni Raffy Tulfo ang dalawa na sumailalim sa DNA Test. Pumayag naman ang dalawa na gawin ito upang malaman na kung mag-ama nga ba sila o hindi






Source: Showbiz Philippines and Raffy Tulfo in Action - Youtube Channels

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Isang lalaki ang nagpakilalang anak ng aktor na si John Regala
Isang lalaki ang nagpakilalang anak ng aktor na si John Regala
Trending ngayon ang isang lalaking nagpakilalang anak di-umano ng aktor na si John Regala. Ayon sa ulat ay matagal na raw nitong hinahanap ang kaniya
https://1.bp.blogspot.com/-A2B2BXNo2YY/Xy82n-8G9NI/AAAAAAAAPhU/FUQwzzvMmaUeOhyrtlHgsHySxWkVbt_bgCNcBGAsYHQ/s640/maxresdefault%2B%25282%2529.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-A2B2BXNo2YY/Xy82n-8G9NI/AAAAAAAAPhU/FUQwzzvMmaUeOhyrtlHgsHySxWkVbt_bgCNcBGAsYHQ/s72-c/maxresdefault%2B%25282%2529.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/isang-lalaki-ang-nagpakilalang-anak-ng.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/isang-lalaki-ang-nagpakilalang-anak-ng.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy