Isang tourist guide, nabihag ang puso ng isang Caucasian Tourist

Larawan: Screenshot mula sa uploaded video ni LeonMata Tibi - Yputube Channel M insan, hindi kagandahan o kagwapuhan ang kailangan upang mag...

Larawan: Screenshot mula sa uploaded video ni LeonMata Tibi - Yputube Channel


Minsan, hindi kagandahan o kagwapuhan ang kailangan upang magkaroon ng buhay pag-ibig. Dahil ang kailangan mo lamang minsan ay ang pagiging natural at totoo sa iyong sarili.

Nag-viral ang “love story” ng isang lalaking taga-Indonesia at ng isang babaeng taga-England matapos nilang patunayan na walang makakapigil sa pusong totoong nagmamahal.

“Love at first sight” – ito marahil ang nangyari sa babae dahil unang kita pa lamang daw nito sa lalaki ay magaan na raw ang loob niya.

Tunghayan ang nakakikilig na kuwentong pag-ibig nina Bayu Kumbara at Jennifer Brocklehurst.

“THE ‘FUNNY’ TOUR GUIDE…”


Larawan: Screenshot mula sa uploaded video ni LeonMata Tibi - Youtube Channel

Mayroong natatanging personalidad si Bayu Kumbara. Lagi kasi siyang nagpapatawa na siya namang kinahuhumalingan ng mga tao, maging ng kababaihan. Tila nagsilbing “props” na lamang daw rito ang kaniyang itsura.

Larawan: Screenshot mula sa uploaded video ni LeonMata Tibi - Yputube Channel

Nakatira sa Padang, Indonesia si Kumbara. Ang naturang lugar ay madalas bisitahin ng mga turista dahil sa magaganda nitong tanawin. Dito nagtatrabaho si Kumbara bilang isang tour guide. Kaya hindi na raw bago sa kaniya na makakita ng magagandang lahi ng mga turista, lalo na pagdating sa kababaihan. Subalit tila hindi pa raw niya yata nahahanap ang babaeng makapagtitibok sa kaniyang puso dahil sa higit 30 taon niya sa mundo – hindi pa rin siya nagkakaroon ng seryosong relasyon.

Larawan: Screenshot mula sa uploaded video ni LeonMata Tibi - Yputube Channel

Subalit hindi naman daw sa pagmamayabang ngunit popular daw si Kumbara bilang tour guide lalo na sa mga babaeng turista, dahil daw sa nakatatawang mga biro nito. Idagdag mo pa raw na madali siyang pakisamahan dahil madali lang naman daw siyang mag-adjust sa ugali ng kaniyang mga nakasasalamuha. Halimbawa na lamang, kung ang babae raw ay suplada, hindi niya na raw ipinipilit pa ang kaniyang mga biro; alam niya naman daw kung paano ilugar ang kaniyang personalidad.

Ngunit, mas masaya pa rin naman daw si Kumbara kapag napapatawa niya ang mga turistang gina-guide niya. Sa sobrang saya nga raw ng mga ito ay napapa-akbay na lamang daw sila sa tour guide; kung minsan pa nga ay nayayakap na raw siya ng mga ito. Tila nakalilimutan daw nilang lalaki ang kasama nila.

Kumikita naman daw sa pagiging tour guide si Kumbara. Sapat daw ito upang mapakain ang kaniyang mga kamag-anak na sa kaniya umaasa. Subalit, “seasonal” lamang daw na nangyayari ito dahil tuwing summer lang bumibisita ang maraming turista sa kanilang lugar. Kung matumal naman daw ang kita, “sideline” niya ang pagkukumpuni ng mga sirang bagay at namamasada.

Ngunit isang araw, tila gumawa ang tadhana ng paraan upang ipakilala sa kaniya ang isang babaeng mamamahalin niya na pala.

"MEETS THE BEAUTY FROM ENGLAND”

Isang araw, habang namamasada si Kumbara ay biglang may pumara sa kaniyang isang babaeng turista – siya ay si Jennifer Brocklehurst, 28 taong gulang mula sa bansang England.

Pumreno raw noon si Kumbara at nagbitaw agad ng biro kay Brocklehurst. Sinabi niyang sabihin lamang daw ng babae ang kaniyang pangalan at kahit saan daw sila magpunta ay libre na lamang ang pamasahe nito.

Larawan: Screenshot mula sa uploaded video ni LeonMata Tibi - Yputube Channel

Natawa na lamang daw ang babae rito subalit nagpakilala pa rin siya kay Kumbara. Dahil dito, hindi lamang libreng sakay ang inalok nito kung hindi pati na rin ang pagto-tour sa iba’t ibang tourist spots sa kanilang lugar.


Larawan: Screenshot mula sa uploaded video ni LeonMata Tibi - Yputube Channel

Tila tinamaan na nga raw nang tuluyan si Kumbara kay Brocklehurst noong mga panahong iyon. Ang hindi niya alam, ganoon din daw ang naramdaman ng babaeng turista sa kaniyang tour guide. Ayon daw kasi kay Brocklehurst, una pa lamang daw niyang nakita si Kumbara ay magaan na raw ang loob nito sa kaniya.

Sa ilang araw daw nilang pagsasama habang namamasyal sa iba’t ibang lugar ay tila nagkasundo na raw ang kanilang mga nararamdaman. Kahit hindi na raw niligawan ni Kumbara si Brocklehurst ay “kasintahan” na ang turingan nila sa isa’t isa.

Binulabog ng dalawang ito ang social media nang ihayag ng babae sa kaniyang social media account na magpapakasal na siya sa kaniyang Indonesian boyfriend. Subalit wala raw silang pera upang maituloy ito.

Subalit hindi nila alam na magiging daan pala ito upang matupad ang matagal na nilang pinapangarap…

“THE WEDDING”

Nag-viral ang post ni Brocklehurst at umani ito ng positibong reaksiyon mula sa mga netizens. Masaya raw sila para sa dalawa at marami rin ang nagsabing hindi talaga nababatay sa panlabas na anyo, edad, lahi at katayuan sa buhay ang tunay na pag-ibig. Dahil din dito, bumuhos ang donasyon para sa dalawa upang matuloy na ang kasalan nina Kumbara at Brocklehurst.

Larawan: Screenshot mula sa uploaded video ni LeonMata Tibi - Yputube Channel

Ang mga naipon nilang donasyon ay ginamit upang ipambili ng tickets para sa magulang ni Brocklehurst patungong Indonesia. Ang mga natira naman dito ay ginamit nila upang may maipanghanda sa kanilang kasal.

At noon ngang Agosto 08, 2015, tuluyan nang nag-isang dibdib sina Kumbara at Brocklehurst. 

Limang taon makalipas ang kanilang kasal, ano na ang nangyari sa kanilang dalawa?

Makikita sa mga larawan at videos sa kanilang Instagram na patuloy pa ring nag-aalab ang pagmamahalan nina Kumbara at Brocklehurst. Sa katunayan ay mayroon na rin silang isang anak na babae. Patuloy pa rin si Kumbara sa pagiging tour guide at sa kaniyang pamamasada. Hindi na rin daw siya masiyadong mapagbiro sa ibang mga babaeng turista. 

Patunay lamang ang kanilang kuwento na walang makahahadlang sa dalawang pusong nag-iibigan, kahit na ang kanilang lahi, panlabas na anyo, edad at katayuan sa buhay.


Source: LeonMata Tibi - Yputube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Isang tourist guide, nabihag ang puso ng isang Caucasian Tourist
Isang tourist guide, nabihag ang puso ng isang Caucasian Tourist
https://1.bp.blogspot.com/-K2mw7hSPShQ/XziP3sxmcvI/AAAAAAAAPx8/nqtV24FWpu0UxkxjpMQp1GXFZDOFEKcTgCNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B%25282%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-K2mw7hSPShQ/XziP3sxmcvI/AAAAAAAAPx8/nqtV24FWpu0UxkxjpMQp1GXFZDOFEKcTgCNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%25282%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/isang-tourist-guide-nabihag-ang-puso-ng.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/isang-tourist-guide-nabihag-ang-puso-ng.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy