Janette Garin, nagsalita na, sabwatan ni Duque, Hontiveros - Aquino at Gloria sa PHILHEALTH!

Larawan ay mula sa Google “Fraud is not new to PhilHealth.” Ito ang panimula ni Congresswoman Janette Garin sa isang pagdinig nila sa Kongre...

Larawan ay mula sa Google


“Fraud is not new to PhilHealth.”

Ito ang panimula ni Congresswoman Janette Garin sa isang pagdinig nila sa Kongreso ukol sa korapsyon at katiwaliang nangyayari sa PhilHealth.

“Mabuti pa nga ‘yong pandemic every 100 years, bumabalik sa mundo. Dito yata sa PhilHelath, every time a new appointee comes to the PhilHealth family, paulit-ulit na bumabalik ‘yong mga puno ng totoong mafia sa PhilHealth.”

Hindi lang daw doktor, kundi nagiging doctorate na rin daw ang mga expertise sa likod ng katiwalian sa nasabing ahensya. Ikinalulungkot niya raw ito dahil marami raw dito ang nakasama at nakatrabaho niya.

Taong 2001 daw nang nasa “peak” ang pagkakadiskubre sa fraud na nangyayari sa PhilHealth, dahil daw sa cataract. Nang kumalat daw ang “cataract fraud” na ito, nagkomisyon daw ang Department of Health (DOH) sa isang grupo upang gumawa ng report.

At imbes daw na makabuo ito ng mga reporma at maka-“instigate”, tila naging “Bibliya” na raw ito “where others started copying how fraud via cataract operations can be committed.”

Pumasok daw noong taong 2004 sa Kongreso si Garin. At ang laban sa paglilinis ng PhilHealth ay dinala niya rito. At ayon kay Garin, “Unfortunately, some time at the early part of my first term in office, then our former President Gloria Macapagal – Arroyo asked me a few important questions and gave the directives for Congress to continue the investigation.”

Dahil daw roon, hinayaan daw sila ng noo’y Presidente ng PhilHealth na si Francisco Duque “to instill reforms related to cataract fraud.”

Dagdag pa ni Garin, “Nawala subalit bumalik. Nawawala ulit, bumabalik.” Kaya raw, umaasa siyang sana ngayon ay “permanent reforms” na ang ma-i-install sa nasabing ahensya.

Ilang imbestigasyon na raw kasi ang pinagdaraanan ng PhilHealth subalit walang nangyayari. Sa bawat panahon daw kasing may bagong ina-appoint sa naturang ahensya, “they have mastered the art of fraud.”

Sabi pa ni Garin, hindi raw totoong “case rates” lamang ang problema. Ang mga sinasabi raw nilang “case rates” ay sinimplehan lamang daw na “fraud.” Subalit bago pa raw lumitaw ang isyung ito, kaliwa’t kanan na raw ang fraud na nangyayari sa nasabing ahensya.

Unang-una na nga raw rito ang listahan ng mga miyembro ng PhilHealth. Pangalawa naman daw sa mga remittances ng PhilHealth Premium. Hiling ni Garin, baka naman daw puwede nilang balikan kung ano ang nangyayari sa mga panahong iyon.

“Just for disclosure, Mr. Chair. I became the Chairman of the PhilHealth Board… I think in 2015 to the early part of 2016… I’m not sure but I think that was like one year and four months. At noong una nga pong pumasok sa Philhealth, ang una po naming tinutukan ay baguhin ang care rates.”

Nag-organisa raw sila noon ng isang joint community dahil tila napakarami raw ng mga duplicates sa pagitan ng PhilHealth coverage at free medicines na ibinabahagi ng DOH.

“So to avoid duplication and to aligned the actual case rates, nagkaroon po ng reduction I believe dialysis was one of that, pneumonia case rates were also changed dahil noong panahon nga dati, nadokumento po ‘yong trak-trak na mga tao na hinahakot. 

And the problem with these, Mr. Chair, ‘yong mga miyembro ng Philhealth ay tila naabuso.”

Kaya raw ito inuulit ni Garin ay dahil sinusubukan daw talaga nila itong i-“convey” sa mga namumuno sa PhilHealth. Subalit, kada magpapalit daw ng pinuno sa nasabing ahensya, tila napapaniwala raw nila ang mga taong walang nangyayaring fraud dito.

Ayon pa rin kay Garin, “Kailangan po nating tanggapin that fraud is happening and that there is a syndicate inside. Because if the leadership of PhilHealth will not recognize the existence of such syndicate, it will be very difficult to find resolutions.”

Pagtatanong pa ni Garin, “Kanino po ba ang pera ng PhilHealth?” 

Sino raw ba ang may-ari ng pera sa nasabing ahensya?

“Ang taong bayan po ang may-ari ng pera natin,” sagot naman ng kasalukuyang Presidente ng ahensiya na si Brigadier General Ricardo Morales.

Ani naman ni Garin, marahil ay rito laging nagsisimula ang problema – kung hindi raw nila naiintindihan kung sino ang talagang nagmamay-ari ng pera ng PhilHealth. Hindi raw kasi ito pagmamay-ari ng taumbayan, bagkus, pagmamay-ari raw sila ng mga “miyembro” ng ahensiya.

“Being a public health insurance. That’s why its function as an insurance… lahat po ng insurance, nagbibigay po ng Premium ang mga miyembro, kapag ikaw ay mangailangan, ‘yong insurance – institusyon na ‘yan ang magbabayad ng iyong pangangailangan. And this is actually one of the biggest reasons of fraud,” pahayag pa ni Garin.

Dagdag pa niya, “Marami kasi ang umaabuso sa pondo ng PhilHealth sa pag-aakala nila na ito ang ninakawan nila e gobyerno lamang. Well government subsidizes the premium of the indigents. 

When the government pays PhilHealth, that money becomes a money of all the members and the dependence of the Philippine health insurance. Kaya nga po insurance.”


Source: PH BREAKING NEWS  - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Janette Garin, nagsalita na, sabwatan ni Duque, Hontiveros - Aquino at Gloria sa PHILHEALTH!
Janette Garin, nagsalita na, sabwatan ni Duque, Hontiveros - Aquino at Gloria sa PHILHEALTH!
https://1.bp.blogspot.com/-_3mIblSV_Yc/XzQLN09scrI/AAAAAAAAPqk/X1Eyln2XYEILGypbo26_xGs87cQB2ovhQCNcBGAsYHQ/d/maxresdefault.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-_3mIblSV_Yc/XzQLN09scrI/AAAAAAAAPqk/X1Eyln2XYEILGypbo26_xGs87cQB2ovhQCNcBGAsYHQ/s72-c-d/maxresdefault.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/janette-garin-nagsalita-na-sabwatan-ni.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/janette-garin-nagsalita-na-sabwatan-ni.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy