Isang vlogger sa ngayon si Angel at mas kilala siya bilang si “Ry” sa kanyang YouTube channel. Sa kasalukuyan ay higit 600k na ang kanyang subscribers
![]() |
Larawan ay mula sa Google |
Isa si Onyok Velasco sa mga naging panlaban ng ating bansa sa sports na boxing. Ilang beses niya na ring pinahanga at pinabilib ang mundo dahil sa kanyang mga naipanalong laban. Sa katunayan, noong 1994 Asian Games ay nasungkit niya ang gintong medalya. Nakamit niya rin ang silver medal noong 1996 Summer Olympics na ginanap sa Pilipinas.
Larawan ay mula sa Google
Nang matupad niya na ang pangarap niyang maging atleta, pumasok na rin sa mundo ng showbiz si Onyok: naging aktor at komedyante na rin siya. Marami ang naging proyekto niya lalo na sa mga pelikula. Isa sa mga ito ay tungkol pa sa kanyang buhay – kung saan ipinakita ang kanyang mga paghihirap bago nagtagumpay.
Larawan ay mula sa Google
Ngunit maliban sa kanyang magandang career, nagkaroon din siya ng magandang buhay kasama ang kanyang asawa at ang anak na si Angel.
Larawan ay mula sa Google
Isang vlogger sa ngayon si Angel at mas kilala siya bilang si “Ry” sa kanyang YouTube channel. Sa kasalukuyan ay higit 600k na ang kanyang subscribers, nakilala siya bilang isang beauty and make-up guru sa kaniyang mga vlogs. Madalas niya ring nakakasama ang kaniyang amang si Onyok sa mga video na ini-a-upload niya na siyang kinasasaya rin ng mga viewers.
Larawan ay mula sa Google
Larawan ay mula sa Google
Dahil na rin sa pagiging natural na komedyante ng kaniyang ama, nagawa siyang suportahan nito lalo na sa kaniyang pag-aaral. Nasa kolehiyo na kasi ngayon si Angel sa De La Salle College of St. Benilde at kumukuha ng kursong Export Management.
Larawan ay mula sa Google
Sinasabi rin ng kaniyang mga tagahanga na malaki ang pagkakahawig niya sa aktres na si Kathryn Bernardo. Nagsimula ito nang mag-guest siya sa programang “Magandang Buhay” at sinabi mismo ng mga hosts nitong sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal kung sino nga ba ang celebrity look-alike ng dalaga.
At nang tinanong siya kung paano maging ama si Onyok, sagot niya:
“Siya ‘yong parating nagmo-motivate sa’min. Alam mo ‘ying tipong kahit small competitions lang, dahil sumasali kaming mga siblings, parati siyang nandiyan para sumuporta.”
Narito ang mga ilang video kung saan kasama ni Angel ang kanyang ama na si Onyok:
Source: Ry Velasco - Youtube Channel
COMMENTS