Laki sa hirap, Ngayon Millionaire na! Tunay na buhay ni Angel Locsin.

  Source:  Google Images Isa si Angel Locsin sa pinakamagagaling na aktres sa industriya. Maliban sa angking kagandahan, marami rin ang huma...

 

Source: Google Images

Isa si Angel Locsin sa pinakamagagaling na aktres sa industriya. Maliban sa angking kagandahan, marami rin ang humahanga sa kanya dahil sa taglay niyang kabutihan. Ngunit ano nga ba ang tunay na kuwento ng pinakapaboritong Darna ng masa?

Siya ay si Angelica Colmenares sa totoong buhay. Hindi nga raw niya inakalang mapupunta siya sa industriya ng showbiz.

Source: Google Images

Sa isang interview, kinuwento niyang isa lamang siyang estudyante na nautusang dumaan sa grocery store sa isang mall at dito na nga siya nakita ng isang talent scout. Hindi nga raw siya makapaniwalang puwede pala ang kanyang itsura sa showbiz. Ang alam niya lang daw noon ay amoy chlorine siya at tuyot na tuyot ang kanyang buhok dahil sa kaka-training ng swimming. Miyembro kasi si Angel ng UST Swimming Team.

Source: Google Images

Source: Google Images

Para makatulong sa pamilya, pumayag siya sa alok ng talent scout na nakakita sa kanya sa mall. Nagsimula siya sa mga TV commercials, at naikuwento pa nga niya na P30,000 ang pinaka-una niyang sahod.

Source: Google Images

Taong 2001 nang tuluyan nang pinasok ni Angel ang industriya. Miyembro siya ng Star Circle Batch 9, pero hindi natuloy ang kontrata niya sa ABS-CBN.

Nagsimula ang suwerte ni Angel noong 2002 matapos siyang maging miyembro ng youth oriented show na “Click” sa GMA bilang si “Charley” na agad minahal ng mga manonood. Sinundan ito ng “Mulawin” matapos siyang mapili ng management na gumanap bilang “Alwina.” Pumatok nga sa publiko ang naging tambalan nila ni Richard Gutierrez sa nasabing progama. Ang tambalang “ChardGel” ay nakagawa pa ng mga pelikula.

Source: Google Images

Si Angel din ang isa sa mga gumanap sa iconic role na “Darna.” Nabigyan nga niya ng hustisya ang Filipino superhero at hanggang ngayon, siya pa rin ang kinikilalang “Darna” ng lahat. Sa katunayan, nagtala ito ng isa sa pinakamataas na rating sa telebisyon. Isa si Angel sa nagtayo ng bandera ng GMA noong 2004 hanggang 2007.

Source: Google Images

Source: Google Images

Noong Agosto 2007, napabalitang umalis na si Angel sa GMA, kung saan isa sa pinakapinag-usapan ng mga tao ay ang paglipat niya sa ABS-CBN. Maraming fans nga raw ang nagtampo at maging ang TV executives ng Kapuso network ay nadismaya. Umabot pa nga raw sa puntong b-in-oy-cott ng GMA ang mga TV ads na ini-endorse ni Angel.

Source: Google Images

Source: Google Images

Ang pinaka-unang proyekto ni Angel sa Kapamilya network ay ang “Lobo” kung saan katambal niya rito si Piolo Pascual. Mataas ang naging rating ng naturang palabas at nominated pa si Angel sa International Emmy Award for Best Performance of an Actress. Bukod kay Piolo, naipareha rin siya kina John Lloyd Cruz at Sam Milby.

Source: Google Images

Source: Google Images

Tinutukan nga ng madla ang mga naging proyekto ni Angel sa ABS-CBN. Sa ngayon, 19 taon na siya sa mundo ng showbiz at patuloy pa rin ang kanyang karera.


Source: Google Images

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Laki sa hirap, Ngayon Millionaire na! Tunay na buhay ni Angel Locsin.
Laki sa hirap, Ngayon Millionaire na! Tunay na buhay ni Angel Locsin.
https://1.bp.blogspot.com/-IpS5LLy1zRY/XzNDtTiGFyI/AAAAAAAAPok/W8V4d7CRXlQCTo9oJddW2r_IbAdE9Lc_gCNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-08-11T211935.105.png
https://1.bp.blogspot.com/-IpS5LLy1zRY/XzNDtTiGFyI/AAAAAAAAPok/W8V4d7CRXlQCTo9oJddW2r_IbAdE9Lc_gCNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-08-11T211935.105.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/laki-sa-hirap-ngayon-millionaire-na.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/laki-sa-hirap-ngayon-millionaire-na.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy