Lalaking madiskarte sa buhay naka Jackpot

Larawan: Screenshot mula sa LeonMata Tibi - Youtube Channel M adalas nating nakikita at napapanood sa mga reklamo sa ilang mga programa o mg...

Larawan: Screenshot mula sa LeonMata Tibi - Youtube Channel


Madalas nating nakikita at napapanood sa mga reklamo sa ilang mga programa o mga teleserye na kapag nagkaroon ng ibang karelasyon ang isang lalaki ay talaga namang magdudulot ito ng kaguluhan, lalo na sa parte ng “naunang” babae.

Subalit, iba naman ang nangyari sa asawa ng lalaking ito na tila naging pabor pa sa kaniya ang lahat.

Ang lalaki ay kinilalang si Manop Nuttayothin, 44, na taga-Thailand. Sampung taon na siyang kasal sa babaeng nagngangalang Warissara Poksrichan, 34. Sampung taon man daw ang kanilang agwat subalit makikita naman daw na mahal ni Poksrichan si Nuttayothin.

Larawan: Screenshot mula sa LeonMata Tibi - Youtube Channel


Taong 2009 nang magkakilala ang dalawa. Estudyante pa lamang daw noon ang babae habang kumakayod naman na ang lalaki para sa kaniyang pamilya. Nagmamay-ari ng isang maliit na tindahan ng mga parte ng motor ang mga magulang ni Nuttayothin. Minsan lang daw siya tumulong dito subalit naging madalas daw ang pananatili niya rito sapagkat madalas daw ritong dumaan si Poksrichan.

Hanggang sa gumawa na ng paraan ang lalaki upang makilala ang estudyanteng ito.

Hiniram daw ni Nuttayothin ang motor ng kaniyang ama, isang araw. Saka niya biglang niyaya si Poksrichan, at sinabing ihahatid niya na raw ito. Nagulat daw ang babae at napagkamalan pa itong namamasada. Gayunpaman, naisakay at naihatid daw ng lalaki ang kaniyang “crush” sa tahanan nito. Hindi na rin daw tinanggap pa ni Nuttayothin ang pamasahe ni Poksrichan.

Larawan: Screenshot mula sa LeonMata Tibi - Youtube Channel




Naging ganoon daw lagi ang sitwasyon. Nang tumagal ay nagkamabutihan na ang dalawa at nagkaroon na nga ng relasyon. Hanggang sa napagdesisyonan na nilang magpakasal noong 2010. Subalit huli na nang malaman ni Poksrichan na may nauna nang asawa si Nuttayothin na namayapa na at may naiwan sa kaniyang tatlong anak. Hindi naman daw ito naging “big deal” sa babae dahil sabi nga nila, “past is past.”

Masaya naman daw ang pagsasama ng dalawa sa loob ng isang dekada, sa kabila ng isyu sa pagkatao ni Nuttayothin na mahilig daw talagang magpa-angkas ng ibang babae sa kaniyang motor. At ang napagdiskitahan pa talaga niya – ang best friend mismo ng kaniyang misis.

Subalit imbes na magalit si Poksrichan ay taos-puso pa nitong tinanggap sa kanilang bahay ang babaeng nagngangalang Nattaya Tongpan, 26. Willing naman daw ang bagong babae na makihati sa pag-ibig ng lalaki.

Hindi man daw puwedeng pakasalan ni Nuttayothin ang pangatlong babae sa kaniyang buhay ay itinuring niya pa ring asawa si Tongpan.

At dahil nga dalawang babae na ang kasama niya sa iisang bubong ay literal na doble-kayod na si Nuttayothin upang mabuhay niya ang kaniyang pamilya.

Nang mag-post si Poksrichan ng litrato nilang tatlo sa kaniyang social media account ay nag-viral ito sa mga netizens, lalo na sa Thailand. Humanga raw sila sa kung paano naha-handle ng lalaki ang dalawa niyang asawa.

Larawan: Screenshot mula sa LeonMata Tibi - Youtube Channel

Ayon pa kina Poksrichan at Tongpan, hindi raw sila kailanman nagkaroon ng argumento nang dahil kay Nuttayothin. Sa halip daw ay mas lalo pang lumalim ang kanilang relasyon bilang isang pamilya. Tumutulong naman daw ang dalawang babae sa tindahan ng lalaki, at kung may mga event pa nga raw sa Thailand ay nagsisilbi pa silang saleslady at model ng kanilang shop.

Nang makapanayam si Nuttayothin sa isang show sa Thailand kasama ang kaniyang buong pamliya bilang mga guests, sinabi niya ritong hindi rin naman daw naiiwasang magtalo silang tatlo, subalit inaayos naman daw nila ito agad upang hindi na raw lumala pa.

Ibinunyag niya rin dito ang sikreto kung paano pa rin sila nagtatagal bilang mag-aasawa – ang pantay na pagtrato sa isa’t isa. Sa bawat asawa niya ay nabibiyayaan si Nuttayothin ng tig-tatatlong anak.

Nang tinanong kung sino ang humahawak ng kanilang pera, sinabi niyang binibigyan niya raw ng suweldo ang dalawang babae bilang kapalit ng pagtulong nila sa kanilang tindahan. Hindi man ibinahagi kung magkano subalit sapat na raw ito upang mabili ng kanyang mga asawa ang kanilang mga gusto.

Larawan: Screenshot mula sa LeonMata Tibi - Youtube Channel

Sinabi rin ni Tongpan na hindi raw mahalaga sa kaniya ang pera ng lalaki. Basta raw hindi sila pinapabayaan nito lalo na ang mga bata. Sumang-ayon naman dito ang best friend niyang si Poksrichan; dagdag pa niya, dapat daw na “100%” ang ini-invest ni Nuttayothin sa kanilang mga anak.

Inamin din ng lalaki na suwerte raw siya at mayroon siyang dalawang asawang tunay na nagmamahal at sumusuporta sa kaniya.

Nang pabirong tanungin sa kaniya kung magpapa-angkas pa siya ng isa pang babae sa kaniyang motor, sinagot ito ni Nuttayothin na hindi na raw kakasya ang tatlong babae sa iisang motor. Baka mahirapan pa raw siyang magmaneho.



Source: LeonMata Tibi - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Lalaking madiskarte sa buhay naka Jackpot
Lalaking madiskarte sa buhay naka Jackpot
https://1.bp.blogspot.com/-ah0kk1FGrqQ/XzlSN6q8dzI/AAAAAAAAP04/hDsoKoNscFEQYSLaHqRu0q8oE9ScoIhogCNcBGAsYHQ/d/Annotation%2B2020-08-16%2B173440.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-ah0kk1FGrqQ/XzlSN6q8dzI/AAAAAAAAP04/hDsoKoNscFEQYSLaHqRu0q8oE9ScoIhogCNcBGAsYHQ/s72-c-d/Annotation%2B2020-08-16%2B173440.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/lalaking-madiskarte-sa-buhay-naka.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/lalaking-madiskarte-sa-buhay-naka.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy