Lyca Gairanod, nag-house tour sa dati nilang bahay

Larawan: Screenshot mula sa Youtube Channel ni Lyca Gairanod I pinakita ng “The Voice Kids Season 1 Grand winner” at singer na ngayong si ...

Larawan: Screenshot mula sa Youtube Channel ni Lyca Gairanod



Ipinakita ng “The Voice Kids Season 1 Grand winner” at singer na ngayong si Lyca Gairanod ang kanilang dating bahay nang ibahagi niya ito sa kaniyang vlog sa kaniyang YouTube channel noong Agosto 24.

Nais daw ni Gairanod na ipakita ang dati nilang bahay sa dati nilang lugar kung saan daw siya lumaki. Ipinakilala niya nga rin ang kaniyang lola na nananatili pa rin hanggang ngayon sa bahay nilang iyon dahil nais niya raw itong bantayan.

“Napakasimple lang,” ani Gairanod nang muli siyang makatapak muli sa dati nilang bahay. Naikukuwento pa nga raw niya rati na naabutan daw iyon ng tubig ng dagat; na hanggang ngayon ay malapit pa rin daw sa dagat. Subalit napakatibay pa rin daw nito sapagkat hanggang ngayon ay hindi pa rin natitibag at nasisira.

Nang inakyat niya na muli ang dati nilang bahay, ibinahagi niyang nabago raw ito dahil tumira rito ang isa nilang kamag-anak. Ngayon, sa lola niya na raw ang bahay dahil nais niya raw talagang manatili at tumira rito. Sinabi niya ang lugar ng higaan ng kaniyang lola. Isa o dalawang hakbang lang mula rito ay ang mga kubyertos na.

“Sanay na sa simpleng buhay,” ani pa ni Gairanod. Dati raw nilang lutuan ang bahagi kung saan ay naging daanan o pintuan na ngayon.

Ipinakita niya rin ang lalagyan ng kanilang damit na noong bata pa lamang daw siya ay ganoong uri na raw talaga ng lalagyan ang mayroon at kinalakihan niya. Nabasag na nga raw ang isang bahagi nito at nawala na rin daw ang ilan nilang kagamitan dahil naanod daw ito ng tubig mula sa dagat, lalo na kapag malakas daw ang bagyo noon.



Sunod naman niyang tinungo ang kabila nilang y noon.

Una niyang ipinakita ang pinto na “marami nang pinagdaanan”, sapagkat nakailang tapal na raw sila rito. Lagi raw kasi itong nabubutas.

Sunod naman niyang ipinakita ang TV na ginagamit daw nila dati. Matapos nito’y sinabi niyang marami na raw kasing nabago sa dati nilang bahay dahil nagkaproblema raw dati nang tamaan ng malakas na bagyo ang kanilang lugar. Subalit, kahit ano raw ang mangyari ay nakatayo pa rin daw ito.

“Strong!” sabi nga ni Gairanod.

Larawan: Screenshot mula sa Youtube Channel ni Lyca Gairanod


Larawan: Screenshot mula sa Youtube Channel ni Lyca Gairanod

Ipinakita niya rin ang nakapaskil na imahe nina Hesus at Birheng Maria sabay sabi ng mga katagang, “Para suwerte tayo lagi sa buhay natin.”

Sunod naman niyang ipinakita ang kusinang karugtong nito. Tinanong ng kumukuha ng video kung ano ang nasa itaas na bahagi ng kusina. Sinabi naman ni Gairanod na pinaglalagyan daw nila ito ng bigas dati at sinabing suwerte raw ito, ayon sa pamahiin ng kanilang mga lola. Saka niya sinabing napalitan na raw ang bubong nito dahil nga nilipad na noon ng bagyo.

Ibinahagi niya ring dating “ulingan,” ang kalan na ngayon sa dati nilang bahay.

“Ganito lang siya kaliit guys pero napaka-importante sa’kin ng bahay na ‘to – marami akong napagdaanan,” pag-amin ni Gairanod.

Sinabi rin ni Gairanod na dati raw siyang “labandera” dahil gustong-gusto niya raw magbanlaw-banlaw dati at siya ang laging naglalaba ng kanilang mga damit.

Sunod naman nilang ipinakita ang dati nilang kuwarto. Marami raw “experiences” ang ipinaranas ng bahay na ito kay Gairanod kaya naman tila “nami-miss” niya raw ito.

Ipinakita niya rin ang “pinakamahiwagang tanawin” niya noon – ang bintana nila kung saan makikita na agad ang dagat. Dito raw sila madalas mag-vocalize ng kaniyang ama noon.

Hindi ka raw maiinitan sa kuwarto nila rati subalit marami nga lang daw lamok ang mayroon dito. Marami rin daw mga butiki rito. Marami rin daw butas dati ang kuwarto nilang ito kaya naman tila may “aircon” din sila.

Larawan: Screenshot mula sa Youtube Channel ni Lyca Gairanod

Sa susunod na bahagi naman ay muling binalikan ni Gairanod ang mga pinagdaanan niya bago niya narating ang tinatamasa niyang buhay ngayon. Sinabi niyang hindi niya raw ito inilalahad upang magpakitang-gilas o magmayabang sa mga tao, bagkus, nais niya raw malaman nila na hindi niya pa rin kinakalimutan hanggang ngayon ang kaniyang pinagmulan. Kung kaya pa nga raw tumindig ng bahay nilang ito ng mas matagal pang panahon ay mas matutuwa raw si Gairanod, dahil napamahal na raw ito sa kaniya.

Sunod naman niyang kinausap ang kaniyang lola. Sinabi nitong siya raw ang nagpalaki kay Gairanod; dati raw ay “mahirap lamang” ang kaniyang apo subalit ang apo niya raw na ito ang siyang “nagpaunlad” sa kanila ngayon. Naiyak naman ang mag-lola matapos nito. Saka inilahad ni Gairanod na ang lola nga raw niyang ito ang naging kasa-kasama niya habang siya ay lumalaki. Nagkuwentuhan pa ang mag-apo matapos nito. 


Source:

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Lyca Gairanod, nag-house tour sa dati nilang bahay
Lyca Gairanod, nag-house tour sa dati nilang bahay
https://1.bp.blogspot.com/-nUG805etE60/X0rv3QQP6aI/AAAAAAAAQGQ/veSN1Jr8TqUUDX16S-k0wiUrQ5UFXEjswCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B%252833%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-nUG805etE60/X0rv3QQP6aI/AAAAAAAAQGQ/veSN1Jr8TqUUDX16S-k0wiUrQ5UFXEjswCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252833%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/lyca-gairanod-nag-house-tour-sa-dati.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/lyca-gairanod-nag-house-tour-sa-dati.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy