Mga batang nagtitinda ng kakanin para makapag-ipon ng pambili cellphone para sa kanilang online class

Larawan: Screenshot mula sa Young Supports - Facebook Page D ahil sa krisis na dulot ng c0ronav¡rus 2019 (C0VID-19), wala munang face-to-fac...

Larawan: Screenshot mula sa Young Supports - Facebook Page


Dahil sa krisis na dulot ng c0ronav¡rus 2019 (C0VID-19), wala munang face-to-face classes ang mga estudyante para na rin maiwasan ang sakit. Kaya naman, ginagawa na ng Department of Education (DepEd), maging ng mga magulang, ang lahat upang kahit papaano’y maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga mag-aral. Isa na rito ang pamimigay ng mga modules, at ang iba nama’y online class.

Sa kabila nito, marami pa rin sa atin ang hindi kayang magkaroon ng gadgets para sumabay sa gagawing online class. Kaya naman, kanya-kanya nang diskarte para lamang makasabay sa pag-aaral sa bagong normal.

Sa Facebook page “Young Supports,” mapapanood ang isang video kung saan makikita ang batang nagtitinda ng turon na malagkit na may halagang sampung piso.

Ang video na i-p-in-ost noong Agosto 1 ay may kalakip na caption na “Mga batang nagtitinda para pambili ng cellphone pang online class.”

Nang marinig ng bata ang sinabi ng nagbi-video na bilangin na lahat, tuwang-tuwa ang mga ito.

Tinanong ng nagbi-video kung nag-aaral pa ba ang mga ito, tumango ang isang bata. Nang tinanong ulit kung anong grade na niya, sinabi ng bata, “[Grade] 5 pa po, umulit po ako.”

Larawan: Screenshot mula sa Young Supports - Facebook Page

Larawan: Screenshot mula sa Young Supports - Facebook Page


Sa kanilang pag-uusap, nabanggit ng bata na wala pa silang pambili ng cellphone upang sila ay makapag-online class. Tinutulungan lamang daw niya ang mga magulang niya sa pagtitinda.

“Mag-iingat ka palagi,” ani ng kumukuha ng video. Pagkatapos nito’y binigyan niya pa ng mask ang bata.

“’Di ba bawal ang mga bata sa labas?” tanong ng lalaki.

Sagot ng bata, “’Di kailangan po kasi wala po kaming makain.”

Binanggit pa ng lalaki na ibigay na lang ng bata ang iba sa mga nangangailangan at dalawa lamang ang kukunin niya.

Jared Monet daw ang pangalan ng bata. Ilang saglit lang, nagsilapit na rin ang mga kasamahan ni Jared na nagtitinda rin.

“Pagkatapos niyan, umuwi na kayo a,” paalala ng lalaking bumili sa kanilang paninda.

“Opo. Kayo na lang po hinihintay namin Kuya. Blessing,” salaysay ng mga bata.

Labis naman ang naging pasasalamat ng mga bata sa lalaki. “Pagpalain ka sana ng Panginoon,” banggit pa ng isang bata sa lalaki bago sila tuluyang umalis.


Source: Young Supports - Facebook Page


COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Mga batang nagtitinda ng kakanin para makapag-ipon ng pambili cellphone para sa kanilang online class
Mga batang nagtitinda ng kakanin para makapag-ipon ng pambili cellphone para sa kanilang online class
https://1.bp.blogspot.com/-dsQC4mH19O0/X0lpDKIXN0I/AAAAAAAAQFY/D66GCJSCEkcEn_zl1FKhxhMCfxyjuv_KQCNcBGAsYHQ/s640/Untitled%2Bdesign%2B%252829%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-dsQC4mH19O0/X0lpDKIXN0I/AAAAAAAAQFY/D66GCJSCEkcEn_zl1FKhxhMCfxyjuv_KQCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252829%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/mga-batang-nagtitinda-ng-kakanin-para.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/mga-batang-nagtitinda-ng-kakanin-para.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy