Mga katutubo sa Mindoro, tinanggihan ang mga ibinigay na Sardinas, Noodles, at Bigas

Larawan: Screenshot mula sa  PINOY EHH  - Facebook Page T inanggihan ng tatlong katutubo sa Mindoro ang mga ibinigay na bigas, sardinas at n...

Larawan: Screenshot mula sa PINOY EHH - Facebook Page



Tinanggihan ng tatlong katutubo sa Mindoro ang mga ibinigay na bigas, sardinas at noodles.

Sa Facebook page na “PINOY EHH”, mababasa ang caption na ganito sa isang video: “MGA KATUTUBO SA MINDORO HINDI TINANGGAP ANG BIGAY NA MGA BIGAS, SARDINAS AT NOODLES.

Sila ang katutubong “BATANGAN” kung tawagin. Hindi sila tumatanggap ng kahit anong bigay galing sa mga tao na hindi nila pinagpaguran o pinaghirapan. Sila yung mga orihinal na klase ng Batangan na may sariling paniniwala at tradisyon na sinusunod Kaya ang donasyong para sa kanila ay hindi rin nila kinuha kahit anong pagsuyo pa ang ginawa ng ating kababayan.”

Sa panimula ng video, binabanggit ng lalaking kumukuha ng video na walang kapalit ang mga bagay na ibinibigay nila.

Binigay niya ang suweldong P2900 ng mga Batangan mula sa kanilang pinagtrabahuan.

“Ipapaliwanag ko lang sa inyo. Ayaw nilang tumanggap ng tulong kasi iniisip nila, mayroong kapalit. Ang gusto po nila e, may pinagtrabahuan nila,” pagkukuwento ng lalaking nagbi-video.

Isa sa mga katutubo ang “nag-request” daw ng hasahan, at maya-maya pa’y ibinigay na ito sa kanya. Cable naman ang gusto ng isa para umano sa panghuhuli ng unggoy. Binilhan din ito ng dalawang cable, pero pinaaalalahanan ng lalaki ang humiling nito na huwag masyadong manghuli ng hayop dahil ito’y mauubos. Gulok naman ang hiling ng isa dahil tabingi na raw ang gamit niya. Binigyan siya ng panibagong gulok at siya na raw mismo ang gagawa ng handle.

“Mayro’n pa, o ito. Mga de lata… tapos ito, noodles… tapos, sa inyo na ‘to, 30 kilos na bigas,” dagdag pa ng lalaki.

Ngunit, tumayo ang isa sa mga Batangan at sinabing, “Ayaw namin ito.”

Ilang pagpipilit pa ang ginawa ng lalaki. Sinabi rin nito sa tatlong Batangan na para sa kanila talaga ang mga sardinas, noodles, at bigas na iyon at wala itong kapalit.

“Sa mga watchers po natin, sila po ‘yong mga kaibigan natin na walang relihiyon atsaka hindi sila part ng government natin kaya ayaw nilang tumanggap basta-basta. Hindi po sila katulad ng mga nanlilimos. Sila po ‘yong original na Mangyan na nandito sa ano natin,” salaysay pa ng lalaking nagbibigay sa kanila ng tulong.

Kahit ano na lang daw ang ibigay ng mga katutubo basta pumayag lamang silang tanggapin ang mga bigay na tulong sa kanila. Ilang beses pang hinikayat ng lalaki ang mga Batangan na kunin na ang mga ito.

Nang banggitin muli ng isa na hindi nila matatanggap ang mga iyon, tinanong ng lalaki kung paano na lang ang pamilya nilang nagugutom sa bundok. Sinabi ng isang Batangan na sila na mismo ang bibili ng pagkain, gamit ang perang ibinigay sa kanila.

“Hirap neto. Paano ‘to, ang dami kong binili o?... Binili ko ‘yan para sa inyo, hindi ko naman makakain lahat ‘yan dito. Dalhin niyo na. Hindi, libre ‘yan. Kung hindi, itatapon ko ‘yan diyan sa likod. Itatapon ko sa basurahan ‘yan, wala akong paglalagyan niyan,” pabirong sambit ng lalaki.

 Ani pa ng nagbibigay ng tulong, isipin na lamang nila na mula sa kanilang pinagtrabahuan ang mga ibinigay na relief packages.

Sa huli, hindi talaga tinanggap ng mga Batangan ang mga ibinigay na donasyon at sinabi ng lalaki na hahanap na lamang sila ng puwedeng mapagbigyan ng mga ito.

“Kultura talaga nila ‘yon,” banggit pa ng lalaki.



Source: PINOY EHH - Facebook Page

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Mga katutubo sa Mindoro, tinanggihan ang mga ibinigay na Sardinas, Noodles, at Bigas
Mga katutubo sa Mindoro, tinanggihan ang mga ibinigay na Sardinas, Noodles, at Bigas
https://1.bp.blogspot.com/-iTeI1LB5mNs/X0l2ZAWWdYI/AAAAAAAAQFs/75YRvBLSOIwqwHU24jbm5aw-mgXLujPzACNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B%252830%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-iTeI1LB5mNs/X0l2ZAWWdYI/AAAAAAAAQFs/75YRvBLSOIwqwHU24jbm5aw-mgXLujPzACNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252830%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/mga-katutubo-sa-mindoro-tinanggihan-ang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/mga-katutubo-sa-mindoro-tinanggihan-ang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy