Mga paninda ng isang Balut Vendor, Nagkalat sa kalsada matapos kumpiskahin ang kaniyang Kariton

  Source: Google Images T rending muli ngayon sa social media ang isang post noong March 17, 2019 tungkol sa isang balut vendor kung saan n...

 

Source: Google Images

Trending muli ngayon sa social media ang isang post noong March 17, 2019 tungkol sa isang balut vendor kung saan nagkalat ang kaniyang mga paninda matapos kumpiskahin ang kaniyang kariton.

           Naganap daw ang pangyayaring ito sa Colon Street sa Cebu City. Dahil nga ipinatupad noon ang clearing operation sa bawat kalsada at kalye, dumating ang mga awtoridad at sinimulang kumpiskahin ang kariton na nakakalat umano sa highway.

Source: Google Images

           Ayon sa netizen na nagbahagi nito sa social media, naiintindihan naman daw niya na trabaho lamang ng mga awtoridad ang ginawang pag-i-impound ng mga street vendors. Subalit, nalungkot daw siya nang makita niyang pinupulot ng tindero ang nagkalat niyang mga balut na siyang binibenta niya.

Source: Google Images

           Base sa caption niya sa kaniyang post, sana raw ay hindi na lang umabot sa ganoon ang nangyari. Maaari naman daw kasing daanin nila sa maayos na usapan at hindi na raw kailangan itapon pa ang iba’t ibang paninda sa kalsada.

Source: Google Images

           Nasaksihan din daw niya kung paano trinato ng mga awtoridad ang mga street vendors sa nasabing kaganapan. Sana man lang daw ay nag-usap na lamang sila ng mabuti at maayos na kinumpiska ang mga kariton. Hindi na raw sana pinagtatapon pa ang mga paninda dahil kung susumahin daw ay siguradong mahal daw ang mga iyon.

           Hinaing pa ng nasabing netizen, marangal daw na naghahanap-buhay ang naturang balut vendor. Alam naman daw nila na huhulihin sila ng mga awtoridad subalit kailangan din naman daw nilang magtinda upang may makain at mabuhay sila.

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Mga paninda ng isang Balut Vendor, Nagkalat sa kalsada matapos kumpiskahin ang kaniyang Kariton
Mga paninda ng isang Balut Vendor, Nagkalat sa kalsada matapos kumpiskahin ang kaniyang Kariton
https://1.bp.blogspot.com/-gvIPHHe2lQw/X0lR73_E9pI/AAAAAAAAQD0/eIsJQOPO2tgJ9CLOm-KKS3m2jSwkO8c3wCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-08-28T144948.486.png
https://1.bp.blogspot.com/-gvIPHHe2lQw/X0lR73_E9pI/AAAAAAAAQD0/eIsJQOPO2tgJ9CLOm-KKS3m2jSwkO8c3wCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-08-28T144948.486.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/mga-paninda-ng-isang-balut-vendor.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/mga-paninda-ng-isang-balut-vendor.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy