Misis, Mister at Kabit magkakasama sa iisang bahay. Kabit humihingi ng tulong kay idol Raffy Tulfo

Source:  Raffy Tulfo in Action Ano ang mangyayari kung si Kabit ni Mister ay kasama nila ni Misis sa iisang bubong?            Iyan ang ka...

Source: Raffy Tulfo in Action

Ano ang mangyayari kung si Kabit ni Mister ay kasama nila ni Misis sa iisang bubong?

           Iyan ang kakaibang istorya na naitampok sa isang episode ng programang “Raffy Tulfo in Action.” Nasa ilalim daw kasi ng iisang bubong ang lalaki, ang karelasyon nito at ang orihinal nitong asawa.

           “Dalawang gabi dito, dalawang gabi roon” – ito raw ang naging sitwasyon nila sa loob ng ilang panahon.

           Subalit, ngayon ay tila nag-iba na ang nangyayari dahil mismong ang mga sangkot sa kuwentong ito ay tila naguluhan na rin dulot ng pag-ibig…

 

“The Other Woman”

           Sumangguni sa nasabing programa si Sheila Molina, 38, at tatlong buwan ng buntis. Aminado naman daw siyang isa siyang kabit – at ang kaniyang inirereklamo: ang kaniyang karelasyon na isa raw babaero at masakit daw magsalita.

           Nang in-interview na ni Tulfo si Molina, kinumpirma nga nitong tatlo nga silang naninirahan sa iisang bubong. Ang alam ni Molina, ayos lang naman daw ito sa asawa ng lalaki.

           Kung paano ang “arrangement” nila tuwing gabi, sagot ni Molina:

           “Dati po, dalawang gabi dito, dalawang gabi doon, gano’n. Pero no’ng nag-away kami last November, sabi ko, mamili ka. Saan ka komportable? Ayoko nang gano’n. Hindi na po talaga ako komportable, maloloka na po ako.”

           Hindi rin daw alam ni Molina kung bakit pumayag ang misis ng kaniyang karelasyon na manatili siya sa ilalim ng kanilang bubong, dahil hindi naman daw sila nag-uusap.

           Si Molina raw ang nagluluto tuwing kakain na; kung minsan naman daw ay pupunta naman ang lalaki sa asawa talaga nito. Kung maligo man daw ito, magpupunta siya sa orihinal; subalit pagkatapos magbihis, minsan ay nagtutungo naman siya kay Molina.

Nakilala raw ni Molina sa isang kaibigan ang lalaki. Hanggang sa isang araw ay sumama na lamang daw siya sa lalaking ito.

So natanggap kayo agad ni Misis?” tanong ni Tulfo.

Tugon naman ni Molina, “Hindi ko po alam.”

Subalit nakatira naman daw sila ngayon sa iisang bubong. Nang tinanong kung hindi naman daw ba nagseselos ang misis, hindi muli sigurado ang sagot ni Molina. Dagdag pa niya, “never” naman daw silang nag-away ng orihinal na asawa.


“Ang Inirereklamo”

           Kinilala naman ang lalaki na si Alfred Eubank. Una niyang ibinahagi na magkaibigan daw ang kaniyang tatay na American Negro at ang tatay ni Tulfo. Nagkakilala raw ang mga ito sa Zamboanga. Nag-usap pa nga muna ang dalawa sa wikang Chavacano.

Sabi ng mga netizens, astig ka raw Sir,” ani Tulfo.

Astig? Hindi ho, 81 years old na ito,” gulat na sagot naman ni Alfred.

Nang tinanong kung paano nagagawang magtungo ni Alfred sa asawa niya ng dalawang araw at dalawang araw muli kay Molina, sumingit si Molina at sinabing mula noong Enero ay roon na raw sa kaniya umuuwi si Alfred.

Nang tinanong kung paano na ang misis, hindi raw alam ni Molina kung ano o paano nila pinag-uusapang mag-asawa ang nasabing sitwasyon.

Magsasampa na raw sana ng kasong “adultery” ang kaniyang misis, ayon kay Alfred, mula nang malaman nitong nagka-anak na sila ni Molina. Subalit nagmakaawa raw si Alfred sa asawa na huwag nang ituloy ito. Napakiusapan niya naman daw ito at hanggang ngayon ay wala raw itong “imik” tungkol sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.


“The Legal Wife”

Kinilala naman ang “legal wife” ni Alfred na si Josie Eubank, 58. Aniya, hindi raw siya pumayag noong una sa “kasalanang” ginawa ni Alfred subalit napapayag din daw kinalaunan dahil pinakiusapan siya nito.

“‘Yan na nga, ayaw ko sana. Pero nakiusap siya, sabi – mahirapan daw siya kung malayo ‘yong mga bata, sabi niya. ‘Di, okay naman sa akin kasi matagal na rin sila tapos parang naka-move na ako ba. Hindi na masiyadong ano sa akin, parang okay na lang sa akin kasi naintindihan ko rin. Kasi ako, wala akong anak; mayroon akong anak pero wala dito,” pag-amin ni Josie nang tanungin kung tanggap ba niya kung nagtutungo ang kaniyang asawa sa kuwarto ng kaniyang kabit kahit na nasa iisang bahay lamang sila.

Gusto niya, siya talaga ang masunod,” ani pa ni Josie dahil nakiusap daw sa kaniya si Alfred at nais niya raw na laging siya dapat ang nasusunod.

Nang sinabi ni Tulfo kay Josie ang tanong ng isang netizen kung nagsama na ba silang tatlo sa iisang kama, sagot ni Josie: hindi. Ngayon, wala na raw sila ng kaniyang asawa at ang magkasama na ngayon sa iisang kuwarto ay sina Alfred at Molina.

At nang nilinaw na ni Tulfo kung ano ang nais iparating at ireklamo ni Molina, sabi niya, ayos naman na raw sa kaniya ang tungkol sa kanila ni Josie. Wala na raw siyang problema o isyu rito; subalit, masakit daw para sa kaniyang lugar ngayon ang nararamdaman niya dahil may mga nagsasabi raw sa kaniyang ibang tao – “wala raw akong karapatang magreklamo kasi kabit lang ako.

So meron pang iba si Sir Alfred?” tanong ni Tulfo.

Wala po akong pruweba talaga, pero sa text naririnig ko po,” paglalahad ni Molina.

Ang reklamo raw ni Molina ay ayaw niya na raw sa lugar ng lalaki; nais niya na raw umalis upang kahit ano ang gawin ni Alfred ay gawin na lamang daw niya. Nagseselos daw siya dahil baka mayroon na namang ibang babae si Alfred.

Nakita ko po, “Good morning” po. Bakit ka mag-go-good morning sa isang babae na may asawa?” buong tapang na sabi ni Molina.

Tinanong ni Tulfo kung ilan daw ba ang kuwarto sa bahay nila. Sagot ni Molina, “May reserba po.”


Nagbigay ng halimbawa si Tulfo. Kung sakali raw bang mag-uwi ng panibagong babae si Alfred, tatanggapin daw ba niya ito? Tugon ni Molina, “Wala po akong karapatang magreklamo kasi kabit lang ako.”

Alam naman daw niyang lumugar at “tumahimik”. Pero kung sakaling gawin daw ito ni Alfred, kusa na raw siyang aalis. “Kung wala nga lang pong MECQ, umalis na po ako.”

Nais na raw talagang umalis ni Molina kasama ang bata subalit narinig daw niyang sinabi ni Alfred na kapag aalis daw siya ay ipakukulong daw siya nito; kakasuhan niya pa raw ito ng “adultery.” Paglilinaw naman ni Tulfo, hindi raw siya maaaring kasuhan ni Alfred ng ganitong kaso maliban na lamang kung ang magsasampa ay si Josie.

Pinatawag muna ni Tulfo ang isa sa kaniyang staff na isang abogado upang tanungin kung maaari daw bang magsampa ng kaso ng “adultery” ang babae kung kinuntsaba naman siya ng kaniyang mister; dagdag pa ritong tinanggap niya rin ang kabit sa kanilang pamamahay.

Habang naghihintay, kinausap muli ni Tulfo si Alfred. Sinabi niyang nais na raw talagang makawala ni Molina mula sa kaniya. Ani naman ng lalaki: “Ako, Sir – anytime. Pero, ‘yong ano ko, ‘yong mga bata – mamatay ‘yan sa gutom.”

“Ang Hatol?”

Ilang sandali ay natawagan na ng programa ang abogadong si Atty. Garreth Tungol, Chief of Staff sa opisina ni Rep. Jocelyn P. Tulfo ng “ACT-CIS Partylist.” Ipinaliwanag muli ni Tulfo ang sitwasyon ng tatlo. Matapos nito’y tinanong na niya kung ano ba ang “legal standpoint” dito.

Tama kayo, Sir, ‘no. Medyo nakakalula ‘yong kaso na ‘to kasi ‘di natin aakalain na may misis na papayag pala na sa family home, nando’n ‘yong kalaban or karibal mo. But, still when we look at this sa legal standpoint, ang tamang case po dito is concubinage laban po do’n kay Mr. Eubank, brought ng kaniyang asawa.

Ang pagkakarinig ko po kasi sa aking monitoring, Sir Raffy, na hindi naman talaga tino-tolerate o tinulak ng kaniyang asawa itong concubinage. Rather, pinagbibigyan niya kasi may pagbabanta or pagtatakot.

Itong ganitong kaso po, hindi po ‘to ‘yong sinasabi ng law na hinahayaan ng wife ang husband mangabit.”

Nang nais nang linawin ni Tulfo kung maaari daw bang kasuhan ni misis ang kaniyang mister at ang kabit nito, ani ni Tungol: “Absoultely, Sir. Puwedeng-puwede. Nandiyan na po lahat ng elements.”

Muling kinausap ni Tulfo si Josie. Pinayuhan niya itong hayaan na lamang daw si Molina na umalis sa kanilang pamamahay. Rason naman ni Josie, si Alfred naman daw ang may ayaw dahil nga sa mga bata. Humihingi pa nga raw ito ng pera at hindi niya lamang alam kung magkano.

Nang tinanong kung ayos lang bang “forever” nang manatili si Molina sa kanilang bahay, sagot ni Josie: “Okay lang sa akin.” Napapikit at tila natawa na lamang si Tulfo dahil tila hindi niya na alam kung ano ang gagawin sa kaganapang iyon.

Nang muling kinausap si Alfred, sinabi niyang dati raw siyang nagpuntang US kaya naman nakatatanggap siya ngayon ng pension. Muli niyang sinabi na ang iniintindi niya lamang daw ay ang kapakanan ng mga bata. Matapos nito’y sinabihan na siya ni Tulfo na “makuntento ka na lang sa dalawa” upang matapos na raw ang gulo. Sinabi rin ni Alfred na kahit magpadala raw si Tulfo ng kaniyang representative upang tingnan ang kanilang sitwasyon – wala raw talaga siyang ginagawang masama.

Nang muling binalingan si Molina, sinabi ni Tulfo na siya lamang daw ang tila nag-iisip na may iba, ayon kay Alfred. Tugon naman ni Molina, “Magaling po ‘yang magpalusot.”

Ipinaliwanag naman ni Tulfo na maaari siyang maipit kung sakaling magsampa ng kaso si Josie laban sa kaniya at sa kaniyang asawa. Tanggap naman daw ito ni Molina, kung saka-sakali.

Nag-usap muli sina Tulfo, Alfred at Molina. Sa huli, sinabi ni Tulfo na tutulungan daw niyang makauwi si Molina sa Zamboanga kasama ang mga anak nito. Kung sakali raw na kasuhan siya ng concubinage, tutulungan daw niya si Molina.

Muling tinawag ni Alfred ang pansin ni Tulfo at sinabi muling wala siyang kasalanan. Nagpaliwanag muli si Tulfo sa kung anong nais niyang mangyari upang matulungan sila subalit tila pinipilit ni Alfred na siya ang “pakinggan.” Dahil dito, sinabihan na ni Tulfo sina Molina at Alfred na mag-usap muna hanggang Biyernes. Babalikan niya raw ang mga ito sa Lunes.

Muling tinawag ng pansin ni Alfred si Tulfo at sinabing pakinggan daw muna siya at ang “buong katotohanan.” Sinabi niyang ninakaw daw ni Molina ang kaniyang mga pera. Tanong ni Tulfo, base sa kaniyang kuwento, isang “scammer” si Molina  subalit bakit pa raw niya ito “kinabit” gayong alam naman niyang scammer ito. Sagot ni Alfred, dahil nga may mga anak na sila ay inakala niyang magtitino na ito.

Shame on both of you,” sabi na lamang ni Tulfo kina Alfred at Molina. Dagdag pa ng host, nananahimik lamang si Josie na siyang orihinal. Subalit silang dalawa na ilegal ay nagbabangayan.

Sabi muli ni Tulfo, “Baliktad na ang mundo ngayon. ‘Yong mga illegal, ang tatapang at maingay. ‘Yong mga legit, tahimik.”

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Misis, Mister at Kabit magkakasama sa iisang bahay. Kabit humihingi ng tulong kay idol Raffy Tulfo
Misis, Mister at Kabit magkakasama sa iisang bahay. Kabit humihingi ng tulong kay idol Raffy Tulfo
https://1.bp.blogspot.com/-O2x5UX2YanU/XzweTZNwQsI/AAAAAAAAP4Q/V2KR232bigE_-a6UlA0TnqKAzb8lPFoUgCNcBGAsYHQ/d/Kabit.png
https://1.bp.blogspot.com/-O2x5UX2YanU/XzweTZNwQsI/AAAAAAAAP4Q/V2KR232bigE_-a6UlA0TnqKAzb8lPFoUgCNcBGAsYHQ/s72-c-d/Kabit.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/misis-mister-at-kabit-magkakasama-sa.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/misis-mister-at-kabit-magkakasama-sa.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy