Source: Raffy Tulfo in Action Labis ang paghihinagpis ng isang ina matapos nitong mahuli na nagtatalik ang dalawa nitong anak. Ipinalaba...
![]() |
Source: Raffy Tulfo in Action |
Labis
ang paghihinagpis ng isang ina matapos nitong mahuli na nagtatalik ang dalawa
nitong anak.
Ipinalabas
sa YouTube channel na “Raffy Tulfo in Action” noong Agosto 21, ang pagtalakay
nila sa sumbong ng inang si alyas “Mary” matapos mabuntis ng bunso niyang anak
na lalaki ang panganay niyang babae.
Isang
OFW si “Mary.” Nang tinanong ni Raffy Tulfo kung ilang taon na ang mga bata,
sinabi niya, “’Yong panganay ko po,
magna-19. Tapos po ‘yong lalaki ko pong anak, mag-e-18 po.”
Sumunod
namang isinalaysay ng ina kung paano niya nahuli ang dalawang anak. Isang araw
daw nang magising siya noong madaling araw, nakita niya ang mga anak na nasa “ganoong
posisyon.” Parang pinatay nga raw siya at wala na siyang halos maisip na
matino.
Tanong
ni Tulfo, “Kinausap niyo ho ba sila
pagkatapos noon?”
Sagot
ng ina: “Opo.” Una nga raw niyang
kinausap ang anak na lalaki. Humingi raw ng “sorry” ang anak niyang lalaki.
Sinabi nga raw ni “Mary” na sa halip na siya ang poprotekta sa kapatid niyang
babae ay ganoon pa raw ang ginawa nila.
Dagdag
pa ni “Mary,” “Lagi ko silang kinakausap.
Lagi ko silang tinatanong kung bakit nila ginawa sa akin ‘yan. Wala naman akong
alam na, opo may pagkukulang ako sa kanila kasi hindi sila sa’kin lumaki, ‘yon
lang po.”
Habang
nasa abroad ang ina, ang panganay ay nasa “side” ng ama nilang namatay,
samantalang ang bunso naman ay nasa magulang umano ni “Mary.”
Salaysay
pa ni Mary, “Opo, magkahiwalay sila. 2005
po, maliliit pa lang sila noong namatay ‘yong ama nila. Nagkahiwalay na po talaga
sila.” Nagkita lang daw muli ang magkapatid nito lamang Disyembre 2019.
“At bakit ho agad-agad silang mabilis na
pinagsama? Wala ho ba munang, kumbaga, kinausap silang pareho at sinabing “Kayo’y
magkapatid,” at nag-bonding-bonding muna sila. Hanggang sa nagka-igihan,
hanggang sa naging komportable sila sa isa’t isa bilang magkapatid. Wala hong
gano’n? Basta’t “Hoy, magkapatid kayo. Sige, magsama na kayo diyan sa iisang
bahay. Gano’n po nangyari?” tanong ni Tulfo.
Sagot
ng ina: “Hindi po.” Halos 15 taon na
raw niya kasing hindi nakasama ang anak na babae kaya niya ito kinuha mula sa
mga tiyahin nito.
Sunod
namang kinausap ang panganay na anak na si alyas “Marie.” Tinanong siya ni
Tulfo kung ano nga ba ang “nag-trigger” sa kanilang magkapatid at bakit nila
iyon nagawa. Sagot niya, “Ewan po, ‘di po
naman namin sinasadya. ‘Di naman po namin namalayan ‘yong mga pangyayari. Bago
pa po namin namalayan, tapos na.”
Ayon
kay “Marie,” hindi naman daw sila umiinom ng alak at pangalawang beses na raw
nila itong ginawa.
Tanong
naman ni Tulfo, “Pero, hindi ba pumasok
sa isipan niyo na, teka muna, magkapatid, no can do kahit anong mangyari, hindi
puwede ‘tong magkapatid na gagawa ng ganitong klase, ‘di ba? Anong sinabi mo,
anong paliwanag ang ibinigay mo sa mama mo, no’ng matapos kayong kausapin, ikaw
lalo na bilang panganay?”
May
follow-up question pa si Tulfo kung may naging pagkukulang nga ba ang ina
niyang si “Mary” o may naging pagkukulang ba raw ang ibang tao sa kanilang
magkapatid kaya nangyari ang ganoong sitwasyon.
“Parang may sama ng loob po ako kay Mama.
Kasi po, hindi po ako lumaki kay Mama. Nasa four years old po ako, ni isang
mukha ni Mama hindi ko po nakita hanggang po sa lumaki ako. Nagtanim po ako ng
sama ng loob,” kuwento ni “Marie.” Humingi na rin naman daw sila ng
pasensya sa kanilang ina.
Kinausap
din ni Tulfo si alyas “Tony,” ang bunsong anak ni “Mary” na nakabuntis sa
nakatatanda niyang kapatid na si “Marie.”
Payo
ni Tulfo sa kanya, “Ikaw bilang lalaki,
sana, kung nangyari man ‘yon bang natukso kayo, sana ikaw ‘yong pumigil.”
“’Yon lang po Sir, ‘yong pagkakamali ko Sir,”
sagot naman ni “Tony.” Hindi naman daw ito umiinom ng alak, o kahit gumagamit
ng droga. Kuwento pa ng lalaking anak, wala naman daw pumasok sa kanyang isip bago
maganap ang pangyayari. Ilang beses na rin daw siyang humingi ng tawad sa
kanyang ina.
Sumangguni
naman sila kay Dra. Camille Garcia, isang psychologist sa Clinic of Holy Spirit,
patungkol sa kung bakit nangyari ang ganoong kaganapan sa mga taong sangkot.
Paliwanag
ni Dra. Garcia, “Usually po kasi ‘yong
mga ganiyan pong klase ng pangyayari,… may mga pagkakataon na talagang, sabihin
na natin, nangyayari siya kung talagang nagkita sila. Tapos eventually parang
walang option na sabihing mali ‘yan. Na hindi tama ‘yang ginagawa.
Tapos ngayon, kung sasabihin ni
“Marie,” sabi niya nagkaroon siya ng galit sa nanay niya. Sometimes kasi
nagiging subconscious natin na gumanti, gumanti, kailangang gumawa ng something
na mali. And then eventually, hindi naman talaga natin ‘to puwedeng sabihin na
bigla lang nangyari ‘to, Sir Raffy e. Dahil kasi ‘yong involvement dito para
mangyari ito, na kahit first time or second time, mayroong emosyon…mayroon na
talagang emotional involvement silang parehas.”
Pagdating
nga raw sa ganitong pagkakataon, madalas sabihin na ang ganitong klaseng
emosyon ay mali talaga, kailangang makagawa ng paraan kung paano maitatama ang
isang kamalian. Hindi raw puwedeng aabot ang ganito sa demandahan.
Dagdag
pa ng psychologist, “Kailangan ayusin natin
kung ano ‘yong nararapat. At kung ano ‘yong intake nila dito. Kasi kung
tutuusin, tama po ba, pagsasamahin po ba, anong gagawin natin. Pero kasi kung
iisipin niyo galit at galit, the more na talagang, baka mamaya itong magkapatid
na ‘to, hindi lang maging isa ang anak nila, maging dalawa pa. Tapos nilayasan
kayo, mas lalong mahihirapan po tayo.”
Mas
nakikita rin daw ng doktora na kinakailangang i-counseling ang dalawang
magkapatid.
Nang
sinabi ni Tulfo kung maaaring dalhin sila sa psychologist sa Lunes para
mabigyan ng therapy, sinabi ni “Mary” na mas maayos nga raw ito para luminaw
ang kanyang pag-iisip.
COMMENTS